Nalalapit na naman ang araw ng
kapaskuhan at bawat isa sa atin ay tinatawag ito na araw ng pagmamahal at
pagbibigayan. Sa isang kanta tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan, sa
huling mga lyrics ay nagsasabi na “At magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay
magbigayan”. Sinasabi na kahit HINDI pasko ay magbigayan.
Sa kantang GIVE LOVE ON CHRISTMAS
DAY, ito naman ay tumutukoy sa PAG-IBIG, hindi material, hindi pinansyal, kundi
pagbibigay ng PAG-IBIG. No greater gift is there than LOVE. At kapag nadidinig
naman natin ang salitang LOVE, hindi maiiwasan na pumasok sa ating mga isipan
ang panahon ng araw ng mga PUSO, kung saan mayroon din pagbibigayan sa pagitan
ng dalawang nagmamahalan, sa magnobyo at magnobya, sa mag asawa, at sa isang
pamilya. Ang lahat po ng iyan kung inyo pong mapapansin ay ang panahon ng
sinasabi nilang pagmamahalan at pagbibigayan sa isang okasyon o tinatawag
nating season. At ito ay puede nating tawaging Season of Convenience. Isa pang halimbawa ng season ay
tatawagin naman nating Season of Tragedy, kung saan makikita natin ang act of
giving sa mga oras ng kalamidad o sakuna.
Marami ang handang tumulong sa pamamagitang ng ibat ibang kaparaanan.
May tumutulong sa pamamagitan ng pinansyal, mayrong material para sa
pangangailangan ng ating mga apektadong kababayan. And we are very blessed and
thankful for those people na may puso para sa iba, yung totoong pagtulong at
pagdamay hindi yung pakitang tao lamang o gusto lamang ng publicity na gaya ng
ginagawa ng iba. God knows our heart when we give, and surely God blesses them
(Psalms 41-1-3), (Proverbs 19:17).
Though it is really necessary to
give and help others in times of tragedy and this is a special case, it is much
more worth when we give at no given season.
Sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon na kaya mong magbigay at
tumulong, we need to extend help by way of giving. If you have the capacity to
give and help thru financial that would be good at alam natin na malaki ang
maitutulong nyan sa ating mga naghihirap na kapwa. Kung material man iyan at
magiging kapaki-pakinabang sa nangangailangan that would be nice as well as
long as nagbibigay ka ng may kasiyahan at bukal sa iyong kalooban. That you are
really willing to help and not force to do so. (2 Corinthians 8:12). When you give, it is not always about money or
material it’s about your heart, and your heart will teach you exactly and
instantly what to give. God will empower us to give in other ways (I Peter 4:10-11).
If you are a doctor, you can help those sick people in curing them without
asking for any fee in return. Madami sa
ating mga kababayan ang may sakit at hindi kayang magbayad ng kahit na di
kalakihang halaga dahil sa kasalatan sa buhay. Pagkain na lamang para sa
kanilang pamilya, ipanggagamot pa. How could you help them? If you have the
heart you know exactly what they need, you can give your service without asking
any in return. You are not giving your service in any kind of return, gaya ng
ginagawa ng iba, they are only serving or giving dahil sa may kapalit na mas
malaking halaga o bagay. Ang kanilang mentalidad ay magbibigay ako or
maglilingkod ako sapagkat may makukuha akong kapalit o pakinabang. Tanungin
natin yung mga sangkot sa pork barrel scam na yan. Kapag may usok may apoy,
bato bato sa langit ang tamaan, mapuruhan sana! Hindi mo kelangan maging
mayaman o masagana para makapagbigay. Napakasarap mo na malaman na may mga
taong kahit walang wala na din sa kanilang mga sarili ay nakahanda pa din
magbigay, this is a sacrificial giving. One example ay mababasa natin in Luke
21:1-4. Ito po yung babaeng balo na nagbigay ng dalawang natitirang barya nya
na lamang as her offering. It is not about the value, it is about your heart
that counts.
Let’s face the truth mga
kaibigan, hindi madali ang magbigay lalo na kapag walang wala kana din puedeng
ibigay at wala nang matitira pa sa sarili mo at ikaw mismo ay mahigpit na
nangangailangan. Isang halimbawa muli ay
ang mababasa natin sa 2 Corinthians 8:1-5, ito ay tumutukoy sa Macedonian
churches sa sulat ni apostol Pablo kung saan ang Macedonian churches ay
dumadanas din ng matitinding pagsubok at
kahirapan subalit sila ay nakapagbibigay ng higit pa sa kanilang kakayanan nang
may kasiyahan sa puso at pusong mapagbigay. Binanggit natin kanina na hindi
madali ang bagay na ito subalit ang sikreto ay ang pagbibigay ng kanilang mga
sarili sa ating Panginoon, una at higit sa lahat. 2 Cor 8:5 “ But they gave
themselves first to the Lord and then to us in keeping with God’s will.
When God is in your life, there
is no reason for you to give beyond your capacity, sapagkat kahit ikaw mismo ay
hindi magkukulang and you will be blessed more.
Those who sow bountifully will reap bountifully (2 Cor 9:6). This is our
chance to be blessed exceedingly by God. Madaming nangangailangan ng iyong
tulong, lalo na sa ating mga kababayan na karapat dapat na tulungan. You have
all the resources, you can help financially, materially and personally, malaki
ang magagawa ng mga bagay na iyan. Wag natin limitahan ang ating mga sarili sa
mga bagay na puede natin ibahagi, God will provide ang kailangan lang ay ang
iyong pagsunod, ang iyong puso na handang tumulong at magbigay. Not only every
Christmas season, not only in Tragic moments but at any given time that there
is necessity to give do it for God, do it for them. Let God’s grace shine in
YOU.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento