KAPALMUKS.
Ang saya dba? Sabi nga ni frooz ng fliptop. Simple lang naman…walang kahirap hirap,
konting gimik, konting epal at konting pambobola sa mamamayan eh panalo na. Ang tawag dyan “PALPAK NA LABANAN” yan ang
kanilang teknik, bakit? Sapagkat ang sinasabi ko ay hindi kapalpakan kundi
pakinabang para sa knilang kabalbalan. “PALPAK” means Palakasan ng Sikmura at
Pakapalan ng mukha! Gets noh? E d wiw!
Tigas eh. Alam nyo mga bros and sis, mga friendship, mga ka blog
sharing, di nyo kelangan tumingin pa sa entablado ng pulutika para Makita kung
sino sino yang malalakas ang sikmura at makakapal ang mukha, sa paligid lang
natin mga ordinaryong tao matitindi na eh, take note ha, ordinaryong tao pero
extra ordinaryo sa kapal ang mukha. Aba
matindi, san kaya nakabili ng foundation sa mukha yang mga taong yan para
kumapal ang mukha ng ganyan. Sila yung
mga taong hindi marunong makiramdam, mga taong nakakaramdam man subalit mas
pinipili nilang maging wlang pakiramdam dahil sa knilang mga sariling
interes. Hindi bale na makaperwisyo at
makasira ng tao basta magawa lamang nila ang kanilang kagustuhan. Lahat kasi
gusto maging bida, nagmamarunong at nagmamalaki, feeling maraming alam kahit
hindi nman. Nagmamaganda kahit pangit nman! Nanlalait ba tayo? Hindi po,
nagsasabi lng tayo ng totoo, buti pa si Paloma maganda, Palomang Paloma. GAnda
sabi nga ni lola. J
Yung iba Palumang Paluma, bakit ganon noh? D dpat ganon, panget kna nga panget
pa ugali mo, abay kung ganyan lang nman e d ano… wala lang speechless ako. Hindi nman ako kagwapuhan kahit akoy madalas
mapagkamalang si Coco, kaya nga yan ang tawag nila saken. Minsan Alden, Aljur,
hindi nyo gugustuhin pinagdadaanan ko promise, itanong nyo pa kay Abra. Ahahaha
Time!
Seryoso mga ka blog, nakakapagod
noh? Parang wala n tayong nakikitang magandang bagay sa kapwa natin sa kapaligiran
natin. Hindi ko nman sinasabi na perpekto ako, sapagkat kahit bali baligtarin
natin ang mundo, from north to east and south to west wala kang mapapala lahat
tayo may bahid dungis. Nagkataon lng na maraming ibang tao ang kina career na
ang pagiging masama. Sila yung mga taong
lumalangoy sa dagat ng marumi at kasuklam suklam na sistema ng lipunan, lipunan
na binubuo ng bawat pamilya na dapat sanay dito pinapanday ang isang katauhan
na magiging mabuting halimbawa sa bawat isa. Kung ditto pa lang tayo na ay
hinasa at hinubog sa kagandahang asal? E d sana hindi makapal mukha mo
ngayon.
Napansin nyo ba parang ang bitter
bitter natin ngayon? Kasi kahit hindi mo hanapin andyan na yan eh, given na
lahat yan mga taong ganyan eh. Nakaka
inis na dba? Wala na tayong makitang tama, lahat na lang sablay,
gggggrrrrrrrr. Lahat ng balita panget,
panget pangeeettt.
Pero may alam akong solusyon
dyan, alam mo dapat mong gawin para puro magagandang balita at magagandang
bagay naman ang Makita mo or madinig mo? Simple lang, tuwing araw ng Lunes at
Martes 11:30pm – 12:00nn makinig ka
nalang sa radio sa “YOUR FRIEND RADIO PROGRAM” DWBL 1242 KHZ AM BAND. Sa internet live streaming nman ganito ang
dapat mong gawin …
download the application "Simple Radio" by streema sa play store sa
inyong mga android phones, tablets.. Pagka install ng simple radio application
ay itype lamang ang DWBL 1242 AM at yun presto
ditto ang pangit nagiging maganda, ang walang pag asa, nagkakaron ng pag-asa.
Wag kayong mag alala wala na daw
sila ka Percy dyan. Hehe. Kaya yung “mura”
mahal na ngayon. Puro pagmamahal nalang ang madidinig. O diba, at nalalapit na naman ang araw ng mga
puso. Kasi wala tayong ibang ipapakilala tungkol dyan kundi ung mismong may
akda ng pagmamahal. Kelangan ko pa ba
sabihin? E memorize nyo na yan, at yan ang masarap maging kabisyo sa umaga, sa
tanghali at hanggang sa pagtulog. O sya
matutulog nako, may pasok pa bukas, hopefully magkita kita tayo personally pagbalik
ko dyan sa Pilipinas soon. Good morning
and GOD BLESS YOU ALL.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento