Taun-taon na pinagdiriwang ng mga “Kristiyano” sa buong mundo ang holy week. Wag na tayong lumayo mga ka blogs, dito lang sa Pilipinas, kaliwat kanan ang aktibidad na kumakatawan din naman sa kultura ng ating bansa sa pag gunita ng mahal na araw. Wala nmang masama kung taos sa puso mo na ginugunita ang pagpapakahirap, kamatayan at pagkabuhay na magmuli ng ating Panginoong Hesus. Just for kind reminder lang, ang pag gunita nasa puso at di na kelangan ng re-enactment pa. Hindi na natin kailangan ng “re”action. Bakit? Kaya mo bang mamatay? At mabuhay muli? Pag ikaw namatay at nabuhay muli ang tawag dyan “ZOMBIE” ka na. Ang ginawa ng ating Panginoong Hesus sa nakaraan ay kahit kailanma’y hindi natin kayang tumbasan at ang kailangan natin ay ang aksyon sa kasalukuyan, bilang pagpapahalaga sa kanyang kamatayan sa krus ng kalbaryo para sa ating lahat. Isa isahin natin ang mga larawan ng bawat tao tuwing sasapit ang mahal na araw.
Una…Tanong, ano ang ginagawa mo ngayon? Kahapon krus ang binubuhat mo parang RED CROSS lang eh noh? e ngayon? RED HORSE? Ilang krus ba binuhat mo kahapon at ilang case ng redhorse ang binuhat mo ngayon? Kahapon dumalo ka pa sa rekoleksyon kung mayron man, e ngayon anong koleksyon ang ginawa mo? Koleksyon san? Alam na! Magkano na ba kinita mo? Blow out nman jan! hahaha. Kahapon hinahampas mo pa ang katawan mo, nagdurugo na nga eh, grabe, tsk tsk. E ngayon? Muntik mo na mahampas ang asawa mo, ang magulang mo, ang kapatid mo at pati langaw sa lamesa nyo nahampas mo na din, lupa na lang ang hindi mo nahahampas kasi ayaw mong matawag na hampas lupa. Choosy ka pa e muka ka namang lamang lupa. Ooooppsss, sorry, masama nga pala manlait. Pasensya na po tao lng. (kagaya ng kanta ni Loonie).
O asan na tayo? Pangalawa. May mga tao din nman na wala naman pakelam talaga sa pag gunita sa mahal na araw. Kasi ang nasa kukote ng mga taong ito ay outing, outing, outing, at outing pa, outing pa, outing pa, swimming pa, swimming pa, swimming pa ulet. Hay sarap noh? Selfie sa beach, selfie sa swimming pool, mag enjoy ng mag enjoy, enjoy pa more. Ooooppsss ulet, hindi ko sinasabi na masama mag relax or mag enjoy at I treat mo man lng ang sarili mo at pamilya mo sa pinaghirapan mo, kung naghirap ka man sa trabaho. Kahit ako gusto kong mag relax at mag swimming at kalimutan pansamantala ang pressure sa trabaho at iba pang pinagkakaabalahan ko. Pede nga kayo mag suggest din saken kung san ba magandang resort eh, para may idea na ako pag uwi ko. Yung mura lang ang entrance ha, kasi madami ako kasama. hahaha. O diba, gusto ko din naman, why not. Pero ang tanong, ano ang priority mo, ang mag outing o ang magbigay ng oras para sa Diyos sa ganitong mga pagkakataon. Nakapanalangin ka ba at inalala ang kabutihan ng Panginoon sa buhay mo? Ilang oras? Minuto? Segundo? Wala diba? Dahil selfish ka, ginagawa mo lang waiter si GOD. Kapag may kailangan ka saka ka lang lumalapit, kagaya ng kanta ni Basilyo, kinakausap mo lang sya kapag ikaw ay nangangailangan. Mahiya ka nman, Diyos ang nilalapitan mo hindi waiter or service crew. Kung ako ang service crew mo bibigyan pa kita ng starbucks coffee float eh, gusto mo? Wag ka mag alala wala ng daga yun, nakaalis na kahapon pa, nagpaalam pa nga saken eh, nag swimming lang daw sya at starbucks glass yung languyan nya para “sosyal”.
Oo nga pala, maalala ko. Revival kahapon, sa ibang banda iba ang tawag nila dito. Bakit ka sumama? Gusto mo lang mamasyal? Makibarkada? Aba hindi outing ang pinuntahan mo or pasyalan, kaya ka andyan para sa “Revival nga” meaning buhayin muli ang init at pagmamahal mo sa Panginoon, dyan tayo nag rerecharge ng ispiritual na buhay natin, hindi nagrerecharge ng cellphone, kasi maghapon panay ang pindot mo sa CP mo, at hindi ka nakikinig sa salita ng Diyos na binabahagi ng nakatayo sa gitna. Dito dapat tayo muling magsimulang mag level up, hindi level up sa online games kasi 24/7 ka nakatutok sa computer, naka first blood kna ba? Tama ba? Wala ako alam dyan eh.
O ano? Makapal pa din? Paalala lang ha, hindi ako nagmamalinis, kasali tayo lahat dito. May kausap nga ako sa FB kagabi eh, sabi ko karamihan sa mga sinusulat ko dito, sa sarili ko muna sinasabi, sakin dapat mag umpisa bago sa iba. Pero kung sino ang tatamaan ng husto aba, baka mas applicable sa kanila. Pero hindi na importante kung ako ba or ikaw or tayong lahat ang may kasalanan, ang mahalaga malaman mo ang pagkakamali mo at magkaron tayo ng pagsisikap na magbago. Bakit ko sinabi na “pagsisikap” kasi hindi yan makukuha sa isang iglap pagkatapos mo sumigaw ng “DARNA” na mababago ka na. May proseso yan at kalakip na panalangin. At dyan pumapasok ang grace ni GOD. Yun ay kung may intensyon kang magbago ng totoo.
Kaya hanggat may oras pa, dapat magsimula na tayong maging totong Kristyano, dahil ang Kristyano ay gumaganap sa kalooban ng Diyos, hindi sa salita kundi sa gawa. Kasi kung puro kasarapan lang sa buhay ang inaatupag natin, swimming lng ang alam mo at pasyalan, wala ka na nagawa para sa Diyos at para sa kapwa mo, baka sa susunod sa lake of fire kana mag swimming, ewan ko lang pag di ka napasayaw ng twerk it like miley dahil nagliliyab sa apoy ang pwet mo. Hahahaha.
Muli, ang ating punto ay malaman natin ang mas mahahalagang bagay kesa sa mundong ito at maging totoo tayo sa ating mga sarili. Wag tayo magtago sa maskara ng pagiging makasarili natin. Walang msama maging masaya, walang masama kung minsan gusto natin bigyan ng panahon ang ating mga sarili, pero wag natin kakalimutan ang mga bagay na para sa kabutihan, mga bagay na para sa Diyos.
O sya, antok na ako mga ka blogs, may pasok pa sa work bukas, hanggang sa muli.
GODBLESS EVERYONE.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento