Huwebes, Oktubre 24, 2013

KEEP ON WALKING

DONT BE AFRAID, KEEP ON WALKING


Gusto ko po muli magbahagi sa inyo ng maikling kwento tungkol sa aking nabasa sa isang Christian booklet na Our Daily Bread, tagalog edition. Ito po ay tungkol sa isang ina at kanyang anak na bata pa.  Siguro mga 5 years old lamang yung bata kung ating ivivisualize. Ang kwento, habang naglalakad ang mag ina o namamasyal, ang bata ay tuwang tuwa, palundag lundag, pakanta kanta at msasabi nating hindi alintana kung gano kalayo na ang kanilang nararating sa pamamasyal dahil sila ay masayang naglalakad. Hanggang sa dumating ang oras na yung bata sa kanilang paglalakad ay napahinto at natakot, nangunyapit sa kanyang ina, ang kaninang  msaya at puno ng sigla na mukha ng bata ay napalitan ng takot at pag aalala. Ang dahilan? Nakasalubong sila ng isang lalaki na may dalang aso, isang malaking aso na mabangis ang itsura na naging dahilan upang matakot ang bata. Halos ayaw na maglakad at napahinto na lang ang mag ina kahit pa pinipilit syang aluin ng kanyang ina upang magpatuloy sa paglakad ay hindi na nya magawa pa.
Naalala ko din po mga kaibigan, nung ako ay maliit pa tuwing kasama ko ang nanay ko sa pamamasyal pag ako nakakita ng estatwa ay natatakot ako, ayaw ko nang dumaan pa sa lugar na iyon o maglakad pa, ganon siguro ang mga bata pag may nakikitang sa tingin nila ay hindi maganda sa kanilang paningin. 

Mga kaibigan, ang ating maikling kwento ay may malaking pagkakahalintulad sa ating mga buhay.  Madalas sa paglalakbay natin sa mundong ito, punong puno tayo ng kagalakan at kasiyahan habang tayo ay namumuhay subalit ang katotohanang sa pagsapit ng mga hindi magagandang bagay na ating nakikita o mga dumadating sa ating harapan na nagbibigay sa atin ng takot ay dagling napapawi ang ating mga kasiyahan at itoy napapalitan ng pagkatakot at kalungkutan. Takot tayong masaktan, takot tayong mabigo. Takot tayo sa mga problema na dumarating sa ating buhay sapagkat hindi natin alam kung paano natin haharapin at paano natin malalampasan ang mga bagay na ito. Kagaya ng bata sa ating kwnto, bigla nlang tayo humihinto at hindi na nagpapatuloy pa.

Mga kaibigan, sa panahon ngayon hindi lang ikaw o ako ang may kinatatakutan o problema, ang dami sa mundong ito ang may magkakahalintulad na sitwasyon, subalit ang katanungan na lang ay paano natin ito hinaharap? Kung sinasabi ng iba na hindi mo kaya o wala nang pag asa pa, tayo po ba ay naniniwala na wala na talagang pag-asa? Kadalasan ung mga taong dapat sanay sumusuporta sayo para ikaw ay tulungan at iangat sa pagkakabagsak mo ay sya pa ang tuluyang nagdidiin sayo sa putikan o tuluyan kang hinihila pababa. Yan ang mga dahilan kung bakit ayaw na natin lumaban pa, kasi ung mismong dpat sanay kakampi natin o sa panig natin ay siyang numero unong nagpapahirap sa atin. Imbes na magpatuloy tayong lumaban at bumangon, tuluyan tayong nalulugmok, para tayong nakakita ng mga hayop o asong mabangis sa daan na anumang oras ay puede tayong sagpangin.

Sabi nga nila ang buhay ay parang isang karera, na kung sino ang mauunang makarating sa dulo o sa finish line siyang magwawagi. Habang tumatakbo ka, dumarating sayo ang pagod, dumarating ang mga bagay na naglalaro sa isipan mo, kaya ko ba? Kaya ko bang tapusin? Kinakausap mo ang sarili mo na pagod kna at baka hindi mo na kayanin pa, subalit patuloy kpa din tumatakbo at umaasa na aabot ka sa finish line.

Katotohanan din sa buhay na sa ating pagtakbo at pagpapatuloy ay may kaakibat na paghahanda, mental at pisikal. Ako man po mga kaibigan nung sumali ako sa aming fun run sa aming kumpanya, akala ko ganon kadali, akala ko kaya kong tapusin ng mabilisan, subalit nung Makita ko ung layo ng dapat ko pang takbuhin parang nanghina loob ko, kasi alam ko na kakapusin ako ng resistensya, at nakikita ko din ung mga iba kong ksama ay huminto na ung iba nman ay nandadaya may shortcut para lang manalo. Sa mga oras na iyon naisip ko, is it worth? Na magpapagod akong lumaban pero ung iba nandadaya? Hindi ba ganyan sa ating mga buhay? Ang daming mga taong hindi lumalaban ng parehas, daming nagnanakaw ng pagkakataon at ung iba pang literal na magnanakaw, magnanakaw sa gobyerno at magnanakaw sa kapaligiran mo, nakakatakot at nakakawalang gana. Pambihira nman nsa tinutuluyang bahay mo na ikaw, mananakawan kpa? Ang babangis ng mga taong ito diba? Don’t get me wrong mga kaibigan, hindi po tayo lumalayo sa ating paksa, ang pinupunto po natin dito ay ang mga bagay na nagiging hadlang upang hindi tayo makapagpatuloy sa ating lakarin sa ating takbuhin sa ating buhay dahil sa mga nakikita at nasasalubong natin sa daan. Anong daan? Sa daan ng buhay mo. Kadalasan kasi hindi lang aso na mabagsik ang nasasalubong mo eh, kundi LOBO mabagsik na LOBO.

Ngayon nman sa mga problema natin sa buhay? Kanina sa mga nakikita natin, sa kapwa natin na nagiging dahilan ng panghihina natin at pagkadismaya. Mismong sa ating mga sarili meron tayo nyan. Madali tayong tamaan ng panghihina at kawalang pag-asa. Naalala ko po nung nakaraan lamang  nung ang ating pong Your Friend Team ay bumisita sa lugar ng isa sa ating listeners at nakausap po natin ang may ari ng tahanan na hindi na po natin babanggitin ang pangalan sa aming kamustahan at pag uusap, nabanggit nya ang tungkol sa knyang anak, na masasabi nating mabuting tao, subalit dumarating talaga ang pagkakataon na may mga taong makakasama tayo na hindi makpagbibigay sa atin ng mgandang impluwensya, mga barkada na ika nga na magiging sanhi upang makagawa tayo ng isang bagay na pagsisisihan natin sa huli. SA paglalahad ng kwento saken ni Ate, ang kanyang anak ay nag aaply ng trabaho, subalit nahihirapan makahanap o matanggap sa dahilang madaming tattoo ang kanyang anak na dahil sa impluwensya ng knyang mga barkada, ang daming pgkakataon sana, subalit may mga kompanya na tumatanggi dahil sa kanyang mga tattoo sa katawan, sabi nga ni Ate, pinagsisisihan ng kanyang anak kung bakit sya nagpatatoo na nagiging dahilan upang hindi sya mapagbgyan na makpag trabaho. Madami ang nagsasabi na hindi na magkakarong ng hanap buhay ang kanyang anak, subalit ang isa sa nakakahangang bagay na binanggit ni ate, ay nang sabihin nya na ang kanyang tiwala ay nasa ating Panginoon. Sinasabi man ng iba na wala nang pag Asa at walang pagkakataon, subalit sa Panginoon wlang imposible kung tayo ay karapat dapat. Ang mahalaga ay nalalaman natin an gating pagkakamali and we learn from it, we ask for forgiveness from the Lord heartily, at alam ng Panginoon ang laman ng ating mga Puso kung tayo ay tapat at sinsero, and surely the favor of the Lord will be given unto us. If we have faith. Huwag po tayong matakot kaibigan, hindi ang kahinaan mo ngayon ang importante, hindi ang mga nagawa mong kasalanan, hindi ang sitwasyon mo ngayon, hindi ang problema mo ngayon, hindi ang lahat ng iyan na nagbibigay ng takot sayo, ang mahalaga ay ang pananalig mo sa ating Panginoong Hesus. Habang naglalakbay tayo sa ating buhay, kailangan nating maging matatag at matapang sa mga nakakasalubong natin or nararanasan natin sa ating mga buhay. Wag kang matakot, magpatuloy ka na may pananalig sa kanya. Isaiah 41:10 “Huwag kang matakot sapagkat akoy kasama mo, huwag kang mabalisa sapagkat ako ang iyong Diyos, aking palalakasin ka, oo ikaw ay aking tutulungan, ikaw ay aking aalalayan ng kamay ng aking katwiran”.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento