Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

LIFE IS LIKE A BOXING

LIFE IS LIKE A BOXING.

Sabi nila ang buhay daw  ay parang boksing, kelangan mong maging malakas, kelangan mong maghanda at maging matibay. Subalit sa kahit anong paghahanda dumarating at dumarating din ang takdang laban ng iyong buhay kung saan ikaw ay maaaring manalo o matalo. Depende nalang kung anong klaseng pagkatalo ang iyong sinapit or kung anong klaseng panalo ang iyong nakamtan.

Ang katotohanan sa halos lahat ng parte ng ating buhay ay madalas tayong mapagod, madalas nasasaktan at pinanghihinaan ng loob, kumbaga every round we are gaining either confidence or we are slowly lacking the will to fight and continue.  Maswerte na tayo kung nasa survival mode pa tayo sapagkat sa kadahilanang anumang oras sa ating buhay maaari tayong mag quit o hindi na tuluyang lumaban. Hindi ba ganito din ang senaryo na nakikita natin sa larangan ng boksing? It almost reflect our real life battles. Ang pagkakaiba lang, when you are in boxing after 12 rounds, whether you like it or not winning or losing it will be finished.  Sa tunay na buhay naman sa ayaw at sa gusto mo lalaban at lalaban ka habang ikaw ay nabubuhay. Kung kaya sa usapin ng tunay na buhay mas marami ang natatalo kesa sa nagtatagumpay. Ang daming bagay na nagiging hadlang sa atin at nagpapahina sa atin. SA boksing round by round ang tawag, sa tunay na buhay tatawagin ko itong pana panahon.

Pana panahon sumasapit ang mga panganib na balakid tulad ng pagkakasakit, pinansyal na kagipitan o mga sama ng loob sanhi ng di pagkakaunawaan na nagpupuno ng takot o galit sa ating mga puso.  Kadalasang sa umpisa pa lang nalilito na tayo at parang katapusan na ng buhay, kadalasang pag nakikita natin na malaki ang kalaban or ang problema, nagtatanong tayo sa ating mga sarili, kaya ko ba? SA boksing pag nakita mo na mabilis at malakas ang kalaban mo, parang si Pacquiao, naiisip mo I am in trouble and in for a long battering night, so better be quit. I am quitting now, nakukuha nyo po ba ang ibig nating sabihin mga kaibigan? This is the reality, Hindi na nating kelangang isa isahin pa kung ano ano ang mga bagay nay an, sapagkat pagkatapos mong makinig ngayon or magbasa nitong mga mensahe na ito sa ating your friend website makikita mo you are back into reality, you are facing real challenges again.

So mga kaibigan, ano ngayon ang mga dapat nating gawin? To overcome all of these battles in our life? Kagaya pa din sa larangan ng boksing, you are preparing, you know what to do round by round, you have a coach, ngayon pa lang dapat alam mo na kung sino ang coach mo. Eto tandaan natin mga kaibigan, kadalasan ang isang manlalaro kapag hindi sumusunod sa itinuturo sa kanya ng kanyang coach ay hindi nagtatagumpay.  Subalit kung ikaw may tiwala at sumusunod sa coach mo, malamang sa malamang ikaw ay magkakamit ng tagumpay. Sa buhay natin napakahalaga na tayo ay may tunay na relasyon at pagkakasangkot sa ating Panginoon upang maging tunay din naman ang ating pagtitiwala sa knya na ang lahat ng kanyang mga salita at mga pangaral sa atin ay ating pinanghahawakan sa mga hamon at laban natin sa ating mga buhay. Kaibigan alam ng Panginoon ang lahat lahat kung sino tayo at kung ano tayo sapagkat tayo ay kanyang mga anak at mga nilikha kung kaya’t alam na alam din nya ang mga bagay na kailangan natin para tayo ay magtagumpay, we need just to execute His word in our life when we fight. Sabi ng slogan ni Manny Pacquiao, THE CHAMP KNOWS! Well I could tell you this friends, PSALM 139 GOD KNOWS EVERYTHING. God knows what’s best for us, so why don’t we trust Him?

Sa pamamagitan ng pagtitiwala, lumalapit tayo sa tagapagligtas at hindi na muling magpapatuloy nang walang katiyakan ng kanyang presensya.  Sa lubusang pagtitiwala, tutulungan nya tayong harapin ang bukas na kasabay siya bawat laban ntin sa ating mga buhay. Kung nagbabanta ng kabalisahan at takot ang ating hinaharap, tandaan ang pangako ng ating Diyos sa Isaiah 41:10 “Huwag kang matakot, sapagkat Akoy kasama mo, huwang kang mabalisa sapagkat Ako ang iyong Diyos. Aking palalakasin ka, oo, ikaw ay Aking tutulungan oo, ikaw ay Aking aalalayan ng kamay ng aking katwiran”.

Kung kadalsan hindi natin Makita ang sagot, tumingin ka sa itaas, sabi nga Look Up! And think again of His Words ang promises, but by doing it, we need to be sensitive and aware as well, sapagkat habang ikaw ay nagiisip ng panlaban mo, ung katunggali mo, kung ano mang klaseng katunggali yan sa buhay mo na ilan lamang sa mga nabanggit natin knina ay naghahanda din nman ng atake sayo, wag tayong tutulog tulog.  Ang tawag dyan Cheap Shot ng kalaban, parang si Mayweather lang sa laban nya kay Victor Ortiz.

 Lagi tayong maging handa sa lahat ng hamon sa ating buhay, execute what the Lord’s has taught you. Kaya natin yan sa pamamagitan nya. If you said that you can’t figure it out, sabi ng Panginoon sa Proverbs 3:5-6 “I will direct your steps. Madami tayong sinasabi sa ating mga sarili, we are doubting ourselves, put all your trust in our Lord, kasi malamang sa malamang kung hindi mo kayang magtiwala sa ating Panginoong Hesus pano kpa din magtitiwala sa sarili mo? E d mas lalong wala kang tiwala sa saril mo? Kaya nga madalas tayong sumasablay, kaya nga siguro may nadidinig tayong kanta na Hari ng Sablay eh. Given na yan kaibigan, andun na tayo…we are facing all difficulties and challenges ang kelangan lng natin ay panghawakan ng buong buo at buong puso ang mga Salita ng ating Panginoon. Wag kang mapagod lumaban, wag kang mapagod lumaban, kung napapagod ka, sabi ng ating Panginoong Diyos I will give you rest. “Matthew 11:28-30.  Kung sinasabi mo na imposible hindi mo kaya na there is no way you can win it, there is no way you can survive and win the battle, well You can, All things are possible sabi ng Luke 18:27. 

Madalas ka mag senti, mag isa pakiramdam mo walang nagmamahal sayo, mga kaibigan kamakailan lang sa isa sa ating broadcast ng programa nating YourFriend, we have a texter na sinasabi nya na wala nang halaga ang kanyang buhay, wala n daw nagmamahal sa knya, He said nobody loves me. My Friend, I will tell you God loves you more than you could ever think. God loves us, Jesus Loves Us. John 3:16 and John 15:13. May mga iba sa atin kung hindi man mapatawad ang kanyang kapwa na ilang lamang sa mga problema natin at hamon sa ating mga buhay hindi din nya mapatawad ang kanyang sarili first and foremost, you said I can’t forgive myself, then God said I forgive you, Romans 8:1, sasagot pa tayo mga kaibigan, sasabihin mo ulit sa sarili mo, its not worth it, God said It will be worth it, Romans 8:28.

Sa lahat ng pagkakataon na may mga katanungan tayo sa ating mga buhay sa ating mga sarili sa mga laban natin sa ating buhay laging may kasagutan ang ating Panginoon, ang ating Panginoong Hesus. Kung kaya hindi tayo dpat ma mangamba, kayang kaya nating pabagsakin lahat ng mga problema at hamon sa ating mga buhay sapagkat ikaw ay malakas at matatag dahil sa mga pinanghahawakan nating salita ng ating Panginoon. Sabi ng isang commercial slogan dati, ANG TUNAY NA LAKAS, WALA SA BOTE YAN, EXTRA JOSS. Mga kaibigan ang tunay na lakas wala sa bote yan, wala sa ibang bagay yan, dahil ang nagbibigay ng lakas sayo hindi extra joss o anumang energy drink pa yan, it is the Lord who gives us strength and increases our power when we are weak, Isaiah 40:29. The Lord is my light and my salvation- whom shall I fear? The Lord is the stronghold of my life of whom shall I be afraid. Hindi mo kelangan maging matalino para maintindihan ang mga bagay na ito kaibigan, this is a self explanatory word of God.  Nabanggit natin ung salitang matalino, maalala ko lang may mga nagsasabi din sa atin na hindi ko kaya Lord, I am not smart enough, hindi ko kayang gawin ang mga bagay bagay, If you are saying that you are not smart enough then God said I will Give  you wisdom, I Corinthians 1:30.  I am not able, well God is able, God said I am.. II Corinthians 9:8.

I cant go on, God said my grace is sufficient, II Corinthians 12:9. I can’t do it, God said You can do all things, Philippians 4:13.  I can’t manage Lord, God said I will supply all your needs, Philippians 4:19. So mga kaibigan, may dahilan pa ba tayo para matalo o hindi magwagi sa mga laban ntin sa buhay? May dahilan pa ba para tayo matakot? Don’t be afraid, even if we are saying we are afraid lage nting tatandaan God has not given us fear, II Timothy 1:7. Last but not the least mga kaibigan, last round na ba tayo? Hold on. Always remember that you are not alone, habang tayo ay lumalaban sa mga ring ng kanya kanya nating buhay, lage nating tatandaan na nsa corner natin ang ating Panginoong Hesus, He will give us everything, reminding us of our capabilities by His promises and instructions, He will never leave us. Hebrews 13:5.

Darating ang oras na matatapos din ang lahat ng mga bagay bagay sa ating mga buhay, we should survive and finish it stronger round by round, bawat oras sa ating mga buhay dapat we are winning it all the time, we should give our best and God will do the rest. Nagsimula tayo knina sa larangan ng boksing mga kaibigan bilang halimbawa, hayaan nyo po ako na magtapos sa boksing pa din bilang halimbawa sa ating pagtatapos. Listen to this mga kaibigan, A boxing champion will not be  a champion unless He persevere and conquer everything that put in front of him, step by step He earned that Championship belt by showing wat he has made and what He can bring to the table. Samakatuwid A great boxer was not a champion for nothing.


For us friends, we will earn more than those if we give our life to God, by giving our life to our Lord Jesus Christ, time will come we will all be victorious and has the crown of life spending our life in heaven. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento