Si Nanay....
Ang sarap Ng walang ginagawa, wlang Iniisip at Hindi ka napapagod. Yun bang tipong gigising ka bawat Araw na halos abutin ka na nang tanghali. Hayahay ang buhay di ba? bawat isa sa atin Aminin man natin sa Hindi ay naghahangad Ng kapahingahan, ayaw Ng napapagod, ayaw Ng maraming Iniisip. naturalesa Ng Tao yan, wala nman sigurong gusto mahirapan kung maiiwasan. Naisip ko tuloy yung mga nanay natin, simula sa pagkabata natin, sila yung nag aalaga sa atin, sila yung napupuyat, na kahit Antok na Antok na eh gigising para lang tyo ay mabantayan at aalagaan. Naalala mo ba yung kanta ni Freddy Aguilar? Yung kantang "Anak", yan ay isinalin sa ibat ibang wika para maintindihan Ng mundo ang mensahe Ng awiting Ito. Ngayong malaki na tyo, at tamang pag iisip, nakita mo ba kung paano naghihirap ang nanay mo para lamang Mabigay ang lahat Ng pangangailangan mo? Ni Hindi mo nga alam kung paano sya nkaka pag abot sayo Ng pera para may pang gastos ka. Na kahit Hindi mo nman kailangan ang isang Bagay, ginagawan Ng paraan Ng nanay natin dahil sa Pinipilit mong hingin. alam mo ba pano kumita Ng pera ang mga nanay natin? Ni Hindi mo alam kung kumakain pa sya Ng tama para lamang may ma ibigay sayo at sa akin, isusubo n lang nila, ibibigay pa sa atin.
sila nanay ang gimigising Ng maaga pa sa tilaok Ng manok, na kahit gsto magpahinga, Hindi Puede, kahit may sakit babangon, para magbanat Ng buto. May rest day ba ang mga nanay? Wala! Simula Ng sinilang ka sa mundong Ito, ang pa gigging nanay nila ay Hindi nagtatapos sa Araw Ng sabado or linggo o holiday, ang pa gigging nanay nila sa atin ay walang hangganan. Naisip ko din yung mga nanay pala na wlang hanap buhay, pano kaya sila nakaka survive as bawat Araw? Ang hirap kaya mag isip Ng Bagay na Hindi mo alam kung San mo kukunin pero Kelangan mong gawan Ng paraan, Hindi isang Araw, Hindi isang linggo. sila nanay ang madalas mag isip Hanggang sa pag tulog, kung Ano ang kakainin mo kinabukasan. Oo, Hindi ninyo, kundi MO. Walang pinagkakakitaan, manghihiram yan, nagpapaalipin yan, naghihirap, buhay ang binibigay Ng mga nanay natin para ikaw ay mabuhay Ng normal at mapag aral. e ikaw? Ako, choosy ka pa sa pagkain, nagdadabog kapA, Hindi mo ba naiisip ang mga damdamin Ng mga nanay natin sa mga pagkakataong nag iinarte ka. Ikaw ba napagod? Akala Kasi natin ok lang lahat Ng Bagay, Kasi d mo nman na kikita ang mga nanay na mukhang pagod, d mo madalas mababakas as mukha nya yan, Kasi nkangiti pa din ang mga nanay natin, ayaw Kasi nila na isipin pa natin sila. Kaya kahit Hindi ok, okey pa din sila, pero as mga Ora's na Hindi mo sila nakikita o sila ay nag iisa, sila ay may dinaramdam o iniinda. hanggat sila ay may lakas, ginagawa nila ang lahat para sayo At sa akin, Hindi dahil sa obligasyon kundi dahil sa dakilang pagmamahal nila sa atin.
Ngayong may trabaho kna? At d na kaya magtrabaho nila nanay, alalahanin mo na ang sakripisyo Ng isang Ina ay wlang hinihintay na kapalit. Hindi importante kung ikaw ay nag bibigay sa knila sa pinag kakakitaan mo. Dahil kahit magtrabaho ka buong buhay mo, Hindi mo kayang bayaran ang sakripisyo at pag aaruga na bibigay nya sayo at sa akin. Wag kang magbibilang Ng mga Bagay na Inaabot mo as Kanila, kahit gumamit ka Ng pinaka latest na calculator Hindi mo kayang tuusin yan, maniwala ka. Hindi ka dapat mapagod sa pagtulong sa Kanila, kahit pa may sarili k nang pamilya, Oo, sa pangkalahatang Pananaw, priority natin ang mga pamilya natin, pero ang usapin Ng pagtulong at pagdamay sa mga nanay natin ay Hindi dapat matapos, Hanggang sa kahuli hulihan. Sana Hindi lang tuwing Mother's Day natin sila naalala, dinadalaw at sinasabihan Ng I love you Nay, Hindi mo alam kung Hanggang kelan nlng natin sila makaksama, baka Kasi Hindi n nya madinig sa susunod pa. Pero Hindi nagtatapos sa pagsasabi Ng mahal kita Nanay, pinapadama yan, Hindi salita sa salita ang tunay na lenguahe Ng pagmamahal kundi puso sa puso na naipadadama at walang pinipiling Oras at legalidad, bakit? Sapagkat may mga taong nagbibigay Ng pag aaruga at pagmamahal katumbas Ng para sa isang tunay na anak o higit pa, Sila yung mga Hindi natin tunay na Ina sa laman subalit tunay sa atin ang pagmamahal.
Pangarap ko mga kaibigan para sa lahat Ng Ina na dumating ang Oras na sila ay wala nang iisipin, Hindi napapagod at panatag ang ka looban. Ito ay Hindi isang Linya o talumpati sa isang patimpalak, kundi Ito ang aking nararamdaman. Nagpapasalamat Ako una at higit sa lahat sa ating Panginoong Diyos sapagkat Siya ang dahilan kung bakit dakila ang ating mga Ina, sapagkat Siya ang pinakadakila sa lahat Ng dakila.
Maligayang Araw Ng mga Ina sa lahat Ng Nanay :)