Ms. World 2013 - Megan Young from the Philippines.
Katatapos lamang ng coronation ng Miss World 2013 na ginanap sa Indonesia na pinagwagian ng ating kababayan na si Ms. Megan Young na masasabi nating isang karangalan para sa ating bansang Pilipinas. Mga kaibigan, hindi po ako
panatiko ng beauty pageant pang local man o pandaigdigan although we are
acknowledging beauties and brains at nakakanood naman din tayo kahit paano
paminsan minsan. Naisip ko bakit hindi ko subukan panoorin kahit paano ang
natatanging gabi na pinagwagian ng ating kababayan. Sapagkat naisip ko,
nakakapagod na ang mga napapanood natin sa telebisyon, sa internet na mga hindi
magagandang pangyayari sa ating kapaligiran, particular na sa ating bansa. Sabi
ko sa sarili ko it’s time na makabalita naman ng magandang pangyayari sa ating
bansa, kumbaga makahinga man lang tayo sa issue ng labanan sa Zamboanga sa
pagitan ng ating gobyerno at MNLF, at sa issue din naman ng pork barrel na
hanggang ngayon ay dinidinig pa din sa senado. Hindi ba nakakagaan ng
pakiramdam na sa kabila ng mga pangit na pangyayari ay meron din namang
magandang balita, although sa ating mga kababayan sasabihin ng iba, Oo, nanalo
nga tayo sa patimpalak ng Miss World 2013, subalit ano ang tunay na epekto sa
atin ng karangalan na iyon? Lalo na sa mga ordinaryong mamamayan na ang iniisip
ay ang makaraos sa araw araw na kahirapan at kaguluhan. Well, let’s face it, it
will not directly benefit each and everyone of us but let’s face it as well na
malaking bagay ang karangalan na ito sa imahe ng ating bansa at dito tayo
nakakapagpahinga sa kapaguran sa kaliwat kanang issue ng ating lipunan. Sabi ng
ating Bise Presidente Jejomar Binay “Amid the many
issues our country is facing today, Miss Young's victory is a candle of hope
that assures us we will pull through. Certainly, this is a victory not only for
Ms. Young, but for the whole nation,” Binay added, noting how it will inspire
Filipinos affected by recent crisis.
The Office of the Presidential Adviser on the Peace Process also lauded
Young, who was among the celebrities recently named national ambassadors for
peace.
Malacanang also congratulated Young, who is the first ever Filipina to
bring home Miss World’s famed blue crown during the pageant’s finale in
Bali,Indonesia.
“This is another Filipino who showed the rest of the world what we can
do as Filipinos,” Communications Secretary Ramon Carandang.
Kahit ako mismo mga kaibigan sa sarili ko, nung malaman ko na nanalo ang
ating kababayan, naisip ko talaga na, hay sa wakas, may mabuting balita nman. Kaya kahit glimpse lang ng winning moment ng
ating kababayan ay gusto kong malaman, what makes her a winner, aside from
beauty is the intelligence of a person. The question and answer portion. Ang katanungan...
Why you should be Miss World?....
I treasure a core value
of humanity, and that guides me to understanding people, why they act the way
they do, how they live up their lives. And I will use this core values and my
understanding not only how to think others but to show other people how can
they understand others, to help others to get us one together we shall help society.
Ngayon po mga kaibigan,
nais ko pong ibahagi sa inyo kung ano ang significance ng kanyang kasagutan sa
ating mga buhay. Sa ating komunidad sa ating bansa, o maging sa buong mundo.
Bigyan natin ng isa isang pakahulugan at paliwanag. Una, ano ang ibig
sabihin ng core value of humanity?
Core Values are traits
or qualities and in other meaning it is also called guiding principles which
form a solid core of WHO YOU ARE, WHAT YOU BELIEVE and WANT TO BE GOING FORWARD.
At sa Humanity naman, simpleng paliwanag – human being, human race. TAYO,
tayong mga tao dito sa ibabaw ng mundo.
So kung ating
pagsasamahin, ito ang iyong pamantayan at pagkatao, paniniwala, mga bagay na
gusto mong mangyari o nais mong patunguhan para sa kapwa hindi para sa sarili
mo. At dahil nagtataglay ka nito, naiintindihan mo ang kalagayan ng iba at ikaw
ay may pagpapahalaga. Naalala ko tuloy nabanggit natin CORE VALUES, may
malasakit ka sa iba, ibig sabihin hindi ka selfish or self centered. E ano naman
ang tawag dun sa mga taong makasarili,
swapang at walang inintindi kundi ang kanilang mga sarili? Lalo na ung mga
gumagawa ng katiwalian dyan gobyerno? Yung kanina CORE
VALUES, siguro ang puede nating itawag sa kagaya nila ay CORRUPT VALUES! Hindi CORE VALUES kundi
CORRUPT VALUES. SAbi nga ni Sen. Miriam Defensor Santiago, wala daw sariling
building ang senado, pero may pondo nman, nagrerenta lang ang senado, bakit
hindi nlang bumili ng sariling gusali, nakalimutan ko lang kung san lugar yung
sinabi nya eh, pero ang natatandaan ko ay ung CROCODILE FARM. Dun daw dapat
itayo ang Senado. Nakakalungkot po diba? Nasaan ang CORE VALUES ng mga taong
ito? Na walang inisip kundi ang magpayaman ng kanilang mga sarili sa
karumal-dumal na kaparaanan. Puede din nman nating tawagin silang CROCODILE
VALUES.
Para maintindihan po
natin ang kalagayan ng isang tao, dapat nagtataglay po tayo ng pagkatao na
nakakaintindi o nakakakita sa kalagayan ng iba. Paniniwala mo na ang mga tao ay
dapat na ituring mga tao hindi hayop. May adhikain ka na masagot kung ano man
ang pangangailangan ng iba sa abot ng iyong makakaya, hindi sa abot ng iyong
makukurakot. Sabi ni Megan, when she treasure core values of humanity, dito nya
naiintindihan ang kalagayan ng mga tao, bakit ang mga taong ito ay ganon mag-isip
at ganon kumilos. Sa isang pamayanan na puno ng kaguluhan at
pagkakabaha-bahagi, ano sa tingin mo ang katangian o kinikilos ng mga tao dito?
Pag usapan natin ung mga taong apektado ng ganitong sistema. Una, dahil sa
kahirapan ang isang ordinaryong
tao ay natututong magnakaw, pumatay at kung ano ano pang hindi magagandang
bagay na puede nyang gawin para may makain o maka survive sa araw araw. Ang
ating pong nabanggit ay ilan lamang sa mga dahilan. Iyan po ang katotohanan na
nangyayari sa ating lipunan at hindi po lingid sa bawat isa sa atin yan.
Nakikita mo kung paano sila namumuhay, at pagnagkagayon, nagkakaron ka ng
simpatiya na masolusyunan ang problema ng iyong kapwa at hindi lang sa kanilang
mga sarili kundi para din nman makatulong pa sa iba na may kagaya din nilang
kalagayan o mga suliranin. Magkaron ng pagkakaisa ang bawat. To be as one,
together we shall help society. This is an impartation act, meaning to say,
hindi lang nagtatapos sa iyong sarili, kundi para sa iba at sa iba pa sa
kabuuan.
Hindi na bago sa pandinig natin ang kasagutan ni
Meagan sa Miss World, pero ang tanong naiintindihan po ba natin ang kahulugan
ng sagot na ito? This is a selfless act. Sa sagot ni Meagan, mapapansin natin
na She used the word “THEIR” once, “THEY” 3x, and the word “OTHERS” 4x Sa inyo
ko po iiwan ang pakahulugan ng mga salita na ito batay sa inyong pagkakaintindi
at ating tinalakay. Hindi natin po kelangan mag-aral pa ng humanities para mas
maintindihan natin ang mga bagay na ito o nang human resource, kung saan
pinag-aaralan ang paksa ng CORE VALUES at Humanity. The very exact things na
punong puno ng pagtuturo about selflessness and how to think others is the
BIBLE itself ang salita ng ating Panginoon mismo.
Philippians 2:4 “Let each of you
look not only to his own interests, but also to the interests of others”.
I Peter 3:8 : “Finally, all of you, have unity of mind,
sympathy, brotherly love, a tender heart, and a humble mind.
Galatians 5:14 “ For the whole law is fulfilled in one word:
“You shall love your neighbor as yourself.
Kaya mo ba gumawa ng mabuti para sa iba? Para sa kapwa mo o
kaibigan mo? For us to be able to have
this character, we need a big heart for others which means LOVE. Unconditional LOVE. Ang atin pong Panginoong Hesus ang isang
pinaka the best na halimbawa ng selflessness at greatest LOVE. This is more than just ah core values of
humanity but this is the greatest gift for humanity. Na inisip ang para sa
kapakanan nating lahat, ng kapatawaran ng ating mga kasalanan at kaligtasan
nating lahat. John 15:12-14 ““This is my
commandment, that you love one another as I have loved you. Greater love has no
one than this, that someone lay down his life for his friends. You are my friends
if you do what I command you. John 3:16, we all know about this. Kagaya ni Meagan Young, crowned as Miss World
2013, tayo din po ay tatanggap ng ganitong gantimpala sa ating amang nasa
langit sa pagdating ng araw sa kanyang pagdating. 1 Peter
5:4 - And
when the chief Shepherd shall appear, ye shall receive a crown of glory that
fadeth not away. We are not receiving Miss World crown, but we are receiving
the best crown of all, which is the crown of righteousness and salvation.
Hanep Blogger hehe - LIBISYO Gang
TumugonBurahin