Miyerkules, Disyembre 4, 2013

Did You Really Encountered GOD?

ENCOUNTERED GOD?

Lahat tayo gusto ng pagbabago sa ating mga buhay. Gusto natin ng turning point, experiences na makakapag trigger para simulan ang pagbabago. But before anything else, lage natin tandaan na ang main subject dito ay ang ating mga sarili. Ikaw mismo o ako mismo, hindi ang ibang bagay kundi ang iyong pagkatao. Bilang halimbawa, kapag ang isang tao ay may sakit, ordinaryo man o malubhang karamdaman ay kailangang pumunta sa ospital para magpatingin o magpagamot, kinakausap tayo ng doktor on how we take care of ourselves. History ika nga sa pamamagitan ng ating paglalahad mga bagay bagay sa ating mga kinagawian at nararamdaman. Fast forward, the doctor will advise us of the do’s and dont’s. Bibigyan ka ng prescription o listahan ng gamot na dapat mong inumin para ikaw ay gumaling. Here is the point mga kaibigan, it’s our choice kung susundin natin ang sinabi ng doktor or hindi. Kung bibili ba tayo ng gamot o hindi, kung iinumin ba natin ang gamot mula umpisa hanggang sa gumaling tayo or hanggang umpisa lang tayo, pagkatapos ay wala na. Again, provided nay an ika nga, gusto ng doktor natin na gumaling tayo subalit nasa sarili natin ang pagpapasya. Wala sa gamot, wala sa doktor kundi nasa sa atin. So to make the prime example short, kahit ilang beses mo pa ma encounter o ma meet yang doktor mo kung hindi ka nman susunod ayon sa tinakda na dapat mong sundin, magiging walang halaga ang pagtatagpo nyo. Matigas kasi bungo mo eh. Toinks! Hahahaa.  Tandaan natin ulit, ang main subject dito ay ang ating mga sarili. Oo nga pala bago ko pa makalimutan, ang nagkakamit ng respeto sa larangan ng pagtakbo hindi ung nag umpisa ng mabilis, kundi ung manlalaro na kahit bumabagsak tumatayong muli at tinatapos ang karera. Wag nyo pong kakalimutan it’s all about ourselves kung kinakailangang isulat nyo sa papel o I save nyo sa mga tablet at cp nyo gawin natin. 

So ano po ba ang point sa mga bagay na nabanggit ko? 
Una, karamihan sa mga nagsasabing sila ay Kristiyano ay nagsasabing they encountered God in their lives kaya gusto din nila maibahagi ang karanasang ito sa iba. Yung iba nga aayain ka pa sa (EGR), make no mistake my friends, if this is the way and moment that God will use to change your life then SO BE IT. Praise God! There is nothing wrong with it because I truly believe na yun naman ang dapat. But then again it will depend on ourselves. Anyone can say that I really encountered God and I want you to experience it as well.  This is absolutely true “IF” only “IF” you really encountered God. Makikita naman yan sa ating mga buhay at paraan ng pamumuhay PAGKATAPOS NG SINASABI NATING ENCOUNTER WITH GOD. So we really don’t know if someone is telling the truth or not until proven. 

Tatlong bagay lang yan, unahin ko na ung positive aspect as number one.
1. They are the people who really changed when they encountered God (life testimony). 2. They are only emotional. 3. They are undisputed hypocrites. Ask ourselves, saan tayo dito?  Ouuucccchh! Ouuccchhh din pag may time (wink).

Prime example? Sabi nga natin nakikita yan sa ating mga sarili. 

Look at Apostol Paul – Before nung sya pa lang si Saul, He is a notorious Christian persecutor. But one particular point in his life changed dramatically. He had an encounter with God. He subsequently became Paul the great Apostle, who wrote a third of the New Testament. How did it happen mga kaibigan? It all started with a true God Encounter, one which altered the course of his entire life. Yung totoong naka encounter sa Panginoon sila yung mga taong totoong nagbago, nagbago ng pagkatao hindi isang araw, isang buwan o isang taon. They managed it till the rest of their lives. It changed their character. One must move from moment itself ng sinasabi nating God encounter to momentum which means creating a lasting change. Tignan mo sa dictionary ang definition ng MOMENTUM. Those who are really encountered God, they do not remove the need for going through a process of development. Some may take years  to reach fulfillment and  they are determined to stay on track and go through whatever they need to, even if it takes longer than they think it should.

Kasi karamihan sa ating hanggang umpisa lang, samakatuwid emosyon lang yan. It is what it is mga kaibigan, wlang e kasi e kasi, e kasi, ganito kasi ganito kasi. Pare pareho lang tayong mga tao but looked at those people who really changed for good. Kaya kung sinsabi mo na nagbago kna pero sinungaling ka pa din, mayabang ka, swapang ka, materialistic ka at selfish ka, aba ay magi sip isip ka baka ibang God ang na encounter mo, baka Godzilla yan. Again, nasa tao yan may free will kasi tayo, it is for sure that God wants us to encounter Him genuinely. By their fruits ye shall know them sabi ng Matthew 7:20.

Just to remind us, it’s not the program (EGR and the likes) ang nakakapagbago sayo at sa akin, It is the grace of God itself and ourselves (faith). Remember Matthew 9:21? Tungkol dun sa babae na labingdalawang taon nang dinugudo? Ano sabi nya sa sarili nya? mahawakan ko lamang ang laylayan ng kanyang damit ay gagaling na ako. Hindi yung laylayan ng damit ang nagpagaling sa kanya kundi yung kanyang pananampalataya. Ang sikreto? Ang kanyang pananampalataya ay may kaakibat na pagkilos when made an effort to touch our Lord Jesus garment. Same on how we will manage what we have learned, what we have experienced, coz that would be useless kung wala nman lasting effect sa buhay natin, we didn’t even try to fight a good fight and finish the race. Again, it has nothing to do with the Doctor or the medicine, it is how you will follow and take until you are completely healed. Philippians 3:14 I press on to reach the end of the race and receive the heavenly prize for which God, through Christ Jesus, is calling us.

By then we can proudly say na we really encountered God, coz it shows in our lives and we live with it.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento