Martes, Marso 29, 2016

HIV CAUSING AIDS? FACT OR HOAX – THE CONSPIRACY

HIV CAUSING AIDS? FACT OR HOAX – THE CONSPIRACY

Naalala ko pa taong 2013 buwan ng June ng ako’y magsimulang magsulat sa blogsharing kapag ako ay may pagkakataon, mga ganon panahon kasi ako ay naghahanda na papunta dito sa bansang UAE.  At para hindi masayang ang aking oras sa kakaantay, ako ay nagbabasa ng mga articles, at blogs din naman ng mga ibang tao. Isa sa aking nabasa ay tungkol sa isang homosexual na nagsusulat ng kanyang buhay araw araw sa kanyang blog na parang diary.  Nakalimutan ko na ang kanyang pangalan, at kaya naman naging interesado ako sa kanyang istorya ay dahil isa siyang “PUSIT” term yan ng mga taong positive sa HIV sa Pilipinas, PUSIT = PUSITIBO. Hehehe.  Naisip ko na ano kaya ang pakiramdam ng mga taong kagaya nya na may ganong sakit, paano sila namumuhay? Paano ang pagtanggap sa knila ng kanilang pamilya, mga tao sa lipunan at ano ang epekto sa kanilang buhay sa araw araw.  Naisip ko kung tayo na mga walang HIV eh maraming kinatatakutan at pinag aalala, what more sila na pakiramdam nila na bawat araw ay parang huling araw na sa kanilang buhay sapagkat nais nilang maging kapaki-pakinabang ang kanilang oras. 

Hindi lingid sa atin na ang sakit na HIV base sa nakamulatan natin na impormasyon noon pa man, sa telebisyon at radio o dyaryo sa mga public health service advertisement na ito ay nakukuha sa pakikipagtalik ng walang proteksyon. (unprotected sex). At ito ay makukuha mo sa partner mo kung sya ay may sakit na HIV, samakatuwid hawa hawa na.  Ang malala pa nito, alam din natin na kapag ang HIV ay nasa atin ng katawan, ang ating mga natural na depensa sa katawan sa mga bakteria na gaya ng ating mga T-Cells ay bumababa ang bilang, itoy mga antibodies na tinatawag nila, at kapag itoy bumaba sanhi dahil sa pag infect ng HIV, tayo ay nawawalan ng depensa sa katawan at madaling dapuan na ng sakit. Take note mga ka blogs, hindi ordinaryong sakit kundi mga seryosong nakamamatay na sakit at kapag itoy ay nag full blown na sa katawan ng isang tao, ito ay tinatawag na nilang AIDS. Hindi ko na bibigyan pa ng paliwanag sapagkat alam naman natin noon pa ang pakahulugan niyan. 

Ngayon, umpisahan natin ang ating punto.   Hindi ko na alam ang eksaktong estatistika kung ilan na ang mga taong may HIV sa Pilipinas at sa buong mundo, ang akin lang sigurado ay ang mga taong ito ay sobrang na trauma, sobrang natakot at nawalan ng pag-asa sa buhay simula ng sila ay magkaron ng ganitong sakit.  Gaya ng aking nabasa sa blog nung homosexual sa bawat araw ng kanyang buhay hindi madali at itoy parang katapusan na ng mundo sa kanya, napakahirap, nakakatakot at nakakalungkot.  Ilan na ba ang nawalan ng pag asa na mabuhay at magpatuloy din nman sa buhay.  Paanong hindi ka mawawalan ng pag asa mabuhay, pag may HIV ka sira na ang mga pangarap mo, kung gusto mo mag abroad hindi na pwede at sobra ang diskriminasyon saan mang bansa ka naroroon at mawawalan ka pa ng trabaho, pandidirihan ka ng mga tao, dahil sa karamihan sa atin walang sapat na kaalaman sa sakit na iyan kahit ilang beses pa ipalabas ang impormasyon sa mga telebisyon at pahayagan.  Alam nyo ba ung pakiramdam na mamatay na? hindi pa siguro kasi di pa naman tayo mamamatay, tawag nila dito “Walking Dead”.  Talagang ewan, miserable ang mundo ng mga taong may ganitong karamdaman.  Sa maintenance pa lang ng retroviral drugs nila, abala na gastos pa, buti sana kung laging may pondo para sa mga libreng gamot. 

Ang mga taong ito, simula ng malaman nila na silay may HIV ay gumuho ang kanilang mundo.  Kaya nga sa counseling pa lang kapag ikaw ay nagpa HIV test, kung ikaw ay positibo masinsinan ang ginagawang pakikipag usap sa mga taong ito, dahil kung mahina hina ka sa oras na malaman mo ang resulta, yung iba nagpapakamatay.  At ung mga nagpatuloy naman, wala na talagang choice kundi lumaban para mabuhay, yung iba tinanggap na ang kanilang kapalaran, at nakakatuwang isipin na may mga HIV positive na aktibo sa organisasyon para labanan ang sakit na HIV. Sila yung mga taong sa tagal ng panahon na sila ay meron ntin, nakita nila ang dahilan para mabuhay at magbigay ng pag asa din naman sa kapwa nila positibo.  Ito ngayon ang keyword, “TAKOT AT PANGAMBA”, magkapatid yan diba? Tanong…”bakit maraming tao ang takot magka HIV?  Dahil ba alam nila na ang HIV kapag hindi naagapan ay magiging full blown AIDS na, kasi ito ang last stage ng sakit na yan, at sympre kapag puro sakit kana, obviously matetegi kna.  Tama, kaya natatakot kasi yun ang impormasyon na ating nalaman noon pa at yun din ang ating nababalitaan sa mga taong meron nito na namatay na, prime example? Sarah Jane Salazar, o diba na pelikula pa yan, at marami pang sumunod na iba.

Eto ha, minsan ba naging curious tayo kung totoo ang lahat ng ito? Oo, marami na ang namatay, marami ang nagkasakit. Subalit natanong ba natin sa ating mga sarili, ito ba ang dahilan ng kanilang pagkakasakit na kapag may unprotected sex ka sa taong infected nito ay mahahawa ka or kapag ikaw ay drug addict kapag ang needle na ginamit nyo ay ginamit pa ng isa, hawa hawa na at malaki ang chance na magka HIV ka? O kapag ang isang ina ay infected nito at sya ay buntis ang kanyang sanggol sa sinapupunan ay magkakaron din nito? Lahat yan ay pinaniwalaan natin? Bakit? Kasi yan ang kanilang impormasyon na binigay sa atin, impormasyon na binigay ng health authorities sa buong mundo.  Tama ba? Or tama na? Hindi pa tayo tapos, mag uumpisa pa lamang po tayo, hahahaha. pero napakahalaga po ng ating pinag uusapan ngayon, lalo na sa mga kapwa natin na hindi alam ang mga bagay na ito. “Awareness” ika nga.

Gaya ng ating titulo sa ating blog ngayon, HIV causes AIDS? Totoo ba ito o hindi, o may sabwatan.  Ang tagal na panahon simula ng pumutok ang sakit na ito sa mga balita, yan na ang ating nakagisnan.  Hindi po ako nag aral ng medisina at lalong hindi ako scientist, pero sa mga importanteng bagay gusto ko ng matibay na batayan hanggat maari, gusto ko malaman ang ugat at bunga.  2 days ago habang ako’y nagpapahinga nag open ako ng documentary clippings sa youtube at dito ko nalaman ang lahat, at kung ikaw ay may common sense at malalim na pagkaunawa at pagbalanse sa mga bagay bagay, malalaman mo kung ang isang impormasyon ay kung totoo o hindi at kung tama o mali.

Marami sa eksperto sa larangan ng medisina at kalusugan, mga siyentipiko na nagpatunay na ang HIV ay hindi natural na nakukuha sa pakikipag sex ng walang proteksyon at mas lalong ang HIV ay hindi sanhi ng para ikaw ay magka AIDS.  Baka sabihin ng iba, Coco, counter arguments lang yan sa internet, well hindi ko po sinasabi na maniwala tayo agad, subalit walang masama kung susubukan natin alamin ang lahat lalo na ang bagay na ito ay magbibigay ng pag asa sa ating kapwa na may mga ganitong karamdaman.  Ibibigay ko sa inyo ang link sa youtube kung saan ko ito nakita, napanood at pinag aralan, kayo na po ang bahalang humusga. Just use your common sense and open your mind. 
Kapit mga ka blogs.  Kilala nyo ba si Robert Gallo? Sya ang nakadiskubre na ang HIV ay ang salarin para ikaw ay mag ka AIDS, isa syang respetadong Biomedical Researcher sa Amerika.  Nung kanyang ipahayag ang kanyang natuklasan, maraming doctor, o scientist ang nagkwestyon ditto sapagkat ang kanyang pahayag ay walang batayan,  wlang anumang medical proof na basta na lang pinaniwalaan ng lahat at pinalaki pa ng media, gaya sa new york times at sa CDC report. Anong dahilan bakit kailangan magkaron ng ganitong malaking kasinungalingan sa kasaysayan ng medisina at kalusugan? Ang tanong nila, simpleng sagot din nman. “PERA” PERA, PERA, PERA, PERA, PERA, PERA.  Gusto ng mga malalaking tao na ito sa medisina na magkaron ng malaking pondo o makalikom ng malaking pondo para sa tinatawag nila na epidemya na ito.  Kaya naisip nila na kelangan maglabas sila dahilan, at ang kawawang retrovirus na HIV ang kanilang pinagdiskitahan, kung nakakapagsalita lang siguro si HIV virus, sasabihin nya, hoy kapal ng mga mukha nyo, nananahimik ako ditto at hindi nman ako nakakaapekto ng gaya ng inaakala nyo, ako pa ang gagamitin nyo para lang kumita kayo ng malaking pera? Tapos ako pa ang ituturo nyo na salarin? Wala man kayo ibidinsya, arruuuyyyy.  Asan ang hustisya? Sabi ni HIV. Hehehehe. Oo nga pala si HIV ay si Hirbert “Inting” Vautista.  Grabe, alam nyo ba na dahil dyan nagkaron agad sila ng 20 billion na pondo sa loob ng 10 yrs at gusto pa nila na dagdagan.  Pondo para sa kampanya at paglaban sa HIV, sa mga gamot na gagamitin at sa mga testing, lahat na.  Ibig sabihin pag epidemic, may pera.  Kaya ang tawag nila dito ay “Desease by Politics” saken ang tawag ko ditto “Deceased by Greed”.  Naalala ko tuloy, eleksyon na naman kaya may moderate the greed na kasabihan.  Eto katukayo pa ni Robert ang nagsabi, si Dr. Robert Wilner ang nagsabi na ang HIV ay walang matinding banta sa katawan ng tao at mas lalong walang kinalaman sa pagkakaron ng AIDS.  Ito ang kanyang sinabi, na tunay na sanhi ng sakit na AIDS.  Una, Malnutrisyon at matinding kagutuman.  Pangalawa, Drugs, Pangatlo, Radiation, at ang pang apat, Chemotherapy.  At ang most toxic drug chemo of all time na sinasabi nila ay ang AZT o Retrovir, na anti HIV drug na tunay na sanhi ng sakit na AIDS.  Bakit kamo? Malalaman mo pag napanood mo ang kanilang expose.  Delikado ang AZT na binibigay nila sa isang HIV carrier sapagkat sabi ng mga eksperto ay ito ay DNA terminator, na ginagamit din nila sa cancer type patients. Samakatuwid, pinaniwala nila ang buong mundo sa sakit na ito, maraming na ang namatay sa ganitong karamdaman, na akala nila dahil sa mismong sakit na HIV at HIV na naging AIDS, ngunit di nila alam dahil sa mismong gamot na kanilang kinokonsumo, ang hindi natin alam itoy dahil sa mga walang puso at walang kwentang tao sa larangan ng medisina na wlang inisip kundi ang magpayaman at magkaron ng katanyagan.  Tanong, kung ganito pala na madami na ang nakakaalam sa larangan ng medisina na mali ang ating nalaman sa sakit na ito, at matagal na tayong niloloko ng gobyerno sa pangkalahatan, bakit hindi magkaron ng hakbang upang ito ay irepaso o itama? Ang sagot? Ginawa na ng ilang tao yan sa larangan ng medisina, mga respetado pa para isiwalat ang kasinungalingan, subalit ito ay hindi binigyan ng pansin sapagkat malaking gulo ito at madami ang madadamay, maraming mawawalan ng negosyo at trabaho lalo na ang mga ilan sa malalaking kumpanya ng medisina.  Kapag nga naman lumabas na ang katototohanan, san na sila kukuha ng pondo at paano na sila kikita. Madami ang yumaman sa ganitong panlilinlang sa atin, madami ang naniwala na sila ay bubuti sa oras na mag gamot subalit sa kalaunan namatay.  Alam nyo po sa totoo lang sensitibong usapin ito, pag may nakabasa nito sa mismong blog page ko, baka mademanda pa ako ng libel. Hehehe, Wala pa ako nakikita noon pa man sa mga telebisyon or pahayagan na tumalakay sa bagay na ito, at alam ko kung bakit kung sakali man.  Kung meron man, aba ditto nyo makikita na walang nangyari, kasi patuloy pa din ang kalakaran sa ganitong problema.  Nakakaawa lang talaga ang daming taong nadadamay dahil sa mga taong sakim sa pera at kapangyarihan.  Alam nyo po ba bilang patunay na wlang dpat ikatakot sa HIV? Mismong si Dr. Robert Wilner, sa harap ng media, live coverage may isang taong may HIV sa oras na iyon at ito ay kanyang ginawang halimbawa. Tinusok nya ng needle ung daliri ng tao, obviously ung dugo tutulo at lalabas, at dahil sinasabi nila na makukuha mo sa sexual intercourse ng taong may sakit kapag walang proteksyon at sa pagsasalin ng dugo na kontaminado ng HIV mahahawa ka. Yung mismong karayom tinusok nya din sa sarili nya, para lang patunayan na hindi sya natatakot at nag alalala sapagkat alam nya na ang HIV ay hindi sanhi ng sakit na AIDS. At ang HIV ay wlang epektong seryoso sa katawan ng tao.  Masyado na mahaba ang ating pinag usapan, pero gusto ko magkaron tayo ng interes at kayo ang magpasya kung ano ba sa tingin nyo ang totoo at hindi.  Umaasa lang ako na ang bagay na ito ay makapagbigay ng pag asa mga kababayan natin o sa mga tao na na nasa ganitong kalagayan na huwag matakot at patuloy na lumaban sa buhay.  May paraan talaga ang Diyos para malaman natin ang mga bagay na mali at bigyan tayo ng pag asa, dahil ang karunungan at kaalaman sa katotohanan ay nanggagaling sa kanya lamang.

Ito po ang link ng aking napanood at sana maintindihan nyo ng malinaw.  Wala akong nais na baliktarin or gumawa ng agenda, ang nais lamang po natin ay magkaron tayo ng tamang kaalaman at pag asa.  Isang link lang bibigay ko sa inyo, at madami pa yan.  Nood nalang kayo pag may time, nagugutom nako eh. Hehehe. Hanggang sa muli mga ka blogs. GOD BLESS YOU ALL.






Biyernes, Marso 25, 2016

HOLY WEEK - MASKARADONG KRISTYANO


HOLYWEEK - "KRISTYANO MARKARADO"

Taun-taon na pinagdiriwang ng mga “Kristiyano” sa buong mundo ang holy week. Wag na tayong lumayo mga ka blogs, dito lang sa Pilipinas, kaliwat kanan ang aktibidad na kumakatawan din naman sa kultura ng ating bansa sa pag gunita ng mahal na araw. Wala nmang masama kung taos sa puso mo na ginugunita ang pagpapakahirap, kamatayan at pagkabuhay na magmuli ng ating Panginoong Hesus. Just for kind reminder lang, ang pag gunita nasa puso at di na kelangan ng re-enactment pa. Hindi na natin kailangan ng “re”action. Bakit? Kaya mo bang mamatay? At mabuhay muli? Pag ikaw namatay at nabuhay muli ang tawag dyan “ZOMBIE” ka na. Ang ginawa ng ating Panginoong Hesus sa nakaraan ay kahit kailanma’y hindi natin kayang tumbasan at ang kailangan natin ay ang aksyon sa kasalukuyan, bilang pagpapahalaga sa kanyang kamatayan sa krus ng kalbaryo para sa ating lahat. Isa isahin natin ang mga larawan ng bawat tao tuwing sasapit ang mahal na araw.
Una…Tanong, ano ang ginagawa mo ngayon? Kahapon krus ang binubuhat mo parang RED CROSS lang eh noh? e ngayon? RED HORSE? Ilang krus ba binuhat mo kahapon at ilang case ng redhorse ang binuhat mo ngayon? Kahapon dumalo ka pa sa rekoleksyon kung mayron man, e ngayon anong koleksyon ang ginawa mo? Koleksyon san? Alam na! Magkano na ba kinita mo? Blow out nman jan! hahaha. Kahapon hinahampas mo pa ang katawan mo, nagdurugo na nga eh, grabe, tsk tsk. E ngayon? Muntik mo na mahampas ang asawa mo, ang magulang mo, ang kapatid mo at pati langaw sa lamesa nyo nahampas mo na din, lupa na lang ang hindi mo nahahampas kasi ayaw mong matawag na hampas lupa. Choosy ka pa e muka ka namang lamang lupa. Ooooppsss, sorry, masama nga pala manlait. Pasensya na po tao lng. (kagaya ng kanta ni Loonie).
O asan na tayo? Pangalawa. May mga tao din nman na wala naman pakelam talaga sa pag gunita sa mahal na araw. Kasi ang nasa kukote ng mga taong ito ay outing, outing, outing, at outing pa, outing pa, outing pa, swimming pa, swimming pa, swimming pa ulet. Hay sarap noh? Selfie sa beach, selfie sa swimming pool, mag enjoy ng mag enjoy, enjoy pa more. Ooooppsss ulet, hindi ko sinasabi na masama mag relax or mag enjoy at I treat mo man lng ang sarili mo at pamilya mo sa pinaghirapan mo, kung naghirap ka man sa trabaho. Kahit ako gusto kong mag relax at mag swimming at kalimutan pansamantala ang pressure sa trabaho at iba pang pinagkakaabalahan ko. Pede nga kayo mag suggest din saken kung san ba magandang resort eh, para may idea na ako pag uwi ko. Yung mura lang ang entrance ha, kasi madami ako kasama. hahaha. O diba, gusto ko din naman, why not. Pero ang tanong, ano ang priority mo, ang mag outing o ang magbigay ng oras para sa Diyos sa ganitong mga pagkakataon. Nakapanalangin ka ba at inalala ang kabutihan ng Panginoon sa buhay mo? Ilang oras? Minuto? Segundo? Wala diba? Dahil selfish ka, ginagawa mo lang waiter si GOD. Kapag may kailangan ka saka ka lang lumalapit, kagaya ng kanta ni Basilyo, kinakausap mo lang sya kapag ikaw ay nangangailangan. Mahiya ka nman, Diyos ang nilalapitan mo hindi waiter or service crew. Kung ako ang service crew mo bibigyan pa kita ng starbucks coffee float eh, gusto mo? Wag ka mag alala wala ng daga yun, nakaalis na kahapon pa, nagpaalam pa nga saken eh, nag swimming lang daw sya at starbucks glass yung languyan nya para “sosyal”.
Oo nga pala, maalala ko. Revival kahapon, sa ibang banda iba ang tawag nila dito. Bakit ka sumama? Gusto mo lang mamasyal? Makibarkada? Aba hindi outing ang pinuntahan mo or pasyalan, kaya ka andyan para sa “Revival nga” meaning buhayin muli ang init at pagmamahal mo sa Panginoon, dyan tayo nag rerecharge ng ispiritual na buhay natin, hindi nagrerecharge ng cellphone, kasi maghapon panay ang pindot mo sa CP mo, at hindi ka nakikinig sa salita ng Diyos na binabahagi ng nakatayo sa gitna. Dito dapat tayo muling magsimulang mag level up, hindi level up sa online games kasi 24/7 ka nakatutok sa computer, naka first blood kna ba? Tama ba? Wala ako alam dyan eh.
O ano? Makapal pa din? Paalala lang ha, hindi ako nagmamalinis, kasali tayo lahat dito. May kausap nga ako sa FB kagabi eh, sabi ko karamihan sa mga sinusulat ko dito, sa sarili ko muna sinasabi, sakin dapat mag umpisa bago sa iba. Pero kung sino ang tatamaan ng husto aba, baka mas applicable sa kanila. Pero hindi na importante kung ako ba or ikaw or tayong lahat ang may kasalanan, ang mahalaga malaman mo ang pagkakamali mo at magkaron tayo ng pagsisikap na magbago. Bakit ko sinabi na “pagsisikap” kasi hindi yan makukuha sa isang iglap pagkatapos mo sumigaw ng “DARNA” na mababago ka na. May proseso yan at kalakip na panalangin. At dyan pumapasok ang grace ni GOD. Yun ay kung may intensyon kang magbago ng totoo.
Kaya hanggat may oras pa, dapat magsimula na tayong maging totong Kristyano, dahil ang Kristyano ay gumaganap sa kalooban ng Diyos, hindi sa salita kundi sa gawa. Kasi kung puro kasarapan lang sa buhay ang inaatupag natin, swimming lng ang alam mo at pasyalan, wala ka na nagawa para sa Diyos at para sa kapwa mo, baka sa susunod sa lake of fire kana mag swimming, ewan ko lang pag di ka napasayaw ng twerk it like miley dahil nagliliyab sa apoy ang pwet mo. Hahahaha.
Muli, ang ating punto ay malaman natin ang mas mahahalagang bagay kesa sa mundong ito at maging totoo tayo sa ating mga sarili. Wag tayo magtago sa maskara ng pagiging makasarili natin. Walang msama maging masaya, walang masama kung minsan gusto natin bigyan ng panahon ang ating mga sarili, pero wag natin kakalimutan ang mga bagay na para sa kabutihan, mga bagay na para sa Diyos.

O sya, antok na ako mga ka blogs, may pasok pa sa work bukas, hanggang sa muli.

GODBLESS EVERYONE.