TRUST IN GOD.
For he will hide me in his shelter in the
day of trouble; he will conceal me under the cover of his tent; he will lift me
high upon a rock. Psalm 27:5
Gusto ko po kayong basahan ng isang istorya na aking
nabasa tungkol sa isang taong survivor sa lumubog na barko. Itoy
isang maikling kwento lamang na nais ko pong ibahagi sa inyo at marahil ay
narinig na ninyo subalit sanay maging paalala sa bawat isa sa atin. Papangalanan
natin ang ating survivor na si Juan, hindi po si Juan Dela Cruz. Sya po ang
kaisa isang nakaligtas sa lumubog na barko, at nang siya po ay makarating sa isang
malayong isla, na walang nakatira o msasabi nating isolated island, walang tao,
si Juan po ay nanalangin sa ating Panginoon na siya ay iligtas sa lugar na
iyon. Subalit lumipas ang mga araw walang dumating na tulong. Sa madaling
salita, walang rescue wala lahat at wala na din syang mgagawa kundi manatili sa
lugar na iyon. Nang lumaon napagpasiyahan na lamang ni Juan na magtayo ng bahay
kubo para siya ay may masilungan at proteksyon na din sa kapaligiran at
panahon. At yun ang kaniyang naging tahanan. Isang araw, pagkagaling nya sa
paghahanap ng makakain at nang makauwi si Juan nakita nya na ang kanyang bahay
na gawa sa mga kawayan at dahon ay nasusunog at ang usok ay pumapailanlang sa
himpapawid. At dahil sa kanyang nasaksihan sya ay nagkaron ng galit at
pagtatanong sa ating Panginoon nagkaron ng sama ng loob. Siya ay umiiyak na
nagwika “Panginoon pano mo nagawa sa akin ito?” Malamang sa mga oras na iyon
pakiramdam nya, puro kamalasan na lang ang kanyang inaabot at siya ay
pinabayaan na ng ating Diyos. Kinabukasan siya ay ginising ng mga rescuers, at
sya mismo ay nagulat at nagtanong, “Paano ninyo nalaman na ako ay naririto sa
lugar na ito?’ Ang sagot ng mga rescuers?....Nakita namin ang usok sa
himpapawid at dito namin natunton ang iyong kinalalagyan.
Ano po ang aral na makukuha natin sa kwento na ito at
nang koneksyon nito sa ating mga buhay? Madalas iniisip natin na lahat na ata ng problema sa
buhay ay dinala na natin o pinararanas sa atin ng ating Diyos. Hindi mo lubos
maisip sa sarili mo na sa dinami dami ng tao sa mundong ito, bkit ikaw pa ang
nakakaranas ng mga ganyang bagay. Ang dami nating katanungan sa buhay. Bakit
mahirap ako? Bakit may sakit ako, bakit ganito ang problema ko? Lahat ng
lumalabas sa ating mga sarili ay puro katanungan.
Pastor
Lud Golz wrote, “Sometimes God’s love almost seems like hatred because of the
difficulties He allows to come our way. The final result, however, always
confirms its true nature.”
Dito
natin nakikita na may kadahilanan ang lahat ng bagay, na hindi lahat ng
nangyayari sa iyo ngayon ay upang parusahan ka ng ating Panginoon, o tuluyang
tinalikuran ka na ng ating Panginoon. Sinasabi mo sa sarili mo na Panginoon,
mabuti nman po akong tao, at kailanma’y hindi ka gumawa ng masama sa kapwa mo
subalit bakit ko nararanasan ang mga bagay na ito? Kagaya ng katanungan ni Juan
sa ating kwento nagtatanong din tayo, Panginoon bakit mo nagawa sa akin ang mga
bagay na ito.
Nauunahan
tayo ng kawalang pag-asa, ng takot at pangamba at iyan ang naturalesa ng isang
tao, lalo na kung wala kang matibay na pananampalataya sa ating Panginoong
Hesus. Mahirap magsaya pag may problema ka, hindi ka makatulog at ikaw ay walang kapanatagan. Ang hirap sa isang tao, sapagkat
ang karaniwang problema at mga mabibigat na suliranin ay hindi lamang natatapos
ng isang buong maghapon, matutulog ka at gigising ka na may problema ka pa din.
Pagod na pagod ka na. Kaibigan…makinig kang mabuti, nakikita ng ating Panginoong
Hesus ang iyong kalagayan, alam nya ang iyong pinagdadaanan, alam nya na ikaw
ay nasasaktan. Alam nya ang iyong karamdaman, ang lahat lahat sa iyo. Bakit?
Anak ka nya eh, mahal na mahal ka ng Panginoon. Gusto ng Panginoong Hesus sa
mga oras na ito na lumapit ka sa kanya, wala kang ibang gagawin kundi ang
kausapin sya at abutin mo ang kanyang mga kamay sa pamamagitan ng iyong puso.
Ang
kailangan lamang nya sa iyo ay ang iyong buong pusong pagtitiwala. Ang lingkod
ng Panginoon na si Job sa bible ay dumanas ng matinding mga pagsubok sa buhay,
hindi lang kanyang mga kayaman, pati ang kanyang pamilya at kanyang sariling
kalusugan ay dumanas ng dagok sa buhay. Subalit sa mga bagay na iyon ano ang
sabi ni Job? Job 13:15” Hindi ako matatakot kahit ako man ay patayin. Job 1:21
“Hubad akong lumabas sa tiyan ng aking ina, hubad din akong babalik sa alabok,
ang Diyos ang nagbibigay, siya rin ang kukuha.
Kadalasan,
May mga nangyayari sa ating buhay na hindi natin maunawaan. Gayon man, sa halip
na pagdudahan ang kabutihan ng ating Diyos dapat ang ating maging reaksyon ay
ang pagtiwalaan sya. Kay Yahweh ka magtiwala ng buong puso at lubusan at huwag
kang mananangan sa sariling karunungan. Siya ay sangguniin sa lahat mong mga
balak, at kanyang itutumpak ang lahat mong mga lakad. (Kawikaan 3:5-6). Hindi
natin kailangan gumawa ng sarili nating mga kaparaanan, kung sa tingin natin
walang tulong na darating sa ating Ama na nasa langit, kadalasan ito pa ang mas
lalo natin kinapapahamak. Panghawakan natin ang salita mga salita ng ating
Panginoon. Pananampalataya at taos pusong
panalangin ang iyong magiging spiritual smoke na papailanlang sa kataas-taasan
kagaya ng istorya na ating napakinggan.
Trust in him at all times, O people; pour
out your heart before him; God is a refuge for us. Psalm 62:8
For he will hide me in his shelter in the
day of trouble; he will conceal me under the cover of his tent; he will lift me
high upon a rock. Psalm 27:5
God is our refuge and strength, a very
present help in trouble. Psalm 46:1.
This is the right time kaibigan para
ibigay mo ang buong tiwala mo sa Panginoon na sa kabila ng lahat ng iyan
mayroon naghihintay na pag-asa at kasagutan sa ating mga suliranin at
pangangailangan. God want’s to wipe out your tears right now. He loved you and
will always be.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento