Huwebes, Hunyo 27, 2013

FACEBOOK OR TWITTER?


Hindi na siguro kumpleto ang araw sa karamihan ng mga tao kapag hindi sila nakakapag internet.  Well, sa trabaho at mga negosyo kailangan yan para sa mabilis ang progresibong kalakaran.  Sa ordinaryong tao, ung mga wlang trabaho pa or ung mga estudyante, pag wlang pasok o pagkatapos ng klase ano ang ginagawa mo?  Nagbubukas ng computer? At syempre.. facebook ditto, twitter doon.. instagram,,,youtube ano pa ba? Name it, lahat na ata ng puede na ata sa internet puede.  Ang galling ng teknolohiya.  Parang kailan lng ang isa sa breakthrough technology natin  sa komunikasyon ay ung maimbento ni Alexander Graham Bell ng Scotland ang Telepono.  Buti na lang present ako sa klase noon nung tinuro yan, ndi ako nakapag cutting class, sayang. Hmmmm. Tsk tsk.  

Paano mo ba ginagamit ang internet? TO COMMUNICATE… Kapag nagbubukas ka ng facebook, ano ang intensyon mo? Makibalita? Mag comment? Mag like? , mag post ng ibat ibang pictures? Na para bang ginawa mo nang photo album ung buong facebook? Ginagamit mo ba yan para ilahad ang nangyayari sa buhay mo sa mga kaibigan mo? O sa publiko kung naka public settings ka? Aba wala ka nang privacy diba? ultimo mga pribadong nangyayari sayo sinsabi mo at pinapakita mo sa facebook, pati ung pagkamatay ng pusa ng kapitbahay nyo, pinagsasabi mo na.  O diba? Pati kasiraan ng ibang tao na hindi naman dapat nakalagay sa facebook, nilagay mo na din? Pag may sama ng loob ka at hinanakit nilalalhad mo lahat sa facebook mo na para bang diary na ng pang araw araw na buhay mo. Ang saloobin mo ang mga bagay na gusto mo at hindi mo gusto at pati na din ung buhay ng iba.  Ang daming ganyan diba? excited magbukas ng facebook, ng instagram, ng twitter. Para may maibalita at makibalita, para may sabhin at para msabihan. Ano bang bago??

Pero mga kablogs, in fairness ha, may mga taong ginagamit ang mga social internet tools  na yan para sa mas makabuluhan na bagay. Yung iba ginagamit yan para kumita ng pera at maging pandagdag na budget sa darating na araw sa pamamagitan ng ONLINE SELLING OR MARKET. Ndi nman msama diba? Gusto mo umorder??? HeheheehJ.  Opppssss, d lang yan, may mga tao na ginagamit ang social internet tools para MAKATULONG SA KAPWA. Yeah, YOU HEARD ME RIGHT!... HINDI PARA MANIRA NG KAPWA AT PATULAN UNG KAPWA MO NA NANINIRA SAYO, at dahil sa nagsasagutan kayo sa facebook, ang haba haba ng messages trail, ang haba na ng thread, parang sa inyo nlng ang pages ng facebook.  Nakakatuwang isipin na sa kabila ng ka busy-han sa mundong ito, may mga tao pa talaga na gumagamit ng tamang pag iisip para sa mas KAPAKI PAKINABANG NA BAGAY, ang daming natutulungan diba? ang sarap magbukas ng facebook ng twitter at iba kung ang nakikita mo ay mga bagay na positibo at may KABULUHAN AT HNDI KABULUKAN. Siguro may mag sasabi sa inyo, ang K J nman nung Noel na yan, e natural kaya nga may facebook to express yourself at wlaang pakelamanan, facebook ko to eh buhay ko to… ANG GALING NG KATWIRAN DIBA? palakpakan!!!!!...Hmmmmm. Well simple lang, KUNG MATINO ANG PAG IISIP NG ISANG TAO AT EDUKADO KANG TAO na alam ang TAMA SA MALI, kahit pa emosyonal ka dpat umiiral pa din sayo ang TAMANG PAG IISIP sa mga bagay na PANGIT AT MGANDA.  Ang PUTI AY PUTI, ang ITIM AY ITIM. Gets mo??. 

Now tanungin natin ang sarili natin after we read this… SINO BA AKO? SAN BA AKO KABILANG? Sa mga taong gumagamit ng tama sa internet o sa mga tao na parang ndi asal tao masabi lang na AKO AY “IN”.

Eto ang malupet, kelan ka huling nag share sa FB mo or sa TWITTER mo or kung ano pa yan ng mga bagay na tungkol sa Diyos? Ipinagsabi mo ba sa facebook at twitter ang kabutihan ng Panginoon sa buhay mo? Pinagmalaki mo ba sya? Pinasalamatan mo ba sya? Pinapurihan mo ba sya? O BAKA NMAN GUSTO MO KUMANTA NALANG NG “LORD PATAWAD”????? Tsk, nakakalungkot noh? Oo tama ka, wlang perpekto sa mundong ito, but you can never justify that para hindi mo malaman ang tama sa mali ang kalooban ng Diyos sa Hindi.  Ang hirap kasi sa atin, may kakulangan na nga tayo sa sarili natin, pero nagtuturo pa tayo ng iba. SI GANITO KASI, SI GANON KASI.  Wow!

Samakatuwid, We are all liable sa ating mga ginagawa or kinikilos, sa ating mga iniisip at sinasabi.  Wag kang magwala kung ang mundo ay nagwawala, wag ka tatalon sa tuktok ng billboard sa EDSA kung yung idol mo tumalon na.  We need to be different in some ways. Nabasa ko sa PROVERBS 13:3 sabi  Be careful what you say and protect your life. A careless talker destroys himself.  At sa PROVERBS 4:23 din “Be careful what you think, because your thoughts run your life. GOD WANTS YOU TO BE HIS RIGHTEOUS CHILD, OBEDIENT AND RESPONSIBLE. GOD WANTS YOU TO BE SAVE.

1 komento:

  1. After you read this, kung gusto po ninyo mag comment, you are very much welcome and if you want to add something, share your thoughts that would be great. Tara! Kaibigan usap tayo. hehehe.

    TumugonBurahin