Sabi ni Vice Ganda sa isa nyang post “SINO DITO
ANG SUMUSUNOD SA LAHAT NG SINASABI NG BIBLIYA? Ang tawag dyan excuses. Yang
tanong nya, kaya nyang sagutin mismo kung tutuusin. Pero para lang pagtakpan at
hindi mapahiya ay mag tatanong ng tanong na hindi na dapat tinatanong pa. Ang
gulo noh? Tanong pa kasi ng tanong eh. Hahaha. Wala naman perpekto at
hindi nman talaga nakakasunod ang lahat sa atin pagdating sa pamantayan ng
Diyos pero hindi yan ang katwiran para sabihin natin na wag nyo na ko pakelaman
kasi okey lang ang ginagawa ko dahil wala naman sa atin ang nakakasunod sa
sinasabi ng salita ng Diyos. Ako ngayon ang magtatanong…kung papapiliin ka ano
ang gusto mo? Ang manatili sa kasalanan? o ang magsikap na magbago ayon sa
pamantayan ng Diyos?
Ang totoo nyan, may
kanya kanya tayong bondage of sin na aminin man natin sa hindi ay patuloy na
nagpapahirap sa atin lalo na kung hindi ganon kalalim ang relasyon mo sa Diyos,
iba ang pakahulugan ng kilala mo ang Diyos at sa malalim na relasyon sa Diyos. Sapagkat
ang may malalim na relasyon sa Diyos ay nalalaman ang kanyang kalooban at
nagsisikap na itama ang mali. Hindi madaling proseso pero we need to strive to
live according to His standards and righteousness hindi yung alam mo na nga na
mali ka na, kahit pa sinasadyan mo or hindi, gusto mo man or hindi e
nangangatwiran ka pa? naghahanap ka pa ng ibubutas para pagtakpan ang maling
kinalalagyan mo? O diba? Hindi nyo ba napapansin ang “Pambubutas ay pwede din
palang gawin pantakip? E di wiw.
Hindi natin kinukutya
ang mga nasa kalagayan ng 3rd sex
na sinasabi nila, kaya nga hindi pa dumadating si Lord eh dahil sa mga bagay na
dapat nating baguhin at alisin sa atin“ang kasalanan” hindi lang ang issue na
ito kundi marami pang klase ng kasalanan. Bakit ganon noh? In general
bakit tayo na nga ang madalas na may kasalanan pero tayo pa din ang galit at
makatwiran? Hindi ba pwedeng matuto tayong magpakumbaba? Nakakawala ba ng ating
pagkalalaki or pagkababae ang pag amin sa isang pagkakamali? Nakakabawas ba ng
pagkatao mo? Ayaw natin maitama tayo sapagkat gusto natin tayo ang nasusunod sa
buhay natin tama ba? Kasi kung hindi e di sana naiintindihan natin ang gusto ng
Diyos para sa atin? Ang paraan ng pamumuhay natin, hindi ung magbabanggit pa
tayo ng sitas sa bibliya? pero hindi natin alam paano gamitin ng tama. Or
itatanong pa natin na lahat ba tayo eka eh sinusunod ang sinasabi ng bibliya?
So ganon pala? Kapag hindi pala nakakasunod tayo lahat sa sinasabi ng bibliya
eh hindi na natin kelangan magsikap na itama ang lahat at baguhin ang mali?
Hindi naman tayo hayop diba? Kaso nagiging asal hayop tayo? Ang problema hindi
ikaw mismo, kundi ung inaasal mo, yung inaasal natin. Kung ayaw natin
maihalintulad sa hayop or maging mas masahol pa sa hayop, matuto tayong magpakaTAO.
Wala pa tayo nagbabanggit na mga sitas sa bibliya nyan, di nyo ba
napapansin? Kasi marami sa atin allergic pag nakakakita ng biblican passages.
common sense lang, ang tawag dyan “REALTALK”. Pero mmya knti we will
refer to bible, wait lang po. hehehe.
Hindi ka naman
masasaktan kahit na ano pa sabhin sa atin kung alam natin sa sarili natin na
hindi tayo ganoon. Ikaw mismo sa sarili mo alam mo kung ano ka, kung alam mo na
mali ang ginagawa mo kahit na hirap na hirap ka itama ito, nalalaman ng DIYOS
na lumalaban ka para magbago, dyan pumapasok ang grace ng DIYOS sa ating lahat,
kasi nga nalalaman ng DIYOS ang laman ng ating puso at isipan, and we cannot
change totally by our own without HIM. We just need to do our part and GOD will
do the rest. When true change will happen? How? where? Who will HE use?
Nobody knows only HIM alone.
Mga ka blog, dalawang
bagay. Una, “PAGTANGGAP” pangalawa “PAGTANGGI” ang dalawang salita na
gusto ko ikabit sa usapin ng kasalanan. Kanina ‘REALTALK” tayo, now mas
maganda kung ibabase natin sa salita ng DIYOS.
PAGTANGGAP:
Wag na tayo mag dahilan
pa kung alam natin na may mali at magsikap tayo na I acknowledge ang ating mga
kasalanan sa kanya upang tayo ay patawarin ng DIYOS. Awit 32:5 “Aking kinilala
ang aking kasalanan sa iyo at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli, aking
sinabi, aking ipapapahayag ang pagsalansang sa Panginoon, at iyong
pinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan. Oo nga pala, baka
mamisinterpret nyo ito ha, hindi sapat na we acknowledge our sin before the
LORD kelangan may tunay na repentance dito, at dapat may tunay na PAGBABAGO,
paano? Makikita yan sa ngawa, este gawa pala. Sorry, ngawa kasi ng ngawa eh yan
tuloy namamali na ako. Hehehe.
PAGTANGGI:
Sabi sa Mateo 7:6
“Huwag ninyong ibigay sa aso ang anumang banal, ni ihagis man ang inyong mga
perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa at mangagbalik
at kayo ay lapain. Ang aso at baboy ay mga hayop… hmmmm. Napapaisip ako
ah. Ang kabayo ay hayop din, teka….well nevermind. Hehehehe. Ang
sitas sa salita ng Diyos na iyan ay matalinhaga o malalim pero kung nasa iyo
ang pagkaunawa na nanggagaling sa kanya aba gets mo na. Alam na! Bakit sinabi
yun? Kasi naihahalintulad tayo sa ganyang asal, hindi marunong tumanggap ng mga
mabubuting bagay, mahahalagang bagay, banal na bagay bagkus ay niyuyurakan pa
natin. We resist. Blah blah blah blah. Tanong,
alin ka sa dalawa? San ka tataya? Paalala lang wag kang tataya sa kabayo.
Heheheh, isa lang ang direksyon nyan kasi may tapaoho sa mata, kundi mo pa
igawi ang hatak sa kaliwa or kanan d yan magbabago ng direksyon, buti pa nga
ang tunay na kabayo if wlang aberya sumusunod, e yung tao? MA at PA ko sayo
dba? Eto ang gusto ko eh, nangengelam ka, e sila nga eh, e ikaw nga eh, eeeee
kasi. Ok fine. Hahaha.
Pero alam nyo po mga ka
blog, sabi nga natin, we are not saying na wala tayong bahid dungis, lahat tayo
subject dito, pero importante marunong tayong tumanggap ng pagkakamali at itama
sa abot ng makakaya, wag tayong panghinaan ng loob at matakot na sabhin sa
kapwa natin ang totoo kung ito nman ang makakabuti at tama. Kung ito naman ay
ayon mismo sa salita ng Diyos. Totoo, marami sa atin ang magagalit at
magdaramdam subalit tungkulin natin na ibahagi ang salita ng Panginoon upang
mahango sila kadiliman ng kasalanan at Makita ang tunay na daan. Wag
matakot mga friends and ka blogs sabi ng Mateo 5:11-12. “Pinagpala kayo kung kayo
ay inaalimura ng mga tao at pinag-uusig at
pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng masasamang salita na
pawang kasinungalingan dahil sa akin. 12 Magalak
at magsaya kayong totoo sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.
Ganyan din ang ginawa nilang pag-uusig sa mga propetang nauna sa
inyo.” O baka may mag comment nman, sa mga propeta yan e oh? bakit
need pa ba maging propeta para magsabi ka ng katotohanan? E di sana wala nang
pari, walang ministro, walang nang pastor etc. lahat na tayo propeta. Wala
lang.hehehe. Yun lang po mga ka blogs and friends. Thanks po. GOD BLESS US
ALL.