Lunes, Oktubre 28, 2013

Who Do You Vote?

WHO DO YOU VOTE?


Katatapos lamang ng official baranggay election sa ating bansa, at ayon sa ating pagmamasid ay naging maayos naman ang pagdaraos ng baranggay election sa kapuluan maliban lamang sa ilang mga lugar na hindi maiwasan na magkaroon ng problema, kagaya na lamang ng balitang pagpapaliban ng eleksyon sa Bohol ayon kay Comelec Chairman Sixto Brilliantes Jr.na inanunsyo noon mga nakaraang pang araw, at ayon sa kanya ang paliwanag ay kanilang idadaan sa isang formal resolution. Matatandaang kamakailan lang ay malubhang naapektuhan ang Bohol sa 7.2 magnitude earthquake na tumama dito. Brillantes said the commission will issue a formal resolution ordering the postponement and setting of a new schedule for the barangay polls in Bohol as well as in Zamboanga City, which is still recovering from a three-week rebel siege last September. The Comelec earlier deferred the barangay elections in Zamboanga City after more than 400 Moro National Liberation Front rebels belonging to the Nur Misuari faction stormed Zamboanga City last Sept. 9 to seize the city hall and raise the flag of an “independent Bangsamoro Republik.” (Under the Philippine Star source).

Masasabi natin na hindi talaga maiwasan ang mga aberya o problema tuwing nagdaraos tayo ng eleksyon sa ating bansa. Hindi pa kasama dyan yung tinatawag nating election related violence, kung saan marami ang napapatay at nasusugatan na may kinalaman sa pulitika. Take note mga kaibigan, this is baranggay election, subalit ang labanan ay humahantong pa sa pagbubuwis ng buhay.

Ngayong ang malaking porsyento ng taong bayan ay nakaboto na sa kanya kanyang nasasakupan, ang tanong ngayon, ANO NA ANG SUSUNOD? Masasabi ba natin sa ating mga sarili kahapon na habang tayo po ay nagsusulat sa ating mga balota na karapat dapat ang ating mga hinalal? Mula sa Punong Baranggay hanggang sa mga kagawad? Ano po ba ang pamantayan kung nais nating ihalal ang isang tao upang mamuno? Noong national election atin ding pong nabanggit ang mga katanungang ito. Bakit po natin muli ito binibigyan ng pansin? Sapagkat dito po nakasalalay ang kaayusan ang kalagayan ng ating mga buhay sa ating mga baranggay. Ano ba ang pamantayan natin sa pagboto? Kaibigan mo? Kakilala? Sa ganang atin, sa oras na sinimulan mo ang pagsusulat ng unang letra ng pangalan ba balota, dito din nagsisimula ang pag guhit mo ng iyong nais na tahakin na buhay para sa iyong baranggay, sa pamunuan at pangangailangan. Kaya ang ating pong katanungan? Ano na ang susunod? Tayo po ba ay may mga ngiti pa ding makikita sa ating mga labi? O ngiting aso? Tayo po ba ay magsasasaya? O magiging matamlay pagkatapos ng lahat? Atin pong inuulit, sa atin pong mga desisyon nakasalalay ang paglalagay ng mga taong nais nating mamuno at maging lider ng ating bansa o maging sa pinakamaliit na lugar na ating nasasakupan.  Kawikaan 29:2 “Kapag matuwid ang namamahala, nagsasaya ang madla, ngunit matamlay ang bayan kung ang pinuno ay masama.
Dito po natin malalaman yan, kung tayo po ay magiging Masaya o magiging matamlay. Malinaw po ang sinsabi ng salita ng Panginoon, kaya huwag na po tayo magtaka kung bakit kadalasan ay walang pagbabago sa ating lipunan at buong bansa. Kung nais po nating magkaron ng pagbabago, dapat po itong magsimula sa ating mga sarili.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang ilan sa aking nabasa sa social media na 8 katangian ng isang matuwid na lider o pinuno.
1.   MAY TAKOT SA DIYOS.
Nahahayag sa buhay nya ang pagsunod salita ng ating Panginoon.  2 Samuel 23:3-4 “Ang Diyos ng Israel ay nagsabi, sa akin ay nagsalita ang bato ng Israel, kapag ang namamahala sa sangkatauhan ay matuwid, na NAMAMAHALANG MAY PAGKATAKOT SA DIYOS, kung magkagayon ay gaya iyong ng liwanag sa kinaumagahan kapag sumisikat ang araw, Isang umaga na walang ulap. Mula sa liwanag, mula sa ulan ay may damo mula sa ulap.

Kapag wala palang pagkatakot sa Diyos ang pinuno na ating inilagay, ay wag na tayong umasa pa na may pagbabago, o bagong umaga na gigising ka na may panibagong pag asa na darating. Yan ang karamihan at kadalasan nating nadidinig sa mga nagnanais maging lider, nangangako ng pagbabago at pag asa, sabi nga ng isang slogan ng isang kandidato dati, may bagong pag asa o umagang parating. Biblically speaking this will be true, kung sila may may PAGKATAKOT SA DIYOS. Malinaw na malinaw po iyan, Fear of the Lord not fear for a drug Lord na humahawak sa kanila or nagpopondo sa knila.

2.  MAY MALASAKIT AT PAGMAMAHAL SA BAYAN.
Tunay ba siyang Pilipino, sabi nga nila. SA isip? Sa salita at sa gawa? Gaya din ng sinsabi sa “Deutronomy 17:15. Tunay at hindi banyaga, anong pakahulugan nito?  Kapag sinabing tunay na Pilipino, hindi lamang yan sa lahi na pinagmulan mo kung tunay o hindi ang pinag uusapan dito kung ano ang iyong pagkatao? Paano ka magi sip? Paano ka magsalita? At kung nagagawa mo ang mga dapat mong gawin. Hndi puro plano, o eroplano, now you see, now you dont. hindi puro plataporma o puro porma kundi samakatuwid ay may pag gawa, hindi kpahintulutan na magtalaga ng isang lider o pinuno ng wala ang mga bagay na ito.

3.  MAY KAKAYAHANG MAMUNO.
May kakayahan ba siyang patakbuhin ang pinagkatiwalang tungkulin sa kanya?

Mark 9:35 “And He sat down and called the twelve, and He said to them, if anyone would be first, He should be last of all and servant of all. Mark 10:45 “For even the son of man came not to be served but to serve and to give his life as a ransom for many. Bakit kaba naghahangad na mamuno? Para ba sa sarili mo? O para maglingkod sa iba? Sapagkat ang numero unong tungkulin ng isang pinuno ay ang maglingkod at tuparin ang kanyang sinumpaang tungkulin nag paglilingkod sa kanyang kapwa.

4.  MAGALING MAMAHALA SA SARILING PAMILYA.
Nakakatugon ka ba sa pangangailangan ng iyong pamilya sa maayos na paraan? Sa kadahilanang paano mo mapaglilingkuran ang ibang tao kung sa iyong sariling pamilya ay hindi mo magawa ang iyong katungkulan? Ang iyong napiling mamuno ba na sinulat mo kahapon sa balota ay huwaran? O huwad? Siya ba ay tapat sa kanyang asawa? At anak? Hindi alipin ng anumang bisyo? O baka nman pare pareho silang adik sa pamilya? Mataas ba ang antas ng moralidad o mataas ang kinikita sa immoral na paraan? 1 Timothy 3:4 “Isang lalaki na namumuno sa kanyang sariling sambahayan sa MAHUSAY na pamamaraan, may mga anak na nagpapasakop ng buong pagkaseryoso. Samakatuwid, ang buhay mo sa iyong pamilya at nagiging salamin kung ano ang magiging itsura ng iyong pamayanang nasasakupan kung ikaw ay maging pinuno.

5.  MAY INTEGRIDAD
Hindi nangungurakot sa bayan o hindi nsasangkot sa katiwalian. Psalm 89:14 “ Ang katwiran at ang kahatulan ang siyang tatag na dako ng iyong trono, ang maibiging kabaitan at ang KATAPATAN ay dumarating sa harap ng iyong mukha. Dito mga kaibigan madaming sumasablay sa mga lider natin kuno, na kaya lang gusto mapasa pwesto ay upang magkamal ng kayamanan sa malinis na paraan. Opo mga kaibigan malinis… ibig sabihin, walang nakakaalam malinis ang pagkakatrabaho. Nasa iyo kaibigan kung kasama pa din sya sa iyong balota kanina. Sana po natututo tayo sa mga ganitong bagay, sapagkat ang salita ng ating Panginoon ay nagpapaalala din naman sa atin at nagbibigay ng gabay.

6.  MASIPAG
Ginugugol ang panahon sa pag ganap sa tungkulin. Colosians 3:23 “Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men. Sapagkat ang mga taong gumaganap ng may kasipagan sa kanilang tungkulin o anumang tamang Gawain ay nagtataglay ng pusong mapaglingkod, una sa paglilingkod sa kalooban ng Diyos at ang kalooban naman ng Diyos na pagpalain ang mga tao. Masipag hindi masipag sa katiwalian. Sabi nga nila double time in serving hindi double time or double crossing.

7.  TINUTUPAD ANG SINASABI
Mayroong isang salita sa pagtupad sa pangakong binitiwan, may kakayahang ipatupad kung ano ang tama, may lakas ng loob at pagpapakumbaba na tanggapin ang kamalian at ito ay itama.
Numbers 23:19 “God is not man, that he should lie, or a son of man, that he should change his mind. Has he said, and will he not do it? Or has he spoken, and will he not fulfill it?  Ating naisin na an gating mga lider na pinili ay may isang salita na kung ano ang makakabuti sa kanyang nasasakupan ay matupad at hindi lang isang pangarap o pangako na lagi na lamang napapako, ipinapatupad kung ano ang tama at walang kinikilingan, at higit sa lahat may pagpapakumbaba na handang tumanggap ng pagkakamali at itama ang kamalian para sa kapakanan ng nakararami. Hindi ung kung siya na ang may kasalanan ang dami pa niyang palusot at katwiran.

8.   WALANG PINAPANIGAN
Maaasahang magiging patas sa anumang pagpapasya. Proverbs 31:8-9 “Ibuka mo ang iyong bibig para sa pipi, sa usapin niyaong lahat na pumapanaw, ibuka mo ang iyong bibig, humatol ka nang matuwid at ipagtanggol mo ang usapin ng napipighati at nang dukha. Dito pumapasok ang interes ng iyong paglilingkuran, hindi nang iyong sarili, hindi ng iyong pamilya, ng iyong kaibigan, ng iyong pinagkakautangang loob. Kung ano ang tama dapat ang pinuno mo ay panig lamang sa katotohanan at sa tama. Walang palakasan, sabi nga ni Erap dati, walang kama kamag anak, walang pamilya, ang batas ay para sa lahat. Sabi naman ni Mayor Lim dati, the law applies to all, otherwise none at all. Balanseng paghatol, nagbibigay ng tamang katwiran dun sa tunay na nangangailangan at naaagrabyado, patas na hustisya. Lahat po tayo ay naghahangad ng pagbabago, nang maayos na pamayanan at mapayapang pamumuhay. Ang lahat ng bagay na iyan ay ating pinagpasiyahan knina matapos tayong bumoto. Ang ating panalangin ay nahalal ang mga karapat dapat na mamuno sa atin na may katangian ng lahat ng ating nabanggit, una at higit sa lahat ay may pagkakakilala at pagkatakot sa Diyos na una sa listahan sapagkat naniniwala po tayo na kung una ang Diyos sa lahat, ang bunga ay ang mga sumusunod sa 2-8.  Ang paglilingkod sa bayan sa kapwa ay walang hinihintay na kapalit, sapagkat ang Panginoon mismo ang magbibigay ng gantimpala sa tumutupad sa tungkulin nang may kalakasan. 2 Chronicles 15:7 - Be ye strong therefore, and let not your hands be weak: for your work shall be rewarded.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento