Huwebes, Hunyo 27, 2013
Pre Medical Examination for OFW - Are You Ready?
Halos araw-araw, libo libong mga Pilipino ang umaalis ng Pilipinas para makipagsapalaran sa ibang bansa. Itoy sa kadahilanang pangkabuhayan at kinabukasan ng bawat pamilya na masasabi nating isa sa pangarap ng mga ordinaryong tao na makaahon sa tanikala ng kahirapan. Ako din ay isang OFW at nakatakda na ding umalis muli sa aking bayang sinilangan para harapin ang hamon ng bukas at bumuo ng panibagong pag-asa. Hindi lingid sa bawat isang ordinaryong Pilipino na may mga proseso tayo na dapat sundin at ayusin bago ka makapangibang bansa, at isa na nga ditto ang MEDICAL EXAMINATION. Bukod sa pag aayos ng mga kinakailangan mong dokumento ang medical examination report ay isang lehitimong basehan upang ikaw ay masabing "FIT TO WORK". Kung ikaw ay magtatrabaho bilang overseas worker sa middle east, ang proseso ng pagkuha ng medical certificate ay napaka metikuloso or napakahigpit dahil sa pagpapairal ng policy ng GAMCA o (Gulf Accredited Medical Center Association) ito ay binubuo ng mga bansa sa gitnang silangan na may adhikain na salaing mabuti ang mga ibang lahing manggagawa sa aspeto ng kalusugan na papasok sa kanilang bansa upang makapagtrabaho at upang maiwasan "DAW" ang mga anomalya sa mga ilang pasilidad ng medisina na nagsasabing dinadaya ang mga resulta ng medical na pagsusuri para makapangibang bansa. Bago ka umalis, kelangan mo ng 4P's..PERA, PANAHON, PAWIS at PASENSYA, ang hirap talaga kumita ng pera. Masasabi ko na isa sa pinaka mahirap na stage ng proseso sa pangingibang bansa ay ang pagkuha mo ng medical certificate kung ikaw ay FIT TO WORK, ditto kasi nagkakaalaman kung ikaw ay makakaalis talaga kahit may kontrata kpa or hindi. Pag minalas malas kappa malalaman mo na lang na may sakit ka pala at hndi lang bastang ordinaryong sakit, kundi nakakahawang sakit at nakamamatay pag hindi naagapan ng maaga. Dito karamihan natatakot ang lahat, kahit anong estado mo sa buhay, pag ikaw ay tinamaan ng sakit ang lahat ng mga pangarap mo ay maglalahong parang bula. Mahirap tanggapin ng isang tao na sya ay may nakakahawang sakit o nakamamatay n sakit, at marahil madami na din sa ating mga kababayan ang sinapit ang ganitong kapalaran. Ang nakakatakot na sandal ay yung nag aantay ka ng resulta ng iyong medical checkup, general checkup na yan eh, buong katawan, dugo, urinalysis, xray, ecg. lahat lahat na, At isa sa mga nababasa ko na pinakasakit na mangyayari sayo lalo na sa blood examination kagaya ng HIV test ay kung mag positive test ka. Syento porsyento amigo, kahit nsa north pole babaliktad ang mundo mo at mapupunta ka sa south pole. Para ka sigurong binagsakan ng Burj Khalifa Tower sa Dubai. Bkit? una, pano mo sasabhin sa mga mahal mo sa buhay ang sakit mo? paano kung nahawahan mo sila? paano kpa makakapagtrabaho sa ibang bansa at makakaahon sa kahirapan? Paano ka mamumuhay ng ordinaryo sa anumang nakamamatay na sakit na iyong tinataglay dahil sa nalaman mong resulta ng iyong medical exam? Pano ka tatanggpin ng lipunan? Paano mo gugugulin ang bawat araw na ikaw ay matutulog at gigising na taglay taglay mo ang sakit na iyan at hindi na halos mawala sa isip mo sa bawat sandali. Lahat paano... paano...? ang hirap, nakakapagod. Buhay yan eh, kinabukasan mo yan ang hirap isipin sa oras na iyon kung anong bagay pa ang naghihintay sa iyo. Ang dami kong nabasa na article sa mga taong may karamdaman na hindi mo gugustuhin at isipin na mangyari sa iyo sa ating lahat. Minsan isang araw, nakakausap ako ng isang volunteer medical counselor, isa sya sa mga kumakausap sa mga tao na nagpapa blood test for HIV and STI's. Sabi ko sa knya, how he handle na sabihin sa isang tao na ito ay positibo sa isang nakakahawa at nakamamatay na sakit? Sabi ko sa knya mahirap yun eh, kasi sa salita nya nakasalalay ung reaksyon nung tao at sa oras na banggitin nya ang hindi mabuting balita, siguradong at that moment babaligtad ang mundo ng tao, paano un??? Ang sabi nya "MAHIRAP TALAGA" kasi that time you will release the dagger into that person's head. Ang concern daw nila is ung mga tao na talagang pag nalaman ang masamang resulta ng medical exam ay ung SUICIDAL TENDENCY, at baka nga that very moment na sinabi mo un eh mamura kpa ng wlang katapusan. I know they are trained how they will deliver the sad and bad news, pero mahirap pa din talaga, mayroon daw talagang paghahanda para dyan. Sa isang iglap sa kapabayaan natin sa ating mga sarili, puedeng mangyari ang mga bagay na un, kung puede mo lang siguro ibalik ang oras siguro gagawin mo ang mga bagay na hindi mo nagawa. Dun ko naisip na we are responsible sa ating mga sarili lalo na may mga pangarap pa tayo na dapat na maabot. Pag nadidinig ng karamihan sa atin ang salitang MEDICAL EXAMINATION, nakakatakot. Its a make or break. Pag pumasa ka sa medical at FIT TO WORK ka, Praise God! matutupad mo ang mga pangarap mo sa takdang panahon at sa iyong pagsisikap, at pag hindi nman?? at bumagsak ka sa medical examination? alam nyo na siguro ang kahihinatnan ng buhay nyo. Now, marahil ung ibang makakabasa nito magtatanong ano ba ang punto ko? PRE MEDICAL EXAMINATION FOR OFW? .... gaya ng nasabi ko knina sa umpisa ng aking pagsasalaysay, I will work again sa abroad and this time sa Abu Dabhi kasama ang aking minamahal na kabiyak sa iisang lugar. We prayed a lot for this time, and I know this is the right time for us to be bless by our GOD. Sa pagdaan ko muli sa proseso ng pangingibang bansa, dun ko nakita at pinaalala sakin ng Panginoon ang mga bagay bagay sa mundo, ang mga katotohanan na puedeng mangyari sa isang tao. Bawat araw, sa daanan, sa lansangan, sa mga pampublikong sasakyan sa malls, nakakasalubong tayo ng mga tao na hindi natin kilala, sumagi ba sa isip mo na ilan kaya sa mga nakasalubong mo at nakaharap mo ang may matinding problema lalo na sa kalusugan? Sa sarili mo nlng? tanungin mo ang sarili mo, namuhay kaba ng tama? gumagawa kaba ng mga bagay na ikapapamahamak mo? kung hindi salamat sa Diyos sa biyaya nya at napagtatagumpayan mo ang mga bagay na ito. Bottom line is, anut anuman ang mangyari sa buhay mo, nagkamali ka man or namumuhay ka ng naayon sa pamantayan ng Diyos sa iyong sarili, sa kapwa mo at higit sa relasyon mo s kanya, hindi ka dapat matakot sapagkat hindi tayo pababayaan ng ating Panginoong Hesus. Trust Him alone, wala nang iba pa. Sabi ng DEUTERONOMY 31:8 "And the LORD, he it is that does go before you; he will be with you, he will not fail you, neither forsake you: fear not, neither be dismayed. PRE MEDICAL EXAM? Natatakot ka pa? baka may sakit ka? Mga kapwa ko OFW, don't be discourage and fear not. PSALM 27:1 "The LORD is my light and my salvation-- whom shall I fear? The LORD is the stronghold of my life-- of whom shall I be afraid? Mga kaibigan at kapwa ko OFW, basa basa din ng salita ng Diyos ALL THE TIME, not PAG MAY TIME :) GOD BLESS.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
After you read this, kung gusto po ninyo mag comment, you are very much welcome and if you want to add something, share your thoughts that would be great. Tara! Kaibigan usap tayo. hehehe.
TumugonBurahin