Linggo, Oktubre 6, 2013

POEA Processing

POEA PROCESSING. 


Sa mga kagaya kong OFW, kung ikaw ay naghahanda na ngayon ng iyong mga dokumento sa POEA para makakuha ng OEC or Overseas Employment Certificate, siguraduhing kumpleto ang iyong mga dokumento at tama ang lahat ng ito bago ka sumalang sa pag evaluate ng POEA personnel. Kung hindi baka madismaya ka lang at uminit pa ulo mo na sa pagkaaga-aga mo at maghapon ka nang nakapila sa pag aantay ay made deny din pala ang mga dokumento mo. Hindi ka kaagad makakapag PDOS or medical pag nagkataon. Sa mga aplikasyon na dumadaan sa pribadong ahensya, masasabi natin na walang msyadong problema, mayroon kasing direct hire or name hir na pinapadaan din sa agency. Noon ang direct hire ay tinatanggap pa ng POEA, subalit nung lumabas na ang Presidential decree no. 442 article 18 na nagsasaad sa pag ban sa direct hiring alinsunod sa labor code ng Pilipinas. Dito na nagkaproblema ang karamihan sa ating mga kababayan. Kasama na po ako dyan. Dahil nung nakaraang linggo lamang nagsa ayos na ako ng aking mga dokumento paalis ng Pilipinas. Kung ating pag aaralan ang hakbangin na ito at dahilan, sinasabi na ito ay para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa o nais magtrabaho sa ibang bansa. Nais ng ating gobyerno na idaan na ang lahat sa isang pribadong ahensya at ayaw na pasanin pa lahat ng POEA ang responsibilidad ng bawat manggagawa, kagaya na lamang ng seguridad at kaligtasan nila sa kanilang trabaho sa ibang bansa. Isama na natin dito ang ilang benepisyo na makukuha ng manggagawa sa ibang bansa gaya ng repatriation kung kinakailangan. Sinasabi nila na kung ang mga aplikasyon ay pupunta sa isang pribadong ahensya na accredited ng POEA makasisiguro na may benepisyo o may mananagot sa lahat ng mga pangangailangan ng OFW. Subalit dito pa lang sa sistema na ito ay kadalasang na eexploit na agad ang karamihan sa ating mga kababayan,. Karamihan sa mga pribadong ahensya at mataas sumingil ng placement fee, mas higit na mataas sa isang buwang sahod na itinakda sa paniningil. May ibang bansa din nman na talagang mataas maningil ng placement kagaya ng Taiwan dahil sa tinatawag nilang bond. 

Sa mga nagtatanong, para saan ba ang placement fee na sinisingil sa atin ng mga pribadong ahensya na naglalakad ng ating mga papeles? Bukod sa kabayaran ito sa kanilang serbisyo, ito din ay tinatawag nilang standby fund, kung saan gagamitin ang pondo sakaling magkaron ng problema sa kanilang pinadalang manggagawa sa ibang bansa na may kinalaman sa financial o repatriation. Subalit alam natin na hindi nman talaga ito nasusunod, dahil marami sa ating mga Pilipino sa ibang bansa ang may problema sa kanilang mga ahensya mismo. Ang pinag uusapan po natin ay sa proseso ng pribadong ahensya.  Sa mga kagaya naming direct hire, masasabi naming malaking tulong sa amin ang direktang aplikasyon na hindi na dadaan sa mga ahensya, una, makakatipid kana sa gastos at dahil ikaw ang naglalakad ng mga dokumento mo, natututo ka sa proseso at hawak mo ang iyong panahon at oras. 

Sa ngayon, umiiral pa din nman ang direct hire kahit may umiiral na ban sa ganitong proseso. Kumbaga may exemption pa din. Not totalyl banned ika nga. ART. 18. Ban on direct-hiring. - No employer may hire a Filipino worker for overseas employment except through the Boards and entities authorized by the Secretary of Labor. Direct-hiring by members of the diplomatic corps, international organizations and such other employers as may be allowed by the Secretary of Labor is exempted from this provision. Sa madaling salita, ang exemption dito ay yung mga matataas na tao o may katungkulan na mataas sa lipunan o bansa. So kung ang iyong kumpanya ay hindi kabilang sa mga nabanggit, wag kna umasa na pagbibigyan ng POEA ang apela mo para sa direct hire. Bago ko makalimutan, ina allowed nga pala nila ang direct hire sa ngayon kung ikaw ay professional/skilled worker subalit hindi dapat lalampas sa sampu ang aplikasyon ng iyong kumpanya sa mga direct hire. Samakatuwid, pag lumampas na ang record ng kumpanya mo sa direct hire matapos na maverify ng POEA, ikaw ay nangangailangan na na maghanap ng private agency para maproseso ang iyong mga dokumento sa pangingibang bayan. Sa mga HSW naman o yung tinatawag nating Household Service Workers, kagaya ng kasambahay, tagapag alaga, mga driver o hardinero at iba pa, dito walang limit ang aplikasyon ng direct hire, sabi nga ng nakausap ko na staff sa POEA, kahit ilan daw pwede. Subalit kelangan ng kasulatan or employers undertaking at POLO recommendation.  Kung ikaw ay nakapaloob sa kategorya ng Household service worker, bukod sa iyong kontrata, passport, visa, NC2 Tesda Training ay kailangan mo din ang employers undertaking. Ang employers undertaking ay mga talaan ng kondisyon na sasang ayunan ng iyong employer sa mga ilang benepisyo na kailangan mong matanggap. Checklist ito kagaya ng libreng tutuluyan mo, pagkain, allowances, transportasyon at kasama na dito ang medical at repatriation kung ikaw ay wala nang kapasidad na magtrabaho o ikaw ay sumakabilang buhay na. Sa madaling salita ito ay mga kondisyon na inaaatang sa iyong employer.

Ang endorsement naman na manggagaling sa POLO or Philippine Embassy of the host country. Ito ang kasulatan na nagpapatibay upang ikaw ay maging exempted sa article 18 ng labor code kung saan may ban sa direct hire. Sa aking kaso mga kababayan, ang aking sponsor o employer ay immediate member of royal family, so ito ay ang aking basehan para ako ay ma exempt or magkaron ng immunity sa artikulo 18. Subalit gagawin nilang under sa kategorya ng HSW ang aking titulo hindi na nang professional/skilled worker. Ito ang kanilang suhestyon saken nung ako ay nag appeal sa knila to reconsider my case. Kailangan lamang na mapatunayan mo na ang iyong sponsor or employer ay kasama sa mga nabanggit na exempted. Ang naturang dalawang dokumento, ang employers undertaking at endorsement ay manggagaling sa Philipine embassy of the host country kung saan ikaw magtatrabaho. Kung kaya mo ipakiusap sa employer mo na mag request sa Philippine embassy ng kanilang bansa, gawin mo na. Mas makabubuti na kumpleto na ang iyong dokumento kesa mawalan ng saysay ang iyong pagpila maghapon sa POEA. Nagutom nga ako eh, at antok na antok sa pila, hehehehe. Muntik ko na kainin ung mga papel ko. J

Bago ko nga pala makalimutan mga kababayan ko, kadalasan nga pala ung mga employer or sponsors ayaw pumirma ng undertaking dahil sa responsibilidad na nakalagay dun. Kung hindi mo talaga mapilit ang iyong employer, may alternatibo pa nman. Yun nga lang kukuha ka ng insurance company para sa kaseguruhan mo, personal insurance policy. May nabasa ako na yung iba kumuha ata sa cocolife, malapit lang ata yan sa POEA or ortigas, ang halaga at ay mahigit 2000 din. Ito ay coverage ng buong kontrata mo na kung hindi ako nagkakamali. Pero mas makabubuting personal na lang tayo magtanong. Hayy, ang hirap talaga, kelangan ng sakripisyo at panahon bago ka makapgtrabaho. Panahon at salapi ang nakasalalay sayo pati ang pasensya mo. Kaya sa mga nagtatanong, kung baka puede na hindi na kayo dumaan sa POEA dahil direct hire po kayo, ngkakamali po kayo. Mas mabuting tamang proseso na ang ating daanan kesa maharang ka pa sa immigration kung kelan ka palipad. Hahanapan ka ng OEC talaga. Ang benepisyo nga pala ng OEC ay para maging exempted ka sa travel tax at terminal fee, so mabuti na din na meron tayo nito. Lahat lahat ang babayaran mo sa POEA sa proseso kagaya ng OWWA, Philhealth at iba pa ay aabot halos ng 7k bukod pa dyan ang medical mo na humigit kumulang na 4k. Okey na din magsakripisyo sa paghahanda, ang isipin na lang natin, gagawin natin ito para sa pamilya natin at mga mahal sa buhay na umaasa na makakaraos sa kahirapan. Wag mawalan ng pag-asa, una at higit sa lahat na magtiwala tayo sa ating Panginoong Hesus upang tayo ay kanyang gabayan. Kalooban din naman ng ating Panginoon na pagpalain tayo sa ating buhay at kinabukasan, kelangan lang ntin ng complete trust sa kanya. Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

This week, hopefully maayos ko na din ang aking mga dokumento, medical at iba pa. Kelangan ko nlang ng agency na mag rerepresent saken to process my papers since ndi na qualified ang aking aplikasyon as direct hire for skilled/professional worker. Sa mga kababayan ko na may katanungan tungkol sa kanila din pag alis o proseso sa pangingibang bansa, maari po kayong mag iwan sa blog na ito ng inyong mga katanungan or suhestyon at kaalaman para na din makatulong sa iba pa nating mga mambabasa. God bless you all.

 













 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento