Linggo, Hulyo 14, 2013

ARE YOU REALLY A CHRISTIAN???


Kamusta na kayo mga ka blogs and blog readers... Now lng ulit nagkaron ng time para mag share ulit, super busy kasi eh, tinatapos ko pa ang shooting ng Juan Dela Cruz, alam nyo na. tsk tsk. Hectic Sched eh. Mmya pictorial pa ko.  Okey back to Tagalog ulit tayo para mas maintindihan ng nakararami at sa pagkakataon na ito medyo matigas sa lalamunan yung ating pag-uusapan, kaya kung maramdamin ka o ako wag na tayo magbasa, kasi wala tayong maiintindihan sa nilalaman nito at hindi magiging katanggap-tanggap sa atin lalo na pag direkta tayong tatamaan. Sabi nga eh, BATO BATO SA LANGIT ANG TAMAAN, MAPURUHAN SANA! Cool. Ready???  

KRISTIYANO KA BA? tinatanong mo ba lagi sa sarili mo yan? Kristiyano ka ba dahil nag sisimba ka tuwing Sunday? Dahil kumakanta ka ng mga Gospel songs? Sumasayaw ka? nagtuturo? Sigurado kang Kristiyano ka na? Tunay bang naiintindihan natin ang salitang Kristiyano o pagiging Kristiyano? Baka naman hanggang titulo lang ang pagiging Kristiyano sayo..tumingin ka sa salamin. Totoo na walang perpektong tao sa mundo at lahat tayo ay may kapintasan, baka sasabhin mo saken na lahat tayo ay makasalanan, ang isasagot ko ay Oo, tama ka. We are all sinners, but HINDI mo pwedeng gamiting basehan yan para I justify ang pagiging asal HAYOP mo at makapal pa ang mukha mo sa pangangatwiran. Nagtuturo ka pa ng iba para ilihis ang tunay na katanungan sa sarili mo. Kung may natitira pang utak sa ulo mo, ang sinasabi natin dito ay pangkalahatan, sa madaling sabi HINDI MO KAILANGAN MAGTURO SAPAGKAT LAHAT TAYO AY SUBJECT DITO. Gets mo??.  Hingang malalim.....:)

Madami sa atin ang porket nakakapagsimba, porke nagbibigay ng offering, akala nila Kristiyano na sila. Ang lahat ba ng ginagawa natin ay may tamang motibo bilang Kristiyano at tapat na naglilingkod sa Diyos? Baka kumakanta ka lang para MAGYABANG, tumutugtog para MAKIPAGPALIGSAHAN? ikumpara ang sarili sa kapwa at sabihing mas MAGALING KA kesa sa kanila??? Kahit hindi mo sabihin, makikita at makikita yan sa kinikilos ng bawat isa, sa mga pananalita at pakikisalamuha. Kung ganyan ka, ANG KAPAL NAMAN NG PAGMUMUKHA MO PARA manatili pa sa ministry mo. HINDI KA NA NAHIYA SA SARILI MO, na para bang ikaw na ang pinakamagaling sa lahat at hindi mo ina acknowledge ang Panginoon sa talento na meron ka, KUNG MERON KA MAN. O baka talento ng kayabangan. Ask mo ulit sarili mo.. Kristyano kba talaga? Ikaw na wala nang ginawa kundi mamuna ng mamuna sa kapwa mo sa simbahan at sa paligid mo, BAKIT? ANO BA NAGAWA MO? MAY NAGAWA KA BA? nagsasakripisyo ka ba? nagbibigay ng oras para sa Panginoon? yung tunay na oras hindi spare time. Madami sa atin mga CONVENIENT CHRISTIANS. Na handa lang tumuwang kapag may natitirang oras at kapag hindi sila mahihirapan, PERO! PERO! kapag sinumpong ng PAGIGING MAKASARILI AT TINAMAD NA, ang ANG DAMI NANG DAHILAN, magtuturo na at SILA PA YUNG MGA TAO NA MADAMING SINASABI. ANG KAPAL NG MUKHA DIBA? WALA KA NA NGANG NAITULONG AT PLASTIK KPA, IKAW PA ANG MADAMI SINASABI AT PANUKALA! Kung nakakamatay lang ang pagiging plastik instantly BAKA MATAGAL KA NANG PATAY!. Ang hirap kasi sa atin, gusto natin bago tayo sumunod ay yung meron tayong MAPAPAKINABANGAN. o diba? pag mag bebenefit tayo GO tayo dyan, pag maganda sa paningin natin, GO tayo dyan. pag maganda sa pandinig natin GO tayo dyan, O diba? Agree? TARA PUNTA TAYO JOLIBEE... Hhehehe. Sa MANG INASAL NALNG UNLIMTED RICE PA. Yan lang pala ang katapat natin eh noh? NAKAKA BLESSED!  Sarap eh. BAka nman puwede makiusap na wag tayong masyadong PLASTIK. kasi ang plastik pag nasunog MABAHO! Hindi kba nahihiya? puro ka lang SALITA, wala ka nagagawa para sa Panginoon ung tunay na pag gawa? hindi ka nakakatulong sa mga kasama mo, dahil iniisip mo lang ang sarili mo, at hinahayaan mo sila na mahirapan? pag sa KASAYAHAN KASAMA KA? pero pag sa SAKRIPISYO? nasaan ka? BUSY KA? MAY TRABAHO KA? D KA READY? HINDI KA KARAPAT DAPAT? Oh really? ang daming dahilan noh? tapos ngayon sasabhin mo Kristiyano ka? Ni hindi ka nga nakakatulong sa Pamilya mo eh, sa kapwa mo eh, sa mga katrabaho mo, kaklase mo, mga kaibigan mo. Tama ba? O Tumpak? Mamili ka. Ano ba ang mahalaga sa atin kung tayo talaga ay Kristiyano? Hindi ba ung mga bagay na makabuluhan at may kapakinabangan sa kapwa natin at sa higit sa lahat sa Panginoon?... Kristiyano ka? Pansinin mo nga ung mga lumalabas sa bibig mo? Yung mga pinopost mo sa FACEBOOK AT TWITTER mo? Kapakinabangan ba? Sa isang blog topic natin nung nakaraan we discussed about these things diba? natatandaan mo pa ba? Namumulaklak kasi ang bibig mo sa FB eh at sa iba pang social networking sites, HINDI KA BA NAHIHIYA? Ang pagkakakilala nila sayo Kristyano ka, pero iba ang ginagawa mo? Msyado ka pang GARAPAL. Masyado tayong magaling. Pasensya kna na nagbabasa nito, BAWAL KASI ANG SUGAR COATING DITO eh, baka magka DIABETES KA at lumala, maaga ka kunin ni Lord, kung si Lord nga ang kukuha sayo… hahahaha. Tingin tingin din sa likod pag may time, baka kasi may sundo kna. Bakit ka matatakot? Kristiyano ka diba? dba? Diba? diba? TIGAS NGA NG MUKHA MO EH. Ginagawa lang nating display ung mga napopost natin sa wall  na mga scriptures at mga biblicaL inspiring messages, para pang display lang, kasi alam ng ibang friends mo Kristiyano ka, pero mas madami pa din ung mga posts mo na may halong galit at paninira sa kapwa.

But then again, LAHAT TAYO AY SUBJECT DITO.  Wag ka defensive masyado, at wag ka din nman masyadong kampante. Napapaisip ka ba? Marahil iniisi mo, anong problema nito ni Noel? Parang may pinag dadaanan ah? Hahahaha. Mga Ka blog, wala po ako pinagdadaanan, may mga bagay lang tayo na dapat ibahagi sa mga bagay na dumarating sa ating kamalayan tuwing tayo ay nag eevaluate, nag memeditate, because that’s the time na kinakausap tayo ng Panginoon at pinapakita nya sa atin ung mga bagay na hindi natin nakikita at napapansin dahil sa mga kaabalahan sa buhay natin. Akala kasi natin natural na lang ang lahat, akala natin walang katapusan ang buhay, kaya puro kaplastikan at kasiyahan lang ang alam natin. Masakit ba? Masakit talaga ang katotohanan eh, napaka harsh ba? Nagiging harsh lang yan, kapag ayaw mo tanggapin ang katotohanan at pilit mong tinatakasan, imbes na pagsisihan at gumawa ng paraan para maitama ang lahat ng kamalian. Kristiyano ba talaga tayo? Hindi ba ang salitang Kristiyano ay para lang dun sa mga tagasunod ng ating Panginoong Hesu Kristo at NAKAKATUPAD ng mga pinag uutos nya, yung namumuhay ng may pagsisikap na ganapin ang pamantayan ng Panginoon sa buhay nya sa kapwa nya. TAGASUNOD PO? HINDI VIOLATOR! Gamit ka ng magnifying glass para mabasa mo maige at baka sakali maintindihan mo kung ano ang isang tunay na Kristiyano.  Bilang Kristiyano, malaking bagay ang nakaatang sa ating mga balikat, sa ating pagkatao para tayo ay maging mabuting huwaran, a good example. HUWARAN PO, HINDI HUWAD!. Hindi kasi lahat ng tumatawag sa Panginoon ay totoong Kristiyano na at makakapasok sa kaharian nya, kundi yung mga nakakatupad lamang sa kalooban ng Panginoon (but he who does the will of the Father in heaven) Matthew 7:21.  Maaring kumakanta ka, nagpupuri ka, pero yung PUSO mo ay wala sa Panginoon, Matthew 15:7-9. Walang saysay diba? Tanungin mo ulit sarili mo, AY KASALI PALA AKO, okey, tanungin natin sarili natin, KRISTIYANO BA TALAGA AKO? D pa naman siguro huli ang lahat para itama ang mga mali at maging isang TOTOONG KRISTIYANO.