Lunes, Agosto 26, 2013

Pork Barrel - Part 2 (Honorable Thieves)


Napapaisip ako... pano kaya nakakakain ung mga totoong taong sangkot sa PORK BARREL SCAM na yan? ano kaya kinakain ng pamilya nila? Ano kaya ang tinuturo nila sa mga anak nila, sa pamilya nila, sa mga pamilya nila, at pamilya pa. Yung mga anak nman ng mga totoong sangkot dito, PROUD pa kaya sila sa mga  magulang nila na gumagawa ng mga bagay na ito? Pano nila nasisikmura na may mga taong walang makain at nagpapakamatay sa pagttrabaho para lamang kumita ng barya, dugo at pawis kahit may sakit nagttrabaho para sa pamilya, pero ninanakawan pa ng mga taong matataas pa naman din ang pinag aralan pero PAGNANAKAW DIN PALA ANG KABUHAYAN. Napapaisip ako, anong degree, master or doctorate ang natapos ng mga ito? para magnakaw.  Kung nakikita man nila ang sitwasyon ng ating kapaligiran, lalo na ung mga taong mahihirap talaga na ISANG KAHIG PERO WALANG MATUKA! ILANG KAHIG PA AT WALA PA DIN MATUKA, hindi ba nasasaktan ang kanilang mga puso o baka nman natutuwa pa sila ang importante kasi ung mga sarili nila, sariling buhay nila kapalit ng buhay ng maraming maralitang mamamayan. Ang tigas ng mga mukha diba? Mga DEMONYO LANG ANG GUMAGAWA NG MGA GANYANG BAGAY.  Kahit ndi ako kumakain ng PORK ngayon sumasakit ang batok ko at naha highblood ako. hahahaha. TIGAS NG MGA FACEBOOK nila. Hindi ba puedeng dumaan ng direcho sa mamamyan ang mga pondo na yan, sa pamamagitan ng local na pamahalaan ng knilang nasasakupan at mag takda ng isang independent body na magmomonitor kung talagang nakarating na sa mamamayan ang pondo? transparency and deep auditing at pagkatapos, hayaan mismo ang mga mamamayan ng isang syudad o mga baranggay or foundations ang magsabi ng natanggap nila ang naturang pondo sa pamamagitan ng local na dayalogo at pagsasalaysay ng katuparan ng proyekto na makakarating sa kaalaman ng pamahalaan? Gaano kaimportante na kelangan pa talaga dumaan sa mga senador yan, mga kongresista ang mga pondo na yan na gaya ng PORK BARREL?  Is it really necessary? Kahit ano pang teknikalidad ang pag usapan ditto pag usapan dito kung kailangan ba talaga na sila ang humawak nyan at dumaan sa knila at hindi derecho sa mamamyan, isa lang ang malinaw dyan. KICKBACK ang tawag dyan! Maganda sana ang layunin ng PORK BARREL  lalo na kung napupunta talaga sa dapat puntahan, sa mga mamamayan na nangangailangan. Asan ang salitang DELICADEZA?  Sa Japan yung mga disgraced officials na kagaya nila, nag HAHARAKIRI NA, Oooppsss Kiri Woops! Hahahaha. Pag namatay yang mga yan, baka nga hindi pa tanggapin sa Impyerno yan eh, kasi baka gumawa pa ng corruption yang mga yan dun, at kunin ung FORK BARREL NI SATANAS.  Takot lang ni Satanas sa inyo mga demonyo din kasi kayo. Ahahahha. Aagawan nyo pa sya ng trono at FORK BARREL  ah. Hindi bale, ako din naman ang sasagot sa mga tanong ko at mga sinabi ko eh, alam ko nman kasi na si Lord ang bahala sa kanila. Even if we don’t get justice here, for sure kay GOD we will have justice more than 100%. AMOS 5:11-15 Therefore because you trample on the poor and you exact taxes of grain from him, you have built houses of hewn stone, but you shall not dwell in them; you have planted pleasant vineyards, but you shall not drink their wine. For I know how many are your transgressions and how great are your sins— you who afflict the righteous, who take a bribe, and turn aside the needy in the gate. Therefore he who is prudent will keep silent in such a time, for it is an evil time. Seek good, and not evil, that you may live; and so the Lord, the God of hosts, will be with you, as you have said. Hate evil, and love good, and establish justice in the gate; it may be that the Lord, the God of hosts, will be gracious to the remnant of Joseph. Applicable ba? 

THINK OF IT. 

Biyernes, Agosto 16, 2013

PORK BARREL SCAM - Whats New?



 PORK BARREL SCAM.

Ang tagal nang may mga ganitong issue sa tamang pag gamit ng pondo ng pork barrel at kung saan napupunta ang ibang bahagdan ng pondo nito. Malaking pera ang pinag uusapan dito mga friends, O diba? kaya nga handang pumatay yang mga taong yan para lamang mapwesto sa kapangyarihan at magkamal ng yaman ng bayan. Ngayon at lumabas nga ang isang bahagi ng corruption ditto sa ating bansa, PERA NA NAMAN! ANG TIGAS TALAGA NG MGA PAGMUMUKHA NG MGA SABIT DITO PAG NAGKATAON NA TOTOO TALAGA ITO AT PAG NAPATUNAYAN. Ngayon, dahil pumutok nga ang pork barrel scam, tinutukan ng COA ang pag aaral, pag iimbestiga at pagbusisi sa tamang pag gamit ng mga pondo na ito.  E ang sabi nung Auditor, nakalimutan ko ang name, halos maiyak iyak daw sya nung malaman nya yung katotohanan e kung saan ginastos ang pondo, saan inilagak. May mga tumatanggap din pala ng pork barrel ng sobra sobra.  Yung iba nilalagay sa foundation, pero ang siste halos hindi nag eexist ung mga foundation na ito at pati mga dokumento nito ay mga PEKE! O e di ang dami na naman kumita ditto? Talagang nakakaiyak, lalo na naiisip mo yung mga milyong milyong pera na yan na sana eh, pagkain na ng maraming Pilipinong nagugutom, gustong mag aral, may matirahan na maayos at hanap buhay, pagkatpos ibubulsa lang nga SOBRANG KAKAPAL NG MUKHA NA MGA SANGKOT DITO? HINDI BA SILA NAHIHIYA SA MGA SARILI NILA NA ANG PINAPAKAIN NILA SA MGA PAMILYA NILA GALING SA NAKAW??? ANG KAPAL NG MUKHA DIBA? ANG TITIGAS NG SIKMURA!   At ngayon nga binubusisi ang puno’t dulo at kung hanggang saan ang lawak nito at kung sino sinong mga matataas na tao ang sangkot.  Ang tanong dyan, bkit ngayon lang? Ang tagal ng nangyayari yan sa ating bansa. Ang tagal ng bumoboto tayo sa mga taong magnanakaw sa kaban ng bayan hindi para maglingkod. Simple lang nman yan, if they will going to earn only based on their salaries? you think magpapakamatay sa pangangampanya yan? you think they will give their efforts in the world of politics? i dont think so, ndi natin nilalahat pero most of them are running for government offices para magkamal ng pera sa madaling paraan. Mga nakapag aral pa nman yang mga yan at mataas ang pinag aralan pero ano? pagnanakaw lang din pala ang kababagsakan. Ang kaibahan nga lang, sosyal ang paraan ng pagnanakaw nila. Disenteng pagnanakaw na nakapaloob sa knilang mga titulo.  Ang hirap kasi sa atin hindi na tayo natuto, ang dali mauto ni JUan dela cruz eh. Sasayawan k lang nyan at kakantahan sa pangangampanya at gagamit ng kabataan or mga bata, ayos na. knting plataporma pero wlang malinaw na adhikain. Bkit? kamusta na ba tayo ngayon? kamusta na ang Pilipinas? sabi ni Pnoy sa SONA, umaangat tayo, Oo sa GDP? mataas ang stock market ntin, we have our investments growing and expanding? nararamdaman ba yan sa mga below level? poverty line? nakakain ba yung statistics na yan ng mahihirap? e ang nag eenjoy lang dito sa atin ung mga ilang nakapwesto na may malalaking pangil at may buntot, ung mga buwaya na yan. Alisin mo ung mga kickback na yan at mga pork barrel tgnan lng natin kung mangampanya pa yan.  Sabi natin kelangan maparusahan yan mga sangkot sa iskandalo na ito, ang tanong ulit, gano tayo kasinsero para mapanagot ang mga yan? may pangil ba ang batas pag ang nasasangkot ay mga ksama nila din sa gobyerno? Isa nga lang na personalidad na corrupt eh ang hirap na panagutin eh, lalo na yang mga yan nakapwesto nasa kapangyarihan, ang hirap lalo nyan, aabutin ng another centennial year bago mo msampahan ng kaso yan. sa PILIPINAS PA! Malawak na usapin ito, at madami ang madadamay na iba pa sa taas. oo sa taas, kaya magiging isang circus lang yan. e pano kc lahat halos sila tumatanggap ng gnyang budget, hindi lang sa pork barrel, marami pang pondo sa kaban ng bayan ang sinasakmal ng mga buwaya sa ibat ibang ahensya ng ating gobyerno. Sa ibat ibang kaparaanan makikita din natin yan para kumita ng pera na hindi nila pinaghirapan. How could you imagine? Kanina lang sa napanood ko sa TV patrol, tungkol sa mga kotongan sa mga vendors, mga illegal vendors, matindi din pala ang presyohan ditto, could you imagine na kumikita ang mga kotong groups dito ng mahigit sa 6 MILYON kada araw! OPO KADA ARAW YAN? Kalahati palang yan ng computation hindi pa nilalahat yan. O san ka pa? diba? Kapal ng mga mukha diba? buti talaga naaatim nila ipakain sa pamilya nila yang mga ninakaw nila.  Sino sa tingin ninyo ang nasa likod ng mga yan? Hindi ba matataas na tao din at nasa kapangyarihan?  Well, Magagawa nman talaga na mapanagot yang mga buwaya na yan kung sinsero ang ating pamahalaan at taga usig. Pero i doubt it. Sana mali ako. 

Sa USA Today, buti nlng wala pa tayo sa top 10 ng most corrupt countries in the world. No. 1 liberia, 2nd mongolia and 3rd is Venezuela. hayyyy. o dba may tatalo pa pala sa atin. dami pa. pero Kapal naman ng mga face ntin kung maging proud pa tayo na wla tayo sa top 10. ahahaha. Hay, kahit talaga sang panig ng mundo dami magnanakaw, kaya lang ang napaparusahan lang ung mga small time magnanakaw, pero pag politician ka at nsa posisyon ka, exempted ka. kaya sana nga dumating ang panahon na maparusahan din sila at managot sa mamamyan, na sana ay, napakinabangan ng mahihirap, ng buong bayan. Ang laki na ng sakit ng ating bayan, nasaan na ang values sa ating bansa? wala na tayong takot sa Diyos, parang walang wakas ang buhay ditto sa lupa at hindi na natin iniisip ang ating mga sarili ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa. 

We need to return to God and turn from our wicked ways. This is what we need to return the favor of God in our country, do it as soon as it can be. Not tomorrow, not next week, not next month or year. TODAY! Today matters! 2 Chronicles 7:14 If my people, which are called by my name, shall humble themselves, and pray, and seek my face, and turn from their wicked ways; then will I hear from heaven, and will forgive their sin, and will heal their land.

Martes, Agosto 13, 2013

To Live is Christ and to Die is Gain - Happy Birthday Ate Annie


Joseph Parker (1830-1902) was a beloved English preacher.  When his wife died, he didn’t have the customary wording inscribe on her gravestone.  Instead of the word died followed by the date of her death, he chose the word ascended.  Ascended.  Si Joseph Parker ay nakadarama ng kakaibang kapanatagan at kapayapaan kapag naaalala niya na ang kanyang minamahal na asawa, kahit pa itoy sumakabilang buhay na at inilibing, alam nya sa kanyang sarili na ang tunay na Mrs. Parker na asawa nya ay nasa langit na at nsa presensya na ng ating panginoon.  At nang si Joseph Parker mismo ay sumakabilang buhay na din, sinigurado ng kanyang mga kaibigan na ang nakalagay sa kanyang gravestone ay Ascended and not died.

When a believing loved one dies, or when we ourselves face the process of dying, there’s great comfort in the fact that to be absent from the body is to be present with the Lord. (2 Cor. 5:8).  Halos araw-araw kasabay ng pagsilang ay mayroon din namang namamatay, at lahat sa atin ay nakaranas na ng ganitong mga bagay sa ating buhay na madalas nating ikalungkot ng labis, kamatayan ng mahal sa buhay at kaibigan.  Birthday ng ate Annie ko ngayon na nasa piling na ng ating Panginoon. She died because of breast cancer, She did well in the ministry and family.  If could describe my Ate Annie, I could proudly say na she is so responsible in every aspect of Her life lalo na sa church, who is faithfully serving and trusting the Lord even to her last breath.  Surely we missed her but at the same time very much happy coz we know that she is now in heaven with the saints praising God.  Even my baby sister Christine is in heaven na din kasi since birth she ascended na din in heaven with our Lord. Death for us is not a dark journey into the unknown.  It is not a lonely walk into a strange and friendless place.  Rather, it’s a glorious transition from the trials of earth into joys of heaven, where we will be reunited with our loved ones in Christ who have gone before.  Higit sa lahat we will enjoy the presence of our Lord forever.  Yes, when a believer dies, the body is buried but not the soul.  It has ascended.  Ascended because you have lived in the standards of the Lord and fought a great fight on the temptations of the world.  Bawat oras sa mundong ito ay napakahalaga sa paggawa ng naayon sa nais ng panginoon na gamitin mo, walang nakakaalam ng kamatayan ng isang tao, kung hindi ang panginoon lamang.  Ang isang tao na namuhay ng may takot sa Diyos ay hindi dapat mag alala sa mga bagay na temporal sa oras ng kanyang paglisan sa mundo, sapagkat kanyang nalalaman na ang kahulugan ng kanyang kamatayan ay simula ng pagkabuhay sa piling ng ating panginoon at isang napakalaking pakinabang.  Sabi ng Philippians 1:21 “For me to live is Christ and to die is gain.  But how reassuring to hear that those dear saints of God are in heaven.  What joy to know that when believers in Christ die, they are instantly with Jesus.  The apostle Paul put it like this: We are confident, yes, well pleased rather to be absent from the body and to be present with the Lord (2 Cor 5:8).  No more pain, no more sadness, no more sin. Only peace, only joy, only glory.  Tayo pa din ay nalulungkot kung ang isang mahal natin na sa buhay na may tunay na relasyon sa Diyos ay pumanaw, sapagkat ang pagkalunkot at pangungulila sa bagay na ito ay tanda ng pagmamahal, subalit sa ating kaloob-looban ay tunay na kasiyahan at kapanatagan na alam natin na ang ating mahal sa buhay na pumanaw ay nsa piling na ng ating Panginoon sa langit.  Sabi nga eh, God’s children never say goodbye for the last time.  If we lived in the standards of our creator we can assure that He will welcome us open arms to his kingdom, a place where there is no more tears, pain and sadness, only joy, happiness and completeness in the presence of our Lord God almighty.


When You Are Down - You need to Read This.


Sa Mundong ating ginagalawan, tayo ay namumuhay sa kasalukuyan sa isang mundo na puno ng pighati, kahirapan at kawalan ng pag-asa.  Araw-araw sa ating kapaligiran maraming mga bagay at pagkakataon ang nagtutulak sa ating upang mag alala, matakot, masaktan at mawalan ng pag-asa.  Ang takot na ating dinaranas sa tuwing ang isang tao ay mawawalan ng ikabubuhay dahilan sa pagsasara ng mga kompanya sa mahabang panahon, sanhi ng global recession, ang pag-aalala para sa iyong pamilya para sa kinabukasan ay isang larawan ng katotohanan na tayong lahat ngayon ay nakapaloob sa sistema ng mga negatibong bagay.  Hindi na natin kailangan pang tanungin ang marami sa atin sa mga bagay na ito sapagkat itoy nkahatag lamang sa ating harapan.  Alam naman natin na marami sa sitwasyon, dito na lamang sa ating bansa sa bawat pamilya ang sinuswerte na makakain ng isang beses sa isang araw, swerte sa kadahilanang malaking bahagdan ng bagay na ito ang hindi na kumakain, magtatrabaho at magpapakasakit para lamang sa barya na maiuuwi sa kanyang pamilya, samantalang ang ibang nakatataas na tao sa ating lipunan ay walang kahirap hirap na nagkakamal ng kasaganaan sa dugo at pawis ng iba, na kung ating tatawagin ay mga makabagong panahong bampira.  Kaya karamihan sa atin ay walang wala na talagang pag-asa, para ksing wala nang karapatan mabuhay ang mahihirap at walang pinag-aralan sa ating lipunan eh, samantalang ang iba na may pinagkatapusan ay sa pagnanakaw din pala babagsak ang pinag-aralan.  Ang ating pong mga nabanggit na bagay ay hindi na po bago sa ating lahat, ang sakit na ating dinaranas sanhi ng karamdaman, pag-iisa, pag-aalala, kalungkutan sanhi ng ilang personal na bagay sa ating mga pamilya ay nagbubunsod sa atin na mawalan ng pag-asa.  Dapat po nating malaman na ang mga bagay na ito ay hindi isang ordinaryong sitwasyon lamang, sinasabi nila na ang mga problema na dumarating ay parte na ng buhay ng tao, subalit ang tanong…paano ka mamumuhay ng normal at nakangiti pa din at puno ng pag-asa ksabay ng mga negatibong bagay na ito?  You know you should be joyful, but everything seems to be against you, thus making simple tasks a struggle. 
Maraming klase ng alalahanin sa bawat tao, pero iisang emosyon ang lumalabas.  In the bible, David must have been feeling that way when he wrote Psalm 6.  He felt weak and sickly V.2
Troubled V.3, forsaken V.4 weary in V.6 and grief stricken in V.7.  But he knew what to do when he was down.  He looked up and trusted God to take care of him and to see him through.  Kung tayo po ay titingin sa panginoon at mananatili sa kanya, something good will happen.  Wag na natin tignan ang ating mga sarili kung hindi natin kaya, basta ksama mo ang Diyos walang imposible magagawa mo ang lahat ng bagay (Philippians 4:13).  Sa susunod na tayo po ay makakaranas ng kawalan ng pag-asa at iba pang alalahanin, keep our eyes on God, he is sovereign (Psalm 47:8); he loves you and me (I John 4:9-10); He considers you special (Matthew 6:26); and He has a purpose for your trials (James 1:2-4).  Yes life can seem unbearable at times.  But don’t  let it keep you down.  Meditate on God’s goodness, talk to Him, and know that He hears you (Psalm 6:9).  That will give you strength to get up when you’re down.

Naalala kop o yung poster na project ko nung elementary pa ko, nkalagay dun sa poster ang nkasulat na inspiring words ni Kirk Johnwood Jr. na nagsasabi “How can we cross the river, how can we walk on land, God is always there to give us a helping hand.  Everything would be fine just have faith in God (Mark 11:22). Let our Lord Jesus Christ be in the driver seat of your life, give Him the wheel, trust Him alone, your life now will be in the right direction, stable and unmovable. 




Your Friend Radio Program - Listen and Be Blessed!

YOUR FRIEND RADIO PROGRAM

We are inviting you to listen to Your Friend Radio Program Every Monday 12:00 Midnight @ DWBL 1242 Khz AM Band.  Hosted by: Pete San Miguel.

Via Online Streaming:
 http://dwbl-am.mellow947.fm/