Kamusta na kayo mga ka
blogs and blog readers... Now lng ulit nagkaron ng time para mag share ulit,
super busy kasi eh, tinatapos ko pa ang shooting ng Juan Dela Cruz, alam nyo
na. tsk tsk. Hectic Sched eh. Mmya pictorial pa ko. Okey back to Tagalog
ulit tayo para mas maintindihan ng nakararami at sa pagkakataon na ito medyo
matigas sa lalamunan yung ating pag-uusapan, kaya kung maramdamin ka o ako wag
na tayo magbasa, kasi wala tayong maiintindihan sa nilalaman nito at hindi
magiging katanggap-tanggap sa atin lalo na pag direkta tayong tatamaan. Sabi
nga eh, BATO BATO SA LANGIT ANG TAMAAN, MAPURUHAN SANA! Cool. Ready???
KRISTIYANO KA BA?
tinatanong mo ba lagi sa sarili mo yan? Kristiyano ka ba dahil nag sisimba ka
tuwing Sunday? Dahil kumakanta ka ng mga Gospel songs? Sumasayaw ka? nagtuturo?
Sigurado kang Kristiyano ka na? Tunay bang naiintindihan natin ang salitang Kristiyano
o pagiging Kristiyano? Baka naman hanggang titulo lang ang pagiging Kristiyano
sayo..tumingin ka sa salamin. Totoo na walang perpektong tao sa mundo at lahat
tayo ay may kapintasan, baka sasabhin mo saken na lahat tayo ay makasalanan,
ang isasagot ko ay Oo, tama ka. We are all sinners, but HINDI mo pwedeng
gamiting basehan yan para I justify ang pagiging asal HAYOP mo at makapal pa
ang mukha mo sa pangangatwiran. Nagtuturo ka pa ng iba para ilihis ang tunay na
katanungan sa sarili mo. Kung may natitira pang utak sa ulo mo, ang sinasabi
natin dito ay pangkalahatan, sa madaling sabi HINDI MO KAILANGAN MAGTURO
SAPAGKAT LAHAT TAYO AY SUBJECT DITO. Gets mo??. Hingang malalim.....:)
Madami sa atin ang
porket nakakapagsimba, porke nagbibigay ng offering, akala nila Kristiyano na
sila. Ang lahat ba ng ginagawa natin ay may tamang motibo bilang Kristiyano at
tapat na naglilingkod sa Diyos? Baka kumakanta ka lang para MAGYABANG,
tumutugtog para MAKIPAGPALIGSAHAN? ikumpara ang sarili sa kapwa at sabihing mas
MAGALING KA kesa sa kanila??? Kahit hindi mo sabihin, makikita at makikita yan
sa kinikilos ng bawat isa, sa mga pananalita at pakikisalamuha. Kung ganyan ka,
ANG KAPAL NAMAN NG PAGMUMUKHA MO PARA manatili pa sa ministry mo. HINDI KA NA
NAHIYA SA SARILI MO, na para bang ikaw na ang pinakamagaling sa lahat at hindi
mo ina acknowledge ang Panginoon sa talento na meron ka, KUNG MERON KA MAN. O
baka talento ng kayabangan. Ask mo ulit sarili mo.. Kristyano kba talaga? Ikaw
na wala nang ginawa kundi mamuna ng mamuna sa kapwa mo sa simbahan at sa
paligid mo, BAKIT? ANO BA NAGAWA MO? MAY NAGAWA KA BA? nagsasakripisyo ka ba?
nagbibigay ng oras para sa Panginoon? yung tunay na oras hindi spare time.
Madami sa atin mga CONVENIENT CHRISTIANS. Na handa lang tumuwang kapag may
natitirang oras at kapag hindi sila mahihirapan, PERO! PERO! kapag sinumpong ng
PAGIGING MAKASARILI AT TINAMAD NA, ang ANG DAMI NANG DAHILAN, magtuturo na at
SILA PA YUNG MGA TAO NA MADAMING SINASABI. ANG KAPAL NG MUKHA DIBA? WALA KA NA
NGANG NAITULONG AT PLASTIK KPA, IKAW PA ANG MADAMI SINASABI AT PANUKALA! Kung
nakakamatay lang ang pagiging plastik instantly BAKA MATAGAL KA NANG PATAY!.
Ang hirap kasi sa atin, gusto natin bago tayo sumunod ay yung meron tayong
MAPAPAKINABANGAN. o diba? pag mag bebenefit tayo GO tayo dyan, pag maganda sa
paningin natin, GO tayo dyan. pag maganda sa pandinig natin GO tayo dyan, O
diba? Agree? TARA PUNTA TAYO JOLIBEE... Hhehehe. Sa MANG INASAL NALNG UNLIMTED
RICE PA. Yan lang pala ang katapat natin eh noh? NAKAKA BLESSED! Sarap
eh. BAka nman puwede makiusap na wag tayong masyadong PLASTIK. kasi ang plastik
pag nasunog MABAHO! Hindi kba nahihiya? puro ka lang SALITA, wala ka nagagawa
para sa Panginoon ung tunay na pag gawa? hindi ka nakakatulong sa mga kasama
mo, dahil iniisip mo lang ang sarili mo, at hinahayaan mo sila na mahirapan?
pag sa KASAYAHAN KASAMA KA? pero pag sa SAKRIPISYO? nasaan ka? BUSY KA? MAY
TRABAHO KA? D KA READY? HINDI KA KARAPAT DAPAT? Oh really? ang daming dahilan
noh? tapos ngayon sasabhin mo Kristiyano ka? Ni hindi ka nga nakakatulong sa
Pamilya mo eh, sa kapwa mo eh, sa mga katrabaho mo, kaklase mo, mga kaibigan
mo. Tama ba? O Tumpak? Mamili ka. Ano ba ang mahalaga sa atin kung tayo talaga
ay Kristiyano? Hindi ba ung mga bagay na makabuluhan at may kapakinabangan sa
kapwa natin at sa higit sa lahat sa Panginoon?... Kristiyano ka? Pansinin mo
nga ung mga lumalabas sa bibig mo? Yung mga pinopost mo sa FACEBOOK AT TWITTER
mo? Kapakinabangan ba? Sa isang blog topic natin nung nakaraan we discussed
about these things diba? natatandaan mo pa ba? Namumulaklak kasi ang bibig mo
sa FB eh at sa iba pang social networking sites, HINDI KA BA NAHIHIYA? Ang
pagkakakilala nila sayo Kristyano ka, pero iba ang ginagawa mo? Msyado ka pang
GARAPAL. Masyado tayong magaling. Pasensya kna na nagbabasa nito, BAWAL KASI
ANG SUGAR COATING DITO eh, baka magka DIABETES KA at lumala, maaga ka kunin ni
Lord, kung si Lord nga ang kukuha sayo… hahahaha. Tingin tingin din sa likod
pag may time, baka kasi may sundo kna. Bakit ka matatakot? Kristiyano ka diba?
dba? Diba? diba? TIGAS NGA NG MUKHA MO EH. Ginagawa lang nating display ung mga
napopost natin sa wall na mga scriptures
at mga biblicaL inspiring messages, para pang display lang, kasi alam ng ibang
friends mo Kristiyano ka, pero mas madami pa din ung mga posts mo na may halong
galit at paninira sa kapwa.
But then again, LAHAT
TAYO AY SUBJECT DITO. Wag ka defensive
masyado, at wag ka din nman masyadong kampante. Napapaisip ka ba? Marahil iniisi
mo, anong problema nito ni Noel? Parang may pinag dadaanan ah? Hahahaha. Mga Ka
blog, wala po ako pinagdadaanan, may mga bagay lang tayo na dapat ibahagi sa
mga bagay na dumarating sa ating kamalayan tuwing tayo ay nag eevaluate, nag
memeditate, because that’s the time na kinakausap tayo ng Panginoon at
pinapakita nya sa atin ung mga bagay na hindi natin nakikita at napapansin
dahil sa mga kaabalahan sa buhay natin. Akala kasi natin natural na lang ang
lahat, akala natin walang katapusan ang buhay, kaya puro kaplastikan at
kasiyahan lang ang alam natin. Masakit ba? Masakit talaga ang katotohanan eh,
napaka harsh ba? Nagiging harsh lang yan, kapag ayaw mo tanggapin ang
katotohanan at pilit mong tinatakasan, imbes na pagsisihan at gumawa ng paraan
para maitama ang lahat ng kamalian. Kristiyano ba talaga tayo? Hindi ba ang
salitang Kristiyano ay para lang dun sa mga tagasunod ng ating Panginoong Hesu
Kristo at NAKAKATUPAD ng mga pinag uutos nya, yung namumuhay ng may pagsisikap
na ganapin ang pamantayan ng Panginoon sa buhay nya sa kapwa nya. TAGASUNOD PO?
HINDI VIOLATOR! Gamit ka ng magnifying glass para mabasa mo maige at baka
sakali maintindihan mo kung ano ang isang tunay na Kristiyano. Bilang Kristiyano, malaking bagay ang
nakaatang sa ating mga balikat, sa ating pagkatao para tayo ay maging mabuting
huwaran, a good example. HUWARAN PO, HINDI HUWAD!. Hindi kasi lahat ng
tumatawag sa Panginoon ay totoong Kristiyano na at makakapasok sa kaharian nya,
kundi yung mga nakakatupad lamang sa kalooban ng Panginoon (but he who does the
will of the Father in heaven) Matthew 7:21.
Maaring kumakanta ka, nagpupuri ka, pero yung PUSO mo ay wala sa
Panginoon, Matthew 15:7-9. Walang saysay diba? Tanungin mo ulit sarili mo, AY
KASALI PALA AKO, okey, tanungin natin sarili natin, KRISTIYANO BA TALAGA AKO? D
pa naman siguro huli ang lahat para itama ang mga mali at maging isang TOTOONG
KRISTIYANO.
Blessed Afternoon at sa mga nagbasa n2..naka2bless ang message na ito.
TumugonBurahintama ang cnasabi d2 na ma22 tau mag-bulay2 sa ating mga sarili..AMEN
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin