Martes, Setyembre 17, 2013

Midnight Hour Prayer - Prayer to Destroy Works of Darkness


September 7, 2013 Saturday 1am was the last moment na si Kristelle Davantes o mas kilala sa tawag na “Kae” ng kanyang pamilya at mga kaibigan na nakitang buhay. She is a Senior Account Manager of McCann Worldgroup Phils Inc sa Bonifacio Global City. Nalaman natin lahat ang pangyayaring ito sa mga pahayagan lampas isang linggo na ang nakakaraan. After 5 hours Kae was found dead under Tibagan bridge in Silang Cavite. Marami sa atin ang nakakaalam na ng istorya ng pagkamatay ni Kae and up to now, under investigation pa din at ang pamilya, mga kaibigan ay umaasa na makakamit nila ang katarungan. Sa Pilipinas pa lamang yan, at alam natin na madami pang kahalintulad na kaso ng krimen ang hindi na nailalathala pa sa mga pahayagan. Sa ibang bansa, gaya na lamang ng nangyaring krimen sa Delhi India. Siguro ito din ay nabalitaan natin sa mga pahayagan at kung hindi man sa social media.  Kung saan isang physiotherapist student na babae ang dumanas ng gang rape at hindi lang basta natural gang rape bagkus ito ay tinawag nilang diabolic act of extreme brutalities.  They are saying that the crime provoked outrage in India and sparked protests across the country. It also led to an unprecedented national discussion about sexual violence and calls for widespread changes in cultural attitudes and policing, and legal reform. The international image of the country was damaged, with numbers of female tourists dropping significantly. Sino ba naman ang hindi matatakot sa lugar na ito, na on average ay mayroong 10 kaso ng sexual assault sa mga kababaihan bawat araw.   

Ngayon ang mga akusado sa karumal dumal na krimen sa India ay nahatulan ng pinakamabigat na parusa ng kamatayan, and take note, mga bata pa ang mga akusado. Sa madaling salita, walang pinipiling edad at pagkatao ang kasamaan. You could be the victim or you could be the offender.  At sa mga bagay na ito, humingi tayo ng kasagutan, ng katarungan.  Ito po ang katotohanan na namamayani sa ating lipunan saan mang panig ng mundo, ang kasamaan ng tao ay sadyang sagad hanggang buto sa mga huling araw.  

Kahit na wala kang ginagawa at wala kang inagrabyadong tao, kapag ikaw ay dinatnan ng kasamaan ng iba, sabi nga ay may kalalagyan ka. Kung hindi ka masasaktan, ikaw ay masasawi. Tignan nalang natin ang nangyayaring sigalot na naman sa pagitan ng ating gobyerno at ng grupo ng MNLF sa Mindanao? Hindi ba madaming nadadamay na mga inosenteng tao sa kaguluhan na ito, madaming nagbubuwis ng buhay dahil sa kani kanilang mga pansariling interes o pinaglalaban. Madaming nasisirang buhay hindi lang isa o dalawa kung ihahalintulad mo sa mga ordinaryong krimen.  At muli sa Pilipinas pa lang yan.  E papaano yung nangyayaring tensyon sa Ehipto? Sa Syria? Hindi ba madaming mga inosenteng ordinaryong mamamyan na naman ang madadamay? Tatanungin natin ulit ang ating mga sarili. Nasaan ang hustisya?

Walang pinipiling oras ang sakuna o kamatayan.  Sino ang mag aakala na sa mga oras na ikaw ay himbing na himbing na natutulog, ang ibang tao naman ay nasa bingit ng panganib o nasa bingit ng kamatayan? Have you ever prayed for those people before ka matulog? Na sinsabi mo sa iyong pananalangin, na “Panginoon sa mga oras na ito may mga tao na dumaranas ng trahedya, ng panganib. I pray to you oh God that you save them kung ano man ang kalagayan nila ngayon, help them oh God”. Do you pray the same kind of prayer? Sapagkat hindi natin nalalaman na sa mga oras na iyon may nangangailangan ng iyong panalangin, though you don’t even know them personally. You could save lives. The power of prayer is not just only for a specific person but when we pray the power of God is moving at that very moment. Sometimes we woke up suddenly and yet we don’t know the reason, bakit? Do you think it was natural? Nagigising tayo sa pagkakatulog natin at kadalasan kung mararanasan mo hindi mo na agad maibalik yung tulog mo. Don’t you ever think that God wants you to pray? Not to pray for yourselves but for others to be taken away from trouble and even death.

Bakit po natin sinasabi ang mga bagay na ito? The last time when we tackled about the tragedy kung saan madaming nagbuwis ng buhay dahil sa sakuna sa karagatan and we are asking for justice. We are talking about here on post event on what we can do? What we are hoping for? Na kung hindi man natin makuha ang hustisya sa mundong ito, ay may hustisya nman tayong makakamit sa ating Panginoon and this is absolutely true. No doubt about it.  And now we are talking about how to prevent such crimes and tragedies thru prayer. Bilang mga Kristyano it is our duty to pray for others, hindi ka naging Kristiyano dahil sa katawagan lamang o dahil pinanganak ka na ang nakagisnan mong pamilya ay Kristyano. Ikaw ay naging Kristyano sapagkat ikaw ay nakakasunod sa kalooban ng ating Panginoon at tayo ay may responsibilidad na gawin ang nararapat hindi lang para sa ating mga sarili kundi sa ating kapwa.  If we are a real Christian we need to pray for others. (I Timothy 2:1-2).  

Even apostle Paul is asking for a prayer in His letters.  Sa pamamagitan ng ating panalangin, tayo ay maliligtas sa mga taong masasama.
(2 Thessalonians 3:2-3). Evil doings, evil influence, name it. The power of prayer can do miracles. James 5:16 “The prayer of the righteous man is powerful and effective. Again, friends, brothers and sisters. Our prayer counts much. Very much.  We pray for God’s power to move to save us from troubles, sickness, problems, worries and even threat of deaths. We pray for God’s divine intervention and save lives. And for those who suffers from violence, that our Lord Jesus Christ gives them justice. 

Tayo po ay nabubuhay na sa mga huling araw at ang salita ng ating Panginoon ay nagsabi ng mga bagay na masasamang pangyayari sa huling kapanahunan, ang kasamaan ng tao ang kasamaan ng daigdig. Subalit sa kabila ng lahat ng iyan, may pag-asa. At sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Hesus kung kung tayo ay mananatiling tapat hanggang wakas tayo ay magkakaron ng buhay na walang hanggan sa piling nya sa kanyang kaharian. Walang sakit, walang kalungkutan, walang kahirapan, walang kasamaan at walang kamatayan. Kung kaya tayo iligtas ng Panginoong Hesus sa pisikal na kamatayan sa mundong ito, mas lalo na kaya nya tayong iligtas sa spiritual na kamatayan at bigyan tayo ng buhay na walang hanggan. Tanggapin mo lamang sya sa iyong puso at buhay bilang Panginoon at sariling tagapagligtas. 

TIME OF GIVING


Nalalapit na naman ang araw ng kapaskuhan at bawat isa sa atin ay tinatawag ito na araw ng pagmamahal at pagbibigayan. Sa isang kanta tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan, sa huling mga lyrics ay nagsasabi na “At magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan”. Sinasabi na kahit HINDI pasko ay magbigayan.
Sa kantang GIVE LOVE ON CHRISTMAS DAY, ito naman ay tumutukoy sa PAG-IBIG, hindi material, hindi pinansyal, kundi pagbibigay ng PAG-IBIG. No greater gift is there than LOVE. At kapag nadidinig naman natin ang salitang LOVE, hindi maiiwasan na pumasok sa ating mga isipan ang panahon ng araw ng mga PUSO, kung saan mayroon din pagbibigayan sa pagitan ng dalawang nagmamahalan, sa magnobyo at magnobya, sa mag asawa, at sa isang pamilya. Ang lahat po ng iyan kung inyo pong mapapansin ay ang panahon ng sinasabi nilang pagmamahalan at pagbibigayan sa isang okasyon o tinatawag nating season. At ito ay puede nating tawaging Season of Convenience.  Isa pang halimbawa ng season ay tatawagin naman nating Season of Tragedy, kung saan makikita natin ang act of giving sa mga oras ng kalamidad o sakuna.  Marami ang handang tumulong sa pamamagitang ng ibat ibang kaparaanan. May tumutulong sa pamamagitan ng pinansyal, mayrong material para sa pangangailangan ng ating mga apektadong kababayan. And we are very blessed and thankful for those people na may puso para sa iba, yung totoong pagtulong at pagdamay hindi yung pakitang tao lamang o gusto lamang ng publicity na gaya ng ginagawa ng iba. God knows our heart when we give, and surely God blesses them (Psalms 41-1-3), (Proverbs 19:17).

Though it is really necessary to give and help others in times of tragedy and this is a special case, it is much more worth when we give at no given season.  Sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon na kaya mong magbigay at tumulong, we need to extend help by way of giving. If you have the capacity to give and help thru financial that would be good at alam natin na malaki ang maitutulong nyan sa ating mga naghihirap na kapwa. Kung material man iyan at magiging kapaki-pakinabang sa nangangailangan that would be nice as well as long as nagbibigay ka ng may kasiyahan at bukal sa iyong kalooban. That you are really willing to help and not force to do so. (2 Corinthians 8:12).  When you give, it is not always about money or material it’s about your heart, and your heart will teach you exactly and instantly what to give. God will empower us to give in other ways (I Peter 4:10-11). If you are a doctor, you can help those sick people in curing them without asking for any fee in return.  Madami sa ating mga kababayan ang may sakit at hindi kayang magbayad ng kahit na di kalakihang halaga dahil sa kasalatan sa buhay. Pagkain na lamang para sa kanilang pamilya, ipanggagamot pa. How could you help them? If you have the heart you know exactly what they need, you can give your service without asking any in return. You are not giving your service in any kind of return, gaya ng ginagawa ng iba, they are only serving or giving dahil sa may kapalit na mas malaking halaga o bagay. Ang kanilang mentalidad ay magbibigay ako or maglilingkod ako sapagkat may makukuha akong kapalit o pakinabang. Tanungin natin yung mga sangkot sa pork barrel scam na yan. Kapag may usok may apoy, bato bato sa langit ang tamaan, mapuruhan sana! Hindi mo kelangan maging mayaman o masagana para makapagbigay. Napakasarap mo na malaman na may mga taong kahit walang wala na din sa kanilang mga sarili ay nakahanda pa din magbigay, this is a sacrificial giving. One example ay mababasa natin in Luke 21:1-4. Ito po yung babaeng balo na nagbigay ng dalawang natitirang barya nya na lamang as her offering. It is not about the value, it is about your heart that counts.

Let’s face the truth mga kaibigan, hindi madali ang magbigay lalo na kapag walang wala kana din puedeng ibigay at wala nang matitira pa sa sarili mo at ikaw mismo ay mahigpit na nangangailangan.  Isang halimbawa muli ay ang mababasa natin sa 2 Corinthians 8:1-5, ito ay tumutukoy sa Macedonian churches sa sulat ni apostol Pablo kung saan ang Macedonian churches ay dumadanas din ng  matitinding pagsubok at kahirapan subalit sila ay nakapagbibigay ng higit pa sa kanilang kakayanan nang may kasiyahan sa puso at pusong mapagbigay. Binanggit natin kanina na hindi madali ang bagay na ito subalit ang sikreto ay ang pagbibigay ng kanilang mga sarili sa ating Panginoon, una at higit sa lahat. 2 Cor 8:5 “ But they gave themselves first to the Lord and then to us in keeping with God’s will.

When God is in your life, there is no reason for you to give beyond your capacity, sapagkat kahit ikaw mismo ay hindi magkukulang and you will be blessed more.  Those who sow bountifully will reap bountifully (2 Cor 9:6). This is our chance to be blessed exceedingly by God. Madaming nangangailangan ng iyong tulong, lalo na sa ating mga kababayan na karapat dapat na tulungan. You have all the resources, you can help financially, materially and personally, malaki ang magagawa ng mga bagay na iyan. Wag natin limitahan ang ating mga sarili sa mga bagay na puede natin ibahagi, God will provide ang kailangan lang ay ang iyong pagsunod, ang iyong puso na handang tumulong at magbigay. Not only every Christmas season, not only in Tragic moments but at any given time that there is necessity to give do it for God, do it for them. Let God’s grace shine in YOU.  

Martes, Setyembre 3, 2013

Wheel Chair na Naman???

Is it really necessary na kelangan naka wheelchair ka pag guilty ka? Anong meron sa wheelchair? Guys what is your opinion about this?