September 7, 2013 Saturday 1am was the last moment na
si Kristelle Davantes o mas kilala sa tawag na “Kae” ng kanyang pamilya at mga
kaibigan na nakitang buhay. She is a Senior Account Manager of McCann Worldgroup
Phils Inc sa Bonifacio Global City. Nalaman natin lahat ang pangyayaring ito sa
mga pahayagan lampas isang linggo na ang nakakaraan. After 5 hours Kae was
found dead under Tibagan bridge in Silang Cavite. Marami sa atin ang nakakaalam
na ng istorya ng pagkamatay ni Kae and up to now, under investigation pa din at
ang pamilya, mga kaibigan ay umaasa na makakamit nila ang katarungan. Sa Pilipinas pa lamang yan, at alam natin na madami
pang kahalintulad na kaso ng krimen ang hindi na nailalathala pa sa mga
pahayagan. Sa ibang bansa, gaya na lamang ng nangyaring krimen sa Delhi India.
Siguro ito din ay nabalitaan natin sa mga pahayagan at kung hindi man sa social
media. Kung saan isang physiotherapist
student na babae ang dumanas ng gang rape at hindi lang basta natural gang rape
bagkus ito ay tinawag nilang diabolic act of extreme brutalities. They are saying that the crime provoked
outrage in India and
sparked protests across the country. It also led to an unprecedented national
discussion about sexual violence and calls for widespread changes in cultural
attitudes and policing, and legal reform. The international image of the
country was damaged, with numbers of female tourists dropping significantly. Sino
ba naman ang hindi matatakot sa lugar na ito, na on average ay mayroong 10 kaso
ng sexual assault sa mga kababaihan bawat araw.
Ngayon ang mga akusado sa karumal dumal na krimen
sa India ay nahatulan ng pinakamabigat na parusa ng kamatayan, and take note,
mga bata pa ang mga akusado. Sa madaling salita, walang pinipiling edad at
pagkatao ang kasamaan. You could be the victim or you could be the
offender. At sa mga bagay na ito,
humingi tayo ng kasagutan, ng katarungan.
Ito po ang katotohanan na namamayani sa ating lipunan saan mang panig ng
mundo, ang kasamaan ng tao ay sadyang sagad hanggang buto sa mga huling araw.
Kahit na wala kang ginagawa at wala kang
inagrabyadong tao, kapag ikaw ay dinatnan ng kasamaan ng iba, sabi nga ay may
kalalagyan ka. Kung hindi ka masasaktan, ikaw ay masasawi. Tignan nalang natin
ang nangyayaring sigalot na naman sa pagitan ng ating gobyerno at ng grupo ng
MNLF sa Mindanao? Hindi ba madaming nadadamay na mga inosenteng tao sa
kaguluhan na ito, madaming nagbubuwis ng buhay dahil sa kani kanilang mga pansariling
interes o pinaglalaban. Madaming nasisirang buhay hindi lang isa o dalawa kung
ihahalintulad mo sa mga ordinaryong krimen.
At muli sa Pilipinas pa lang yan. E papaano yung nangyayaring tensyon sa Ehipto?
Sa Syria? Hindi ba madaming mga inosenteng ordinaryong mamamyan na naman ang
madadamay? Tatanungin natin ulit ang ating mga sarili. Nasaan ang hustisya?
Walang pinipiling oras ang sakuna o kamatayan. Sino ang mag aakala na sa mga oras na ikaw ay
himbing na himbing na natutulog, ang ibang tao naman ay nasa bingit ng panganib
o nasa bingit ng kamatayan? Have you ever prayed for those people before ka
matulog? Na sinsabi mo sa iyong pananalangin, na “Panginoon sa mga oras na ito
may mga tao na dumaranas ng trahedya, ng panganib. I pray to you oh God that
you save them kung ano man ang kalagayan nila ngayon, help them oh God”. Do you
pray the same kind of prayer? Sapagkat hindi natin nalalaman na sa mga oras na iyon
may nangangailangan ng iyong panalangin, though you don’t even know them
personally. You could save lives. The power of prayer is not just only for a
specific person but when we pray the power of God is moving at that very
moment. Sometimes we woke up suddenly and yet we don’t know the reason, bakit?
Do you think it was natural? Nagigising tayo sa pagkakatulog natin at kadalasan
kung mararanasan mo hindi mo na agad maibalik yung tulog mo. Don’t you ever
think that God wants you to pray? Not to pray for yourselves but for others to
be taken away from trouble and even death.
Bakit po natin sinasabi ang mga bagay na ito? The
last time when we tackled about the tragedy kung saan madaming nagbuwis ng
buhay dahil sa sakuna sa karagatan and we are asking for justice. We are
talking about here on post event on what we can do? What we are hoping for? Na
kung hindi man natin makuha ang hustisya sa mundong ito, ay may hustisya nman
tayong makakamit sa ating Panginoon and this is absolutely true. No doubt about
it. And now we are talking about how to
prevent such crimes and tragedies thru prayer. Bilang mga Kristyano it is our
duty to pray for others, hindi ka naging Kristiyano dahil sa katawagan lamang o
dahil pinanganak ka na ang nakagisnan mong pamilya ay Kristyano. Ikaw ay naging
Kristyano sapagkat ikaw ay nakakasunod sa kalooban ng ating Panginoon at tayo
ay may responsibilidad na gawin ang nararapat hindi lang para sa ating mga
sarili kundi sa ating kapwa. If we are a
real Christian we need to pray for others. (I Timothy 2:1-2).
Even apostle Paul is asking for a prayer in His
letters. Sa pamamagitan ng ating
panalangin, tayo ay maliligtas sa mga taong masasama.
(2 Thessalonians 3:2-3). Evil doings, evil
influence, name it. The power of prayer can do miracles. James 5:16 “The prayer
of the righteous man is powerful and effective. Again, friends, brothers and sisters. Our prayer
counts much. Very much. We pray for
God’s power to move to save us from troubles, sickness, problems, worries and
even threat of deaths. We pray for God’s divine intervention and save lives. And
for those who suffers from violence, that our Lord Jesus Christ gives them
justice.
Tayo po ay nabubuhay na sa mga huling araw at ang
salita ng ating Panginoon ay nagsabi ng mga bagay na masasamang pangyayari sa
huling kapanahunan, ang kasamaan ng tao ang kasamaan ng daigdig. Subalit sa
kabila ng lahat ng iyan, may pag-asa. At sa muling pagbabalik ng ating
Panginoong Hesus kung kung tayo ay mananatiling tapat hanggang wakas tayo ay
magkakaron ng buhay na walang hanggan sa piling nya sa kanyang kaharian. Walang
sakit, walang kalungkutan, walang kahirapan, walang kasamaan at walang
kamatayan. Kung kaya tayo iligtas ng Panginoong Hesus sa pisikal na kamatayan
sa mundong ito, mas lalo na kaya nya tayong iligtas sa spiritual na kamatayan
at bigyan tayo ng buhay na walang hanggan. Tanggapin mo lamang sya sa iyong
puso at buhay bilang Panginoon at sariling tagapagligtas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento