Lunes, Oktubre 7, 2013

The Ultimate Sacrifice

The Ultimate Sacrifice. 


Hindi pa din lubusang natatapos ang sigalot sa pagitan ng ating gobyerno at nang grupo ng MNLF sa Mindanao, ilang linggo na din ang nakakalipas at madami na din ang mga naging apektado, mga ordinaryong tao at maging sa hanay ng mga sundalo na nakikipaglaban sa mga rebeldeng MNLF. Madaming nagbubuwis ng buhay dahil sa pagtatanggol sa bayan sa kabilang banda naman sa kanilang idolohiya na ipinaglalaban sa mababaw man o malalim na kadahilanan. At dito sa mga pagkakataong ito, may mga taong tapat sa tungkulin lalo na sa ating mga kasundaluhan na handang magbuwis ng buhay, iwan ang pamilya para sa pagtatanggol sa bayan. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking nabasa sa isang artikulo sa isang social media tungkol sa isang magiting na sundalo sa katauhan ni Captain. Robert Eduard Lucero. Ang labanan ay naganap sa Carmen, North Cotabato at dito inatake ng 400 na MILF ang Brgy. Sinepetan at dahil dito ay nalalagay sa panganib ang buong Brgy dahil sa lakas at dami ng pwersa ng kalaban. Nung mga panahong yun ang Commanding Officer ng 6th Scout Ranger company,1st Scout Ranger Regiment ay si Capt. Robert Eduard M. Lucero. Nagdesisyon si Capt. Lucero na salubungin ang 400 na MILF dala ang kanyang 14 na Ranger bago paman sila umabot sa mga civilian isa itong ika nga suicide mission para lang sa kapakanan ng mga sibilyang madadamay sakaling umabot sa Brgy. Sinepetan ang bakbakan. hindi paman nakakarating ang mga rebelde inatake na sila ng mga Scout Ranger sa pangunguna ni Capt. Lucero. Sa dami ng machine guns at mortar ng kalaban, nakipagbakbakan ang tropa ni Capt. Lucero ng 9 na oras. Nung nakita ni Capt. Lucero ang huling gunner ng machine gun ng kalaban na naging sanhi sa padami ng padami nilang wounded at sa paubos na din ang bala ng tropa, ginapang ni Capt. Lucero ang posisyon ng kalaban at mag isang inagaw ang Machine gun ng kalaban at yun ang ginamit nya laban sa mga rebelde. Sa dami ng napatay ni Capt. Lucero sa panig ng kalaban kasama na ang MILF commander na si Kumander Mangyan. Napilitang umatras ang mga rebelde. Pero habang nagko-cover fire si Capt. Lucero para sa mga kasama nyang sugatan. Sya ang naging sentro ng mga sniper bago umatras ang mga rebelde tinamaan sa ulo si Capt. Lucero na agaran nyang ikinamatay. Nakatanggap ng MEDAL OF VALOR si Capt. Lucero nang dahil sa kanyang katapangan at kabayanihan.

29 na rebelde lahat ang napatay ni Capt. Lucero at ng kanyang tropa. At ang pinakamahalagang sakripisyong ginawa nya na maligtas ang buong Brgy. Sinepetan sa kamay ng mga rebelde kahit kapalit ang kanyang buhay. ( PMA class HINIRANG) at dahil dito bilang pagpupugay at pagkilala sa kanyang kabayanihan (Pinangalan ang isang Army Camp sa Carmen kay Capt. Lucero).
Napakasarap pong isipin na may mga tao pa pala sa ating bansa na handang magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng iba. Kung madalas at karaniwan na nating nababalitaan sa mga pahayagan  at napapanood sa TV ang mga katiwalian ng ibang alagad ng batas na nasasangkot din sa mga krimen at iregularidad, naniniwala po tayo na may mga ilan pa din naman na totoong tapat at tumutupad sa kanilang tungkulin.  Nagkataon lang na sila ay nadadamay sa sistema ng ilan nilang mga kasamahan na gumagawa ng mga kabuktutan na imbes na maglingkod sa bayan ay sila pa mismo ang numero unong nagiging kalaban ng taong bayan. At hindi lamang sa mga awtoridad may mga iregularidad at alam na alam natin lahat yan. Na ang tungkulin sana ay mag angat ng buhay ng mamamayan subalit sila pang ang numero unong nangunguna sa pagnanakaw sa taong bayan.  Imbes na sila ang bumuhay sa bayan sila pa ang pumapatay.  Halimbawa na lamang yung pondo sa pork barrel na yan na napunta sa ilang bulsa ng mga kawatan kung nailagay lamang din sa mga ospital para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng gamot, ung mga taong walang inaasahan at naghihintay na lamang ng pagpikit ng kanilang mga mata dahil sa hindi makabili ng mga kailangang gamot o hindi maoperahan e di sana ay nagkaron pa ng pagkakataong mabuhay an gating mga kawawang kababayan na ito na umaasa lang sa tulong ng ibang tao. E ganon na siguro talaga ang labanan ngayon sa ating pamunuan, palakasan ng sikmura at pakapalan ng mukha. Naging ating mga lider hindi upang
Paglingkuran tayo at ialay ang sarili kundi para paglingkuran ang kanilang mga sarili. Hindi po natin maiwasan na banggitin ang mga bagay na yan kahit sawang sawa na tayo na madinig ang paulit ulit na sakit ng ating lipunan. Naniniwala po tayo na darating ang panahon ng paghatol ng Panginoon sa mga taong ito na walang ginawa kundi magpahirap sa kanyang kapwa.

Ngayon balikan po natin ang ating pinupunto sa ating mga magigiting na alagad ng batas. Ang pagbubuwis ng buhay ng mga kapulisan o kasundaluhan ay hindi biro at isang napakalaking sakripisyo hindi lamang sa kanilang mga sarili kundi sa kanila din namang pamilya.  Sa oras na sumabak ka sa isang misyon, hindi sila nakakasiguro na makakabalik pa sila ng buhay sa kanilang mga pamilya at yan po ang masakit na katotohanan. Ang mahirap kasi sa atin at nakaugalian na, hindi nakikita ng mga nasa katungkulan ang mga sakripisyo na ginagawa ng mga taong ito, kung nakikita man nila, hindi nila ito nabibigyan ng karampatang atensyon. Nakakalungkot isipin na napupukaw lamang ang atensyon ng ating gobyerno sa oras na hindi palarin ang isa o higit pang tagapagtanggol ng bayan sa hanay ng mga pulis at mga sundalo. Kadalasan, kung kelan patay na ang mga ito saka pa nakakatanggap ng pagkilala at pagpapahalaga. Gaya po ng aking sinabi knina, ito po ay isang masakit na katotohanan, hindi po biro sa isang naulilang pamilya ang ganitong sitwasyon dahil alam nila na hindi na kailanman maibabalik pa ang buhay ng kanilang mahal sa buhay. Sakripisyo. Hindi lamang po sa ating mga otoridad, madami po tayong alam na mga taong nag alay ng buhay para gumanap lamang ng may katapatan sa kanilang serbisyo, kapalit ng kanilang buhay, nagsasakripisyo para sa mga taong hindi nila kilala at hindi nila kaano ano subalit may puso para maglingkod sa kapwa. Noong mga nakaraang araw, akin pong binalikan ang kwento ng September 11 attack sa US, sa pinanood kong documentary na  pinamagatang the 9/11 Conspiracy Theory. kung saan madaming nagbuwis ng buhay sa hanay ng mga fire volunteers or fire brigades sa gumuho na WTC twin towers. Kung inyo po itong napanood or nabasa marahil alam na po ninyo ang tunay na nangyari sa mga oras na iyon at ito ay hindi act of terrorism na binabato nila sa Al qaeda network or sa paksyon ni Bin Laden o nang Jemaah Islamiya. Dito ay malaking cover up na naganap. Sa madaling salita, ito ay inside job. Dahil sa interes ng iba na hindi makatao, madami ang nagsasakripisyo kapalit ng kanilang mga buhay, mga taong tapat sa serbisyo na handang mamatay sa ngalan ng tungkulin.

Ang tanong ngayon, sino sa atin sa mga oras na ito ang handang mag alay ng buhay para sa kapakanan ng iba? Kaya mo bang isuko ang lahat para sa higit na kapakinabangan? Madaling sabihin na Oo, kung may pagkakataon pero ibang usapin na kapag dumating na ang oras at hinihingi na ng pagkakataon kung saan ikaw ay mamimili na. Ang buhay mo para sa buhay ng iba. Ang buhay mo o ang buhay nila. Sa mga taong kagaya ni Capt. Lucero, simpleng simple lang nman ang kasagutan kung sya ay nabubuhay pa sa ngayon. At sigurado kung sya ang aking tatanungin, alam kong handa syang magsakripisyo, ang kasagutan? Sya po ay nagbuwis na ng buhay. Marahil iisipin natin na tungkulin nila ang magtanggol sa bayan at ang kamatayan ay kaakibat na ng kanilang sinumpaang tungkulin. Hindi po, sapagkat maaari kang maglingkod ng hindi nakasalalay ang iyong buhay gaya ng ginagawa ng iba, maraming paraan, subalit iilan lamang ang makagagawa nang ganitong dakilang bagay bilang tao, sila yung mga taong may malalaking puso at pag-ibig sa kanilang kapwa at sa bayan. Sacrifice!.

Naalala ko po ang ginawang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus na nag alay ng kanyang buhay para sa ating mga kasalanan, para sa ating kaligtasan. This is the most ultimate expression of sacrifice.  How could you imagine na ang Panginoong Hesus, dumating sa mundo para sa isang misyon na iligtas tayo sa tiyak na kapahamakan, kapahamakan na walang hanggan dahil sa ating mga kasalanan. Nakikita po ba natin ang ating mga sarili? Tayo mga ordinaryong tao na makasalanan, makasarili at lapastangan pagkatapos ang tutubos sa ating lahat ay ang ating Panginoong Hesus? Sino po ba tayo? Subalit hindi po nakita n gating Panginoong Hesus ang ating kalagayan, kung sino ikaw o ako, kung ano tayong lahat sa kanyang harapan. Ang kanyang nakita sa bawat isa sa atin ay ang ating pangangailangan. Ang lubos na pagmamahal ng ating Panginoon sa bawat isa sa atin ang naging dahilan upang ibigay nya sa atin ang kanyang bugtong na anak para ikaliligtas ng lahat at buhay na walang hanggan. John 3:16. Ganon tayo kamahal ng Panginoong Hesus, dapat sana tayo ang nakapako dun sa Krus subalit kanya itong inako upang tayo ay magkaron ng kapatawaran at kaligtasan. Ang pag aalay ng buhay ng ating Panginoong Hesus ay hindi lamang limitado sa isang baranggay o sa isang siyudad o bansa? Ang pinag uusapan po natin dito ay buong mundo ang sangkatauhan na kanyang tinubos at pinag alayan ng buhay. Sabi ko nga po this is the ultimate sacrifice. We cannot do it by ourselves by our good works, hindi natin kaya na iligtas ang ating mga sarili sa kapahamakan kaya walang dapat magmapuri sa atin lahat. Sa oras nga na nagmapuri kana eh kasalanan na din. It is because by the grace of God we are saved dahil sa pananampalatay mo sa ating Panginoon. Ephesians 2:8-9 - For by grace are ye saved through faith; and that not of yourselves: [it is] the gift of God:

Panghawakan lang natin ang salita ng ating Panginoon at magtiwala sa ating kataas taasang Diyos, tayong lahat ay mgkakakaron ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. John 5:24 - Verily, verily, I say unto you, He that heareth my word, and believeth on him that sent me, hath everlasting life, and shall not come into condemnation; but is passed from death unto life. Walang ginawa po ang ating Panginoong Hesus kundi ang para lamang sa ating kabutihan at kaligtasan, dahil sa kanyang pagmamahal bilang kanyang mga anak. That’s how he spared us not only from physical death. When we trust and acknowledge Him but most of all sa spiritual death, He turned our future into a promised of everlasting life. When our Lord Jesus Christ died on the cross, lahat po nang iyan ay atin pong tatanggapin. We just need to be consistent in God’s way and righteousness.

Wag po tayong mawalan ng pag-asa, ang ating Panginoong Hesus ay hindi natutulog kaibigan. Lumapit ka sa kanya na may pagtitiwala, dahil bilang Panginoon ng ating buhay siya din ang ating tapat at tunay na kaibigan, kaibigan na nag alay ng buhay para sayo iyo, para sa akin. John 15:13 Greater love hath no man than this, that a man lay down his life for his friends.

Our Lord Jesus, expressed the real meaning of ultimate sacrifice by dying for our sin that we may have everlasting life.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento