Martes, Disyembre 17, 2013

THE RIGHT COUNTERFLOW

THE RIGHT COUNTER FLOW.

Marami tayong nababasa na mga slogan sa ating kapaligiran bilang inspirasyon, paalala at pamantayan ng ating pamumuhay.  Nababasa natin ang mga ganitong mga bagay na nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magpasya at umaksyon. Hindi na natin iisa-isahin pa sapagkat napakarami po nito at isa sa nais kong banggitin ay ang slogan sa panawagan upang linisin ang kapaligiran na napapanood natin noon sa telebisyon at mababasa din nman sa mga pahayagan. Ang sabi “Ang basurang itinapon mo babalik din sayo”. Ilan po ba sa atin ang nakakaalala pa ng slogan na ito? Ang slogan na ito ay hindi binalangkas nang walang basehan at layunin. Sapagkat naging kalakaran na ng mga tao ang hindi magandang Gawain na ito, ang magkalat at gawin ang sariling kagustuhan taliwas sa tamang katwiran.

Bilang halimbawa, sa bansang amerika, alam po ba natin n yung Chicago river ay hindi pangkaraniwan? Sabi nga nila this is unusual river dahil ito ay umaagos o dumadaloy ng pabalik. Engineers reversed its direction over a century ago because city-dwellers were using it as a dump. Dishwater, sewage, and industrial waste all funneled into the river, which emptied into Lake Michigan. Since the lake supplied drinking water for the city, thousands grew sick and died before city authorities decided to redirect the river to flow backward, away from the lake. Nagkaron ng contamination at madami ang namamatay kung kaya nakaisip ang mga inhinyero ng paraan upang masolusyunan ang ganitong problema. Sa ganitong paraan ang lahat ng itinatapon or wastes sa ilog ng Chicago noong mga unang panahon ay babalik at babalik sa kanila kung hindi sila titigil sa kanilang mga maling gawa at pamamaraan, pamamaraan na makasarili at walang pagpapahalaga. Yan po ang larawan ng naturalesa ng isang tao sa ayaw man natin o sa hindi. Kung ano ang mali yun ang ginagawa, kung ano ang trending yun ang gagawin, kung ano ang ginagawa ng nakararami o ginagawa ng mundo yun ang mga bagay na gustong gusto ntin gawin at hindi na iniisip pa ang epekto nito sa ating mga buhay. Maihahalintulad natin ang bagay na ito sa realidad ng ating mga buhay. Most of us are going with the flow and not countering it kasi nag eenjoy tayo, kapag ikaw ay sumasabay sa agos ng buhay kahit pa madumi ito feeling mo Masaya ka at sabi nga nila “IN” ka. Wala tayong pakealam kung nasusunod natin o hindi ang kalooban ng ating Panginoon sa pamamaraan ng ating pamumuhay.

When we look at the earthly life of Jesus, it may seem backward from what we would expect. As the King of glory, He came to earth as a vulnerable infant. As God in the flesh, He endured accusations of blasphemy. As the only sinless man, He was crucified as a criminal. But Jesus lived on earth according to God’s will (John 6:38). We should remember this mga kaibigan, Jesus lived on earth according to God’s will. When we asked ourselves ano ang mga bagay na ginagawa natin ngayon? Are we doing God’s way or our own way? Maalala lang natin mga kaibigan, though were not saying that this is true sabi nga nila kapag kumanta ka daw sa videoke ng MY WAY ni Frank Sinatra kung hindi po tayo nagkakamali ay mamamatay ka, sinasabi nila ito sapagkat there were some instances na ito ay nangyari, we don’t know the real stories behind this but sigurado dahil sa hindi nagustuhan ng mga kasama mong tao ang ginagawa mo hindi dahil sa kung anong pamagat ng kinakanta mo. Sa buhay natin ganyan, sintunado ang mga buhay natin kung kaya’t hindi maganda ang nagiging epekto sa ating mga sarili at sa ating kapwa. Bilang tagasunod ng ating Panginoong Hesus, sikapin nating magbihis ng karakter ng ating Panginoong Hesus upang hindi po tayo mapahamak, wag tayong sumabay sa agos ng mundo na marumi at wlang patutunguhan kundi kapahamakan at kamatayan. Sabi nga eh as followers of Christ, to clothe ourselves with Jesus’ attitudes and actions may appear “backward.” Blessing our enemies (Rom. 12:14). Ito ang isa sa bagay na pinakamhirap gawin, sapagkat bago mo magawa ang bagay na ito, itoy nangangahulugan ng tunay na pagpapatawad. Ang agos ng mundo sa ganitong usapin na kung may kaaway ka ay dapat ikaw ang magwagi, dapat makaganti ka at makalamang, makagawa ng mga masasakit na bagay sa kagalit mo o kaaway mo. Ilan po sa atin ang gumagamit ng social media para siraan at tirahin ang buhay ng isang tao na kinaiinisan mo o kinagagalit mo? Sa facebook nlang, nagbabatuhan tayo ng mga masasamang pananalita na nakikita at nababasa ng karamihan sa atin, naglalabas tayo ng mga sama ng loob at atake sa twitter at iba pa. Kung nakakamatay lang ang mga ganitong bagay baka naubos na ang populasyon natin sa mundo, sapagkat namumuhay tayo sag alit at sama ng loob. Alam natin kung ano ang tama pero hindi natin magawa, pag binato ka ng bato ang sabi ay batuhin mo ng tinapay, pero ang ginagawa ng karamihan ay binabato ng tinapay na nsa loob ng garapon. Did we got the point? Yan ang agos ng mundo, so if we are going to take what God has taught us to do, we need to counter flow and flow on His way.

Another thing. Isa sa agos ng mundo ay ang kayamanan, valuing wealth, riches and pleasures more than anything else, more than GOD. (This is the flow of Destruction). Kungbaga sa agos ng tubig, eto mga kaibigan ito rumaragasa, parang flashfloods ito or storm surge. Ganyan katindi ang trend sa bagay na iyan, ang daming nagpapatianod sa bagay na ito mga kaibigan na hindi nalalaman ang kapahamakang nag aantay sa kanila. I Timothy 6:6-9 “People who want to get rich fall into temptation and trap and into many foolish and harmful desires that plunge men into ruin and destruction. Puro pagpapayaman kahit sa msamang paraan, puro pagpapayaman kahit pa may masagasaan na para bang wala nang katapusan ang mundo at sa pamamagitan ng yaman ay magagawa nya ang kanyang lahat na magustuhan. Pag mayaman ka, makapangyarihan ka. Pag mayaman ka, kahit may kaso kang criminal, may special treatment ka, puede ka pa nga mag pa house arrest or hospital arrest. Nagpapagamot ka pa sa mamahaling hospital samantalang pag mhirap ka, puede kna mamatay anytime. Money, riches is everything they have in life, sabi nga ni Robin Padilla sa isang eksena nya sa pelikula katambal si Sharon Cuneta ang pamagat ay maging sino ka man’ ito yung mga taong “sumasamba sa piso”. Kung ang pera ay may mukha ng tao, ang tao din naman ay may mukhang pera. Ang dapat na mas pagyamanin natin ay ang yaman na hindi kailanman magpapahamak sa atin, ito yung kayamanan na kaloob sa atin ng Diyos hindi nasisira ito ang kayamanan sa langit. Matthew 6:19 “Do not lay up for yourselves treasures on earth, where moth and rust destroy and where thieves break in and steal. Some of us might say na I am a son of God, I believe in God and yet hindi natin kayang patunayan sapagkat wala dun ang ating mga puso, iba ang sinasabi natin sa ginagawa natin. Wala kang oras sa Panginoon dahil puro oras sa business mo ang inaatupag mo, ni hindi ka marunong magpasalamat tapos sasabhin mo na you love the Lord? You believe in Him? Matthew 6:21 “For where your treasure is, there your heart will be also. Hindi puedeng namamangka tayo sa dalawang ilog. Matthew 6:24 “No one can serve two masters, for either he will hate the one and love the other, or he will be devoted to the one and despise the other. You cannot serve God and money. Other than money and riches ano pa yung trend o agos ng mundo na nakikita natin sa pang araw araw nting mga buhay? Pita ng laman? Layaw sa buhay? May oras ka sa barkada mo pero wala kang oras sa Panginoon? May oras ka sa mga libangan sa mundo at nag eenjoy tayo pero pag sa Panginoon naiinip ka? Inaantok ka, nagmamadali kang umuwi, ni hindi mo nga natatandaan yung mensahe ng Panginoon kung nagsisimba ka man. Bakit? Anong pruweba? Tgnan ntin ang ating mga buhay, may pagbabago ba? Mga kaibigan an gating mga nabanggit ay naisulat ko na din nung mga nakaraang araw sa aking blog at sa ating commentary sharing sa YourFriend website at sa facebook page kaya hindi na natin iisa isahin pa. More than anything else, ang dapat nating inuuna sa ating mga buhay walang iba kung hindi ang ating Panginoon. Matthew 6:33 But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you. Again we need to counterflow and flow on God’s way.

Sa buhay natin na dumaranas ng mga hindi magagandang pangyayari sa ating buhay, madami
tayong alalahanin at mga ibat ibang klaseng problema, kung sa mundo, kawalan ng pag-asa ang nakikita natin, yung iba lalong nawawalan ng direksyon ang buhay at may iba pa na kinikitil ang sariling buhay upang takasan ang bigat ng pagsubok o problema. This is the flow of Desperation. Yung iba sa atin, napagtatagumpayan ang ganitong mga bagay and for sure there is no other way na nakikita ko why they overcome all of these kundi ang ating Panginoong Hesus. Imbes na bumagsak sila sa mga ganitong pagkakataon ito pa ang nagpatibay sa kanilang pananampalataya, nagpaibayo ng kanilang pagtitiis. Na sa kabila ng mga pagsubok at problema ay may kagalakan at kapanatagan sa kanilang mga buhay. James 1:2-4 Consider it pure joy, my brothers and sisters,[a] whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance. Let perseverance finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything. Nakikita po ba natin ang sitwasyon? This is self explanatory. Don’t do others way or your own way, but take God’s way para hindi po tayo mapahamak o maligaw ng landas. There are two ways in this World, ang daan ng matuwid na kung saan kakaunti lamang ang nakakasumpong at ang daan ng kapahamakan na hindi kayang I solve ng calculator sa sobrang dami. Nasa sa atin po mga kaibigan ang pagpapasya kung saang agos tayo sasabay. We need to choose God’s way at hindi tayo mapapagod na ulit ulitin sabhin ang bagay na ito. Ito po ang counter flow na tama, dito hindi tayo mahuhuli ng mga traffic enforcer o ng MMDA which we will gain violation if we did, pag nag counterflow tayo in God’s favor what we will gain is Salvation not violation.

Don’t worry if living your life sometimes means operating in reverse. God will give you the strength to honor Him, and He will propel you forward. God will give us the strength to go against the flow of this world. Helping us to resist what is wrong in His eyes and to act in ways that please Him, for His glory.

Linggo, Disyembre 8, 2013

Commercial Time or God's Time

COMMERCIAL TIME OR GOD'S TIME.

Commercial muna si Coco J. December 8, 2013, Kung sakali na dumating si Lord ngayon do you think you are save? Nasaan ka ng mga oras na ito? Ano kaya ang ginagawa mo? especially when you are not in the church doing some self centered flesh vitamins. You can lie to people and convince them but you can never ever fool God. He knows our heart, our mind and soul. So bago tayo mangatwiran, think that you are in front of the Lord and say that to Him. Do you think you can do that? kasi lalapit k palang para ka nang si Pinocchio eh.  We have different situations but only God can tell if our excuses  is acceptable or not. Most of the time we are doing the slogan of BDO "We find ways" yan tayo eh :P daming palusot para tayong PANASONIC ang dami nating "Ideas for life", kasi gustong gusto natin yung ginagawa natin eh, parang MCDO "Love ko To". We are doing everything on our favor parang NIKE we "JUST DO IT". Are you with me mga kaibigan? This is the truth parang COCA COLA lang yan, this is the "REAL THING" We are giving spare time to God and on the other hand complete time for ourselves, CENTRUM “Complete from A- Zinc. Sarap buhay no? parang LG lang “LIFES GOOD”.

God has given us all the chances but we are not seeing it, we set aside God pag sarili na natin ang pinag uusapan, pag sarili nating mga kagustuhan. Maybe or surely may mga nagtatanong sa mga nakakabasa nito, bakit paulit ulit tong si Coco? Puro ganyan na lang ang sinasabi? Parang ang bitter. Ang sagot? E KASI PAULIT ULIT DIN TAYO EH. Bakit? May nabago ba? Sa natural na buhay sa panahon ng ating pag aaral upang magkaron tayo ng kaalaman at compentencies kelangan ipasa natin ang bawat subject, ke minor subject yan o major subject yan. Yan ang edukasyon, tama po ba? Samakatuwid kung bagsak ka, hindi ka makakausad sa mas mataas na antas ng pag aaral. Kung bagsak ka ng buong buhay mo sa first year hindi ka makakatuntong ng 2nd year.  May sasagot ulit dyan sa mga nagbabasa, hoy coco may nakakatuntong kaya ng 2nd year kahit bagsak ng first year. Nasa mabuting usapan kasi yan eh, under the table ika nga. Well you are absolutely right and it happens. But I’ll tell you what, in spiritual aspect there is no under the table scenario. Ang meron lang ay deep underground incinerator. Nararamdaman mo ba? Malapit lapit kna lalo na kung guilty ka. Ang masama pag nasunog tayo dun ang baho baho natin, PLASTIK kasi.

Read Matthew 7:15-20. Checkmate! Tgnan natin kung gagana pa ung veterans move natin dyan. Hehe. Dyan pa lang magkakaalaman na tayo eh. Alam na! Iba kasi ung sinasabi mo sa ginagawa mo. Ito ang kadalasan pamantayan natin sa buhay, “Ang oras para sa iyo ay para sa iyo, Ang oras para sa Diyos ay iyo pa din” TAMA O MALI? Yung mga hindi kabilang sa pamantayan na ito well praise God! Sana dumami pa ang mga kagaya mo brod or sis. Pero kung kabilang ka dito, don’t make arguments or excuses kasi kahit san pa tignan yan, sasablay at sasablay ka pa din. You know why? Tell that to God and see for yourself, hindi puede yung mga reasons na sasabihin mo. When God said we should give time for Him, We will give time after time, after time, after time, PERIOD! There is no commercial break pag Sunday or pag Time ni God. Because this is the best for us. Kapag sinabing TIME? This is not about spare time. Whatever your reason is, God truly knows it. I am not afraid to tell everything about this, even myself I need to follow on this. Nakakapagod na mga friends noh? Paulit ulit na lang tayo, para tayong mga pirated DVDs. Hopefully next time when we share iba naman. Okey ba tayo dun mga bros and sis, friends and blog readers? I hope so.

I want to wrap up things now, maaga pa kasi ako bukas gigising and aalis, need to process some important things pa. Well,if we are with God and remains on Him everything we need will be given. Sabi ng  SM “We Got it All for You” Sabi ng John 15:7 “If ye abide in me, and my words abide in you, ye shall aske what ye will, and it shall be done unto you. God’s blessings are brand new everyday mga kaibigan, hindi expired hindi spare gaya ng binibigay natin. Ano sabi ng MERCURY DRUG? “Nakasisiguro gamot ay laging bago”? Panis yan, hehehe. Sabi ng Lamentations 3:22-23 “The steadfast love of the Lord never ceases, His mercies never come to an end they are NEW every morning. Wala na tayong hahanapin pa, We are in Good hands, parang
METROBANK “Your in Good Hands” sabi.  The Lord said in Isaiah 41:10 fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand. Kung lahat tayo ay panig sa Panginoon, may oras sa Panginoon at nagsusumikap na gawin ang kanyang kalooban at hindi ng ating mga sarili we will receive all His promises. Sure yan, He can give everything we need that we could ever imagine. Sabi ng ADIDAS “Impossible is Nothing”. Sabi ng Luke 1:37 For with God nothing shall be impossible.

Hello! Did we got the point? All of the above ay makikita sa buhay natin if we are blessed, a blessings na hindi nasisira ng mundo, this is not only material blessings, this is not only material prosperity not even close. We are talking about real blessings which leads to heavenly riches only if we are worthy for all of these. Hindi porke may pera ka o nakakaluwag ka sa buhay ay akala mo galing lahat yan kay Lord? You are absolutely 100% certified FOOL. Listen. EVEN SATAN CAN GIVE YOU BLESSINGS. Can someone tells me where in the hell that you are receiving blessings just like what we are claiming pero wala kang personal na pagkakakilala sa Diyos at wala kang tunay na oras at panahon sa kanya?  Mahiya ka nman, ginamit mo pa ang Diyos sa blessings na sinsabi mo wherein you are not deserving for God’s blessings in the first place. Ask yourself where do you think did you got that? May reason na nman tayo dyan noh? Kamote! sAbi ko wrap up na eh, napahaba na nman. Ahahahaha. Well what we see is what we get. If we really belongs to God it will shine on each and everyone of us. Parang Philippine Airlines lang yan “ SHINING THROUGH”.

Until then, friends and blog readers. God bless you All.




Miyerkules, Disyembre 4, 2013

Did You Really Encountered GOD?

ENCOUNTERED GOD?

Lahat tayo gusto ng pagbabago sa ating mga buhay. Gusto natin ng turning point, experiences na makakapag trigger para simulan ang pagbabago. But before anything else, lage natin tandaan na ang main subject dito ay ang ating mga sarili. Ikaw mismo o ako mismo, hindi ang ibang bagay kundi ang iyong pagkatao. Bilang halimbawa, kapag ang isang tao ay may sakit, ordinaryo man o malubhang karamdaman ay kailangang pumunta sa ospital para magpatingin o magpagamot, kinakausap tayo ng doktor on how we take care of ourselves. History ika nga sa pamamagitan ng ating paglalahad mga bagay bagay sa ating mga kinagawian at nararamdaman. Fast forward, the doctor will advise us of the do’s and dont’s. Bibigyan ka ng prescription o listahan ng gamot na dapat mong inumin para ikaw ay gumaling. Here is the point mga kaibigan, it’s our choice kung susundin natin ang sinabi ng doktor or hindi. Kung bibili ba tayo ng gamot o hindi, kung iinumin ba natin ang gamot mula umpisa hanggang sa gumaling tayo or hanggang umpisa lang tayo, pagkatapos ay wala na. Again, provided nay an ika nga, gusto ng doktor natin na gumaling tayo subalit nasa sarili natin ang pagpapasya. Wala sa gamot, wala sa doktor kundi nasa sa atin. So to make the prime example short, kahit ilang beses mo pa ma encounter o ma meet yang doktor mo kung hindi ka nman susunod ayon sa tinakda na dapat mong sundin, magiging walang halaga ang pagtatagpo nyo. Matigas kasi bungo mo eh. Toinks! Hahahaa.  Tandaan natin ulit, ang main subject dito ay ang ating mga sarili. Oo nga pala bago ko pa makalimutan, ang nagkakamit ng respeto sa larangan ng pagtakbo hindi ung nag umpisa ng mabilis, kundi ung manlalaro na kahit bumabagsak tumatayong muli at tinatapos ang karera. Wag nyo pong kakalimutan it’s all about ourselves kung kinakailangang isulat nyo sa papel o I save nyo sa mga tablet at cp nyo gawin natin. 

So ano po ba ang point sa mga bagay na nabanggit ko? 
Una, karamihan sa mga nagsasabing sila ay Kristiyano ay nagsasabing they encountered God in their lives kaya gusto din nila maibahagi ang karanasang ito sa iba. Yung iba nga aayain ka pa sa (EGR), make no mistake my friends, if this is the way and moment that God will use to change your life then SO BE IT. Praise God! There is nothing wrong with it because I truly believe na yun naman ang dapat. But then again it will depend on ourselves. Anyone can say that I really encountered God and I want you to experience it as well.  This is absolutely true “IF” only “IF” you really encountered God. Makikita naman yan sa ating mga buhay at paraan ng pamumuhay PAGKATAPOS NG SINASABI NATING ENCOUNTER WITH GOD. So we really don’t know if someone is telling the truth or not until proven. 

Tatlong bagay lang yan, unahin ko na ung positive aspect as number one.
1. They are the people who really changed when they encountered God (life testimony). 2. They are only emotional. 3. They are undisputed hypocrites. Ask ourselves, saan tayo dito?  Ouuucccchh! Ouuccchhh din pag may time (wink).

Prime example? Sabi nga natin nakikita yan sa ating mga sarili. 

Look at Apostol Paul – Before nung sya pa lang si Saul, He is a notorious Christian persecutor. But one particular point in his life changed dramatically. He had an encounter with God. He subsequently became Paul the great Apostle, who wrote a third of the New Testament. How did it happen mga kaibigan? It all started with a true God Encounter, one which altered the course of his entire life. Yung totoong naka encounter sa Panginoon sila yung mga taong totoong nagbago, nagbago ng pagkatao hindi isang araw, isang buwan o isang taon. They managed it till the rest of their lives. It changed their character. One must move from moment itself ng sinasabi nating God encounter to momentum which means creating a lasting change. Tignan mo sa dictionary ang definition ng MOMENTUM. Those who are really encountered God, they do not remove the need for going through a process of development. Some may take years  to reach fulfillment and  they are determined to stay on track and go through whatever they need to, even if it takes longer than they think it should.

Kasi karamihan sa ating hanggang umpisa lang, samakatuwid emosyon lang yan. It is what it is mga kaibigan, wlang e kasi e kasi, e kasi, ganito kasi ganito kasi. Pare pareho lang tayong mga tao but looked at those people who really changed for good. Kaya kung sinsabi mo na nagbago kna pero sinungaling ka pa din, mayabang ka, swapang ka, materialistic ka at selfish ka, aba ay magi sip isip ka baka ibang God ang na encounter mo, baka Godzilla yan. Again, nasa tao yan may free will kasi tayo, it is for sure that God wants us to encounter Him genuinely. By their fruits ye shall know them sabi ng Matthew 7:20.

Just to remind us, it’s not the program (EGR and the likes) ang nakakapagbago sayo at sa akin, It is the grace of God itself and ourselves (faith). Remember Matthew 9:21? Tungkol dun sa babae na labingdalawang taon nang dinugudo? Ano sabi nya sa sarili nya? mahawakan ko lamang ang laylayan ng kanyang damit ay gagaling na ako. Hindi yung laylayan ng damit ang nagpagaling sa kanya kundi yung kanyang pananampalataya. Ang sikreto? Ang kanyang pananampalataya ay may kaakibat na pagkilos when made an effort to touch our Lord Jesus garment. Same on how we will manage what we have learned, what we have experienced, coz that would be useless kung wala nman lasting effect sa buhay natin, we didn’t even try to fight a good fight and finish the race. Again, it has nothing to do with the Doctor or the medicine, it is how you will follow and take until you are completely healed. Philippians 3:14 I press on to reach the end of the race and receive the heavenly prize for which God, through Christ Jesus, is calling us.

By then we can proudly say na we really encountered God, coz it shows in our lives and we live with it.







END TIME PROPHECY

END TIME PROPHECY.

Mga kaibigan, tayo pong lahat ay natutulog at gumigising na parang pangkaraniwan na lamang sa ating mga kaisipan, nagtatrabaho, nag aaral lahat tayo ay may kanya kanyang Gawain na ginagampanan. Lahat tayo ay abala sa pamumuhay, yung iba para maka survive sa pang araw araw na buhay, yung iba nman para makapag payaman pa at I enjoy ang buhay na para bang wala nang katapusan ang lahat.  Hindi natin namamalayan na ang panahon ay lumilipas at karamihan sa atin hindi alam kung anong panahon at kalagayan ang naghihintay sa atin sa hinaharap.

At dahil kadalasan hindi na tayo nakikinig sa mga panawagan ng pagbabalik ng Panginoong Hesus sapagkat madalas nating sinasabi na noon pa natin nadinig yan, panahon pa ng ninuno mo ay maaari mo banggitin bilang pagtanggi sa panawagan ng pagbabago sa buhay mo at ang pagbabalik ng ating Panginoong Hesus.  Ang dami nang mga tao na nagsabi maging noon pa man na darating na ang Panginoon at darating na ang wakas subalit hindi nangyayari, may mga nagbibigay ng prediksyon at ilang eksaktong petsa subalit lahat ng ito ay hindi nagkakaron ng kaganapan. Naturalesa ng isang tao ang tumanggi at hindi maniwala kapag sa pasimula pa lang ay hindi nya nakikita ang mga dpat nyang Makita at maranasan ang dapat maranasan dahil para sa atin ang lahat ng ito ay walang saysay. Hindi pa nman dadating ang Diyos, ilang beses ko nang nadinig yan. Unang tanong mga kaibigan kung saka sakali, ano ang mawawala sayo kung sakaling makadinig ka ng mga pangaral ng malapit nang pagbabalik muli ng ating Panginoon at ikaw ay naghahanda para dito, sa paraan ng pamumuhay mo at sa pagbabalik loob sa Diyos. At dun naman sa mga kaibigan at kapatid natin na hindi pa totally kailanman nakakakilala sa ating Panginoong Hesus kung sakali na sila ay lumapit sa Panginoon at maniwala ano kaya ang mawawala sa kanila? Sapagkat karamihan sa atin nakikilala lang natin ang Panginoon sa pangalan hindi sa tunay na pagkakakilala at tunay na relasyon mo sa kanya. Bakit po nating sinsabi ang salitang “Tunay” sapagkat madami po sa atin ang mapagpanggap at mga colorum parang sasakyan lang na hindi registrado. Pero nakikibyahe at dumadaan sa dinadaanan ng iba na hindi nman dapat.  Paano mo makikilala ang isang sasakyang kolorum? Una pag hiningan mo sya ng mga legal na dokumento na magpapatunay na siya ay may legal na rehistro at prangkisa at iba pang dokumento na magpapatunay na ang sasakyan na ito ay legal at tunay para bumiyahe. Sa mga tao ganyan, sinasabi natin na tayo ay mga Kristiyano at taga sunod ng ating Panginoong Hesus pero wala tayong maipakitang ebidensya. Namumuhay tayo sa mga sarili nating pagpapasya at kagustuhan. Parang walang katapusan ang buhay sa mundo.

Muli bumalik po tayo sa realidad, wag po tayong tutulog tulog, it is true that we are living in the last days. There were lot of signs ang nangyayari na one by one before our very own eyes ang hindi natin napapansin sapagkat wala tayong alam sa salita ng ating Panginoon, hindi tayo nagbabasa ng bible. Ang araw ay pabilis ng pabilis at paiksi ng paiksi. Nung huli tayong mag broadcast ng ating Your Friend program lunes, at ngayon ay lunes na nman parang kahapon lamang, would this be a natural process? We are on the last days and it is happening, otherwise nobody would survive. Tandaan po natin we are facing all disasters, all troubles and famines, economic breakdown, plaques, civil war, name it, it is one by one unfolding before our very own eyes. And Yet we are considering all these things all natural. God is preparing us for the things to come, He wants us to survive lalo na dun sa mga tunay na anak ng Diyos. In Matthew 24:22 describing world conditions prior to His second coming, Jesus said that if that time of troubles were not cut short, no living thing could survive, but for the sake of God’s chosen It will be cut short. Tanong ulit, ask yourself right now, Am I, God’s chosen? Am I worthy to be spared from all of these troubles and pains? Ikaw lamang sa sarili mo at ang Panginoon ang nakakaalam. Ano ang realidad bakit ang tao ay patuloy na abala sa kanya kanyang buhay, karamihan abala sa mga pagsasaya at sariling layaw ng laman. Una they don’t believe that the Lord is coming very soon because for them it is a redundant thing yesterday and today. Pangalawa, alam nila na bukas would be another day, the next day would be another day and on the 3rd day would be another day. At lahat ng day na yan sa loob ng isang linggo, buwan at taon o mga taon pa ay puro sa kanila.

Mga kaibigan buksan po natin ang ating mga mata, wag po tayong matulog o magtulog tulugan sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Napakahalaga po ng mga pangangaral ng salita ng ating Panginoon lalo na sa ating kapanahunan. Masuwerte pa nga tayo kung talagang natutulog tayo dahil baka sa mga pangangaral ng salita ng ating Panginoon at one point in our life ay magising tayo para Makita ang dapat nating gawin sa ating mga buhay. Kaysa dun sa taong nagtutulog tulugan. Hindi bam as mahirap gisingin ang taong nagtutulog tulugan kesa sa talagang totoong tulog? Ksi kahit gising yan hindi babangon yan, hindi ka papakinggan nyan, lalo na kung pagsunod ang pag uusapan. Kung ang pag uusapan ay patungko sa Diyos, sorry na lang hindi ka papakinggan nyan, kuwento ng salita ng Panginoon eh, para sa knila narinig na nila yan at alam na nila yan. Pero pag kwento ng buhay ng kapitbahay mo, yan bago yan! Gigising at gigising ka para makinig at dadagdagan mo pa. Chikahang unlimited yan.

How could you imagine that things are falling into place all the signs has been unfolding but were not seeing the full picture of it and the significance nang lahat ng ito sa ating buhay. Kailangan pa ba nating isa isahin ang nangyayari sa ating panahon that we are living in the last days? Hindi po ito isang biro biro lamang or usapan lamang na pagkatpos nating madinig ay ating babalewalain, dito po nakasalalay ang kinabuksan ng iyong kaluluwa, nang ating buhay sa katapusan ng henerasyon. Other than these tragedies, natural disasters at iba pang mga events na nabanggit natin knina we are aware that tensions from different countries are rapidly arising now and then. Drechohin na ntin mga kaibigan, hindi na muna ako magbibigay ng mga paliwanag at koneksyon sa ating mga buhay.  Bare with me, this is happening right now at hindi po ito biro biro. Ilang araw n din nting nakikita or napapanood sa mga pahayagan other than North Korea ang usapin ng nuclear power. Ang bansang Amerika at United Nations ay umaangal sa pagtataglay ng bansang Iran ng mapamuksang nukleyar na ito. It's crucial to note that humanity has had the capability for self-annihilation for only a little more than 50 years, since both the United States and the Soviet Union developed and stockpiled hydrogen bombs and the world had to learn to live with "mutually assured destruction."

At that time there were only three nuclear powers (Britain being the other). By the middle of the 1960s France and China had joined the nuclear club. Today at least eight nations have nuclear warheads and the number looks set to increase with a nuclear arms race in the Middle East.  Nakikita po ba nating mga kaibigan? It is now really forming and we are inch by inch heading to a 3rd world war. Domino effect yan. What we are experiencing now is extra ordinary, destruction from natural disasters and destruction by human capabilities by this powerful weapons. Ang ating Panginoong Hesus mismo ay nagsabi din ng mga bagay na ito na mangyayari sa hinaharap as a sign of His 2nd coming. Not just in Revelation, not just in the book of Daniel, James and other books that prophesized end time events. Jesus Christ delivered a major prophecy of end-time events, recorded in Matthew 24, Mark 13 and Luke 21. He was asked by His disciples: "When will these things be? And what will be the sign of your coming, and of the end of the age?" (Matthew 24:3).

Jesus responded with a description of conditions and events that would lead up to His second coming. Moreover, He said that when these signs became evident, His return would occur within one generation (Matthew 24:34). Could this be that generation? We don’t exactly know mga kaibigan but one thing is for sure, we need to be prepared. Not just threat of wars ang makikita natin in the last days.  Isang malaking bahagi din ng last day events and economic aspect ng bawat bansa. This is a worldwide economic collapse that would take place.

Bakit po natin tinatalakay ang bagay na ito? Ito po ay sapagkat ito po ang tamang oras upang malaman natin ang katotohanan, hindi bukas hindi sa makalawa. Hindi ko po alam mga kaibigan kung pagkatapos ninyong madinig ang mga bagay na ito at ang ating tinalakay ay mayroon kahit knting epekto sa ating lahat.  Time will come nobody would remind us of everything, no preaching of Gospel and this is the hard thing. Hanggat may oras pa tayo, ginagawa po natin ang lahat ng bagay o pagkakataon para ipaabot po sa ating lahat ang salita ng ating Panginoon, ang mga bagay na dapat nting gawin para magtagumpay sa buhay natin sa mundong ito. All has now become possible. This, in turn, makes it much more likely that our generation will live to see Jesus Christ return and establish the Kingdom of God on earth. After all, Jesus Himself said that once these things begin, the generation alive at that time "will by no means pass away till all these things take place" (Matthew 24:34).  It's both sobering and encouraging to think that we appear to be living in the generation that will ultimately witness the most important event in the history of mankind. As Jesus Christ tells His followers in Luke 21:28 "Now when these things begin to happen, look up and lift up your heads, because your redemption draws near." This is the time my friend, all these things are happening all the signs He has given us para hindi tayo maiwan at malaman natin na He is coming. God wants you and me to be saved and inherit His Kingdom. Be still we should do good now and managed it till we reach the last line, manatili tayong tapat hanggang wakas upang makamtan natin ang kaligtasan. Matthew 10:22. Kaibigan lumapit ka sa knya ngayon at tanggapin mo sya bilang iyong Panginoon at sariling tagapagligtas this is your first step to survival and salvation, kahit ano pa ang nagawa mong kasalanan na madalas na sinsabi mo sa sarili mo, wala ka nang pag asa, its not true, If you are willing to accept God in your heart, in your life, true repentance. God will always be there. God is the same yesterday and tmorrow. Are You Ready?

Linggo, Disyembre 1, 2013

Look at Ourselves

 LOOK AT OURSELVES.


Some might say God knows my heart, I know I am doing my best to have time for Him, I have personal dealings with Him and I know God will understand me. --- Di ba natin napapansin? puro "I" ang reasons ntin. Ano ang tawag dyan "Justify? or Just if "I"? We are usually saying things about our inner thoughts. That this is me, who cares? I really know who I am....in dealing with God, my relationship with Him and my time for Him. Ganon naman pala, e bakit hindi nakikita sa atin? anyare? bakit hindi nakikita sa atin na we are trying our best on our capacity to prove what we are saying? It's not by showing others that you can but if YOU have a REAL heart for God it will MANIFEST. Gets? Kung ang isang lalagyan o pitcher na puno ng gatas kapag iyong sinalin ay hindi maglalabas ng kape mula dito, kundi gatas pa rin, dahil kung ano ang laman ng lalagyan sya ang lalabas. Unless, magician ka… O diba ang dami sa ating magician? Lahat minamadyik natin for our own benefit and justifications. Ang isang puno ng mangga ay hindi nagbubunga ng ano? Ng KAMOTE! Dami din kamote sa atin e noh? Ano ibig sabihin nyan? Let us give a fun acronym for the word “Kamote”- it stands for “Kapal Mo Teng”.
If we are for God, though we are not worthy for Him let’s give our best, don’t explain just do it if you have time and we all know that we have enough time. It is very hard to believe that most of us doesn’t have time for Him and yet ang dami nating time pag gusto natin ang isang bagay, kahit siguro walang paraan gagawa at gagawa ka ng paraan. Did you see the point?
Let us give samples on how so much “Selfish” we are:
I want to start with on one particular part of the message this morning on our worship service.
GOD: Jesus Christ is praying persistently and pervently at Gethsemane on that night before He was arrested to fulfill the will of God to save us from the bondage of Sin. Gethsemane experience.
US: We are  persistenly and pervently crazy to Ghetsomemoney not gethsemane. Even if we are going to be arrested day and night to fulfill in covering up things for ourselves WE WILL INVOKE OUR RIGHTS AGAINST SELF INCRIMINATION. Ghetsomemoney experienced.
GOD: Jesus Christ died for us
US: We are hardly dying to get the world, to get everything.
GOD: Jesus Christ works on your life 24/7
US: You are sleeping and night dreaming 24/7
GOD: The Lord always checked His Book of Life coz He wants to be sure that your name and my name are still written.
US: We are not reading our bible and yet we can read hundreds of messages in our cellphones, read hundreds of messages in our facebook’s inbox for nonsense things.
GOD: He is giving us everything we need day by day. (Proof? Ask ourselves bakit nagigising pa tayo bawat umaga. Puede naman na mategi kna kung tutuisin diba kung loloobin nya).
US: We cannot give ourselves, our time, our financial capacity and resources. Even if WE HAVE, we always say na We don’t have.
GOD: Wants us to be with Him to have one on one talk in prayer and personal devotions because He misses you a LOT.
US: We always want to hang out with our friends until morning even if we still don’t have enough sleep from work. Friends kasi eh.
These are only few examples on how Selfish we are. Because if we are going to put in writing all of the basis on how “Kamotes” we are baka makapag produce tayo ng largest book content in the world, pang Guinness World Record. Exagerated ba? It is. That’s how exaggerated selfish we are. So don’t ask why like this… why like this? redundant english voc namen when I was in Saudi. Ahahhaha.  Don’t ask na, ALAM NA!
If you want to give what is for God, give it not just Sundays but everyday we are striving to give what is for God. Walang alternate, Sunday for the Lord, Monday kay taning, Tuesday kay God, Wednesday kay Taning. Spiritual adultery na dual citizenship pa. O puede ding DUAL SIM ang character natin, yung isang network mas malakas ang signal kasi dun ka naka UNLI.

Again ung nagbabasa nito sasabhin, ano problema nito ni Coco? Honestly, believe it or not hindi ko din alam. Basta bigla na lang ako makakaisip ng mga ganyang bagay out of nowhere and I want to write it. Because I know ito yung kadalasang Gawain at katangian ng madami sa atin. I am not exempted for this, and so YOU are. 

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

LIFE IS LIKE A BOXING

LIFE IS LIKE A BOXING.

Sabi nila ang buhay daw  ay parang boksing, kelangan mong maging malakas, kelangan mong maghanda at maging matibay. Subalit sa kahit anong paghahanda dumarating at dumarating din ang takdang laban ng iyong buhay kung saan ikaw ay maaaring manalo o matalo. Depende nalang kung anong klaseng pagkatalo ang iyong sinapit or kung anong klaseng panalo ang iyong nakamtan.

Ang katotohanan sa halos lahat ng parte ng ating buhay ay madalas tayong mapagod, madalas nasasaktan at pinanghihinaan ng loob, kumbaga every round we are gaining either confidence or we are slowly lacking the will to fight and continue.  Maswerte na tayo kung nasa survival mode pa tayo sapagkat sa kadahilanang anumang oras sa ating buhay maaari tayong mag quit o hindi na tuluyang lumaban. Hindi ba ganito din ang senaryo na nakikita natin sa larangan ng boksing? It almost reflect our real life battles. Ang pagkakaiba lang, when you are in boxing after 12 rounds, whether you like it or not winning or losing it will be finished.  Sa tunay na buhay naman sa ayaw at sa gusto mo lalaban at lalaban ka habang ikaw ay nabubuhay. Kung kaya sa usapin ng tunay na buhay mas marami ang natatalo kesa sa nagtatagumpay. Ang daming bagay na nagiging hadlang sa atin at nagpapahina sa atin. SA boksing round by round ang tawag, sa tunay na buhay tatawagin ko itong pana panahon.

Pana panahon sumasapit ang mga panganib na balakid tulad ng pagkakasakit, pinansyal na kagipitan o mga sama ng loob sanhi ng di pagkakaunawaan na nagpupuno ng takot o galit sa ating mga puso.  Kadalasang sa umpisa pa lang nalilito na tayo at parang katapusan na ng buhay, kadalasang pag nakikita natin na malaki ang kalaban or ang problema, nagtatanong tayo sa ating mga sarili, kaya ko ba? SA boksing pag nakita mo na mabilis at malakas ang kalaban mo, parang si Pacquiao, naiisip mo I am in trouble and in for a long battering night, so better be quit. I am quitting now, nakukuha nyo po ba ang ibig nating sabihin mga kaibigan? This is the reality, Hindi na nating kelangang isa isahin pa kung ano ano ang mga bagay nay an, sapagkat pagkatapos mong makinig ngayon or magbasa nitong mga mensahe na ito sa ating your friend website makikita mo you are back into reality, you are facing real challenges again.

So mga kaibigan, ano ngayon ang mga dapat nating gawin? To overcome all of these battles in our life? Kagaya pa din sa larangan ng boksing, you are preparing, you know what to do round by round, you have a coach, ngayon pa lang dapat alam mo na kung sino ang coach mo. Eto tandaan natin mga kaibigan, kadalasan ang isang manlalaro kapag hindi sumusunod sa itinuturo sa kanya ng kanyang coach ay hindi nagtatagumpay.  Subalit kung ikaw may tiwala at sumusunod sa coach mo, malamang sa malamang ikaw ay magkakamit ng tagumpay. Sa buhay natin napakahalaga na tayo ay may tunay na relasyon at pagkakasangkot sa ating Panginoon upang maging tunay din naman ang ating pagtitiwala sa knya na ang lahat ng kanyang mga salita at mga pangaral sa atin ay ating pinanghahawakan sa mga hamon at laban natin sa ating mga buhay. Kaibigan alam ng Panginoon ang lahat lahat kung sino tayo at kung ano tayo sapagkat tayo ay kanyang mga anak at mga nilikha kung kaya’t alam na alam din nya ang mga bagay na kailangan natin para tayo ay magtagumpay, we need just to execute His word in our life when we fight. Sabi ng slogan ni Manny Pacquiao, THE CHAMP KNOWS! Well I could tell you this friends, PSALM 139 GOD KNOWS EVERYTHING. God knows what’s best for us, so why don’t we trust Him?

Sa pamamagitan ng pagtitiwala, lumalapit tayo sa tagapagligtas at hindi na muling magpapatuloy nang walang katiyakan ng kanyang presensya.  Sa lubusang pagtitiwala, tutulungan nya tayong harapin ang bukas na kasabay siya bawat laban ntin sa ating mga buhay. Kung nagbabanta ng kabalisahan at takot ang ating hinaharap, tandaan ang pangako ng ating Diyos sa Isaiah 41:10 “Huwag kang matakot, sapagkat Akoy kasama mo, huwang kang mabalisa sapagkat Ako ang iyong Diyos. Aking palalakasin ka, oo, ikaw ay Aking tutulungan oo, ikaw ay Aking aalalayan ng kamay ng aking katwiran”.

Kung kadalsan hindi natin Makita ang sagot, tumingin ka sa itaas, sabi nga Look Up! And think again of His Words ang promises, but by doing it, we need to be sensitive and aware as well, sapagkat habang ikaw ay nagiisip ng panlaban mo, ung katunggali mo, kung ano mang klaseng katunggali yan sa buhay mo na ilan lamang sa mga nabanggit natin knina ay naghahanda din nman ng atake sayo, wag tayong tutulog tulog.  Ang tawag dyan Cheap Shot ng kalaban, parang si Mayweather lang sa laban nya kay Victor Ortiz.

 Lagi tayong maging handa sa lahat ng hamon sa ating buhay, execute what the Lord’s has taught you. Kaya natin yan sa pamamagitan nya. If you said that you can’t figure it out, sabi ng Panginoon sa Proverbs 3:5-6 “I will direct your steps. Madami tayong sinasabi sa ating mga sarili, we are doubting ourselves, put all your trust in our Lord, kasi malamang sa malamang kung hindi mo kayang magtiwala sa ating Panginoong Hesus pano kpa din magtitiwala sa sarili mo? E d mas lalong wala kang tiwala sa saril mo? Kaya nga madalas tayong sumasablay, kaya nga siguro may nadidinig tayong kanta na Hari ng Sablay eh. Given na yan kaibigan, andun na tayo…we are facing all difficulties and challenges ang kelangan lng natin ay panghawakan ng buong buo at buong puso ang mga Salita ng ating Panginoon. Wag kang mapagod lumaban, wag kang mapagod lumaban, kung napapagod ka, sabi ng ating Panginoong Diyos I will give you rest. “Matthew 11:28-30.  Kung sinasabi mo na imposible hindi mo kaya na there is no way you can win it, there is no way you can survive and win the battle, well You can, All things are possible sabi ng Luke 18:27. 

Madalas ka mag senti, mag isa pakiramdam mo walang nagmamahal sayo, mga kaibigan kamakailan lang sa isa sa ating broadcast ng programa nating YourFriend, we have a texter na sinasabi nya na wala nang halaga ang kanyang buhay, wala n daw nagmamahal sa knya, He said nobody loves me. My Friend, I will tell you God loves you more than you could ever think. God loves us, Jesus Loves Us. John 3:16 and John 15:13. May mga iba sa atin kung hindi man mapatawad ang kanyang kapwa na ilang lamang sa mga problema natin at hamon sa ating mga buhay hindi din nya mapatawad ang kanyang sarili first and foremost, you said I can’t forgive myself, then God said I forgive you, Romans 8:1, sasagot pa tayo mga kaibigan, sasabihin mo ulit sa sarili mo, its not worth it, God said It will be worth it, Romans 8:28.

Sa lahat ng pagkakataon na may mga katanungan tayo sa ating mga buhay sa ating mga sarili sa mga laban natin sa ating buhay laging may kasagutan ang ating Panginoon, ang ating Panginoong Hesus. Kung kaya hindi tayo dpat ma mangamba, kayang kaya nating pabagsakin lahat ng mga problema at hamon sa ating mga buhay sapagkat ikaw ay malakas at matatag dahil sa mga pinanghahawakan nating salita ng ating Panginoon. Sabi ng isang commercial slogan dati, ANG TUNAY NA LAKAS, WALA SA BOTE YAN, EXTRA JOSS. Mga kaibigan ang tunay na lakas wala sa bote yan, wala sa ibang bagay yan, dahil ang nagbibigay ng lakas sayo hindi extra joss o anumang energy drink pa yan, it is the Lord who gives us strength and increases our power when we are weak, Isaiah 40:29. The Lord is my light and my salvation- whom shall I fear? The Lord is the stronghold of my life of whom shall I be afraid. Hindi mo kelangan maging matalino para maintindihan ang mga bagay na ito kaibigan, this is a self explanatory word of God.  Nabanggit natin ung salitang matalino, maalala ko lang may mga nagsasabi din sa atin na hindi ko kaya Lord, I am not smart enough, hindi ko kayang gawin ang mga bagay bagay, If you are saying that you are not smart enough then God said I will Give  you wisdom, I Corinthians 1:30.  I am not able, well God is able, God said I am.. II Corinthians 9:8.

I cant go on, God said my grace is sufficient, II Corinthians 12:9. I can’t do it, God said You can do all things, Philippians 4:13.  I can’t manage Lord, God said I will supply all your needs, Philippians 4:19. So mga kaibigan, may dahilan pa ba tayo para matalo o hindi magwagi sa mga laban ntin sa buhay? May dahilan pa ba para tayo matakot? Don’t be afraid, even if we are saying we are afraid lage nting tatandaan God has not given us fear, II Timothy 1:7. Last but not the least mga kaibigan, last round na ba tayo? Hold on. Always remember that you are not alone, habang tayo ay lumalaban sa mga ring ng kanya kanya nating buhay, lage nating tatandaan na nsa corner natin ang ating Panginoong Hesus, He will give us everything, reminding us of our capabilities by His promises and instructions, He will never leave us. Hebrews 13:5.

Darating ang oras na matatapos din ang lahat ng mga bagay bagay sa ating mga buhay, we should survive and finish it stronger round by round, bawat oras sa ating mga buhay dapat we are winning it all the time, we should give our best and God will do the rest. Nagsimula tayo knina sa larangan ng boksing mga kaibigan bilang halimbawa, hayaan nyo po ako na magtapos sa boksing pa din bilang halimbawa sa ating pagtatapos. Listen to this mga kaibigan, A boxing champion will not be  a champion unless He persevere and conquer everything that put in front of him, step by step He earned that Championship belt by showing wat he has made and what He can bring to the table. Samakatuwid A great boxer was not a champion for nothing.


For us friends, we will earn more than those if we give our life to God, by giving our life to our Lord Jesus Christ, time will come we will all be victorious and has the crown of life spending our life in heaven. 

Biyernes, Nobyembre 22, 2013

TIME FOR A CHANGE - TODAY MATTERS

TIME FOR A CHANGE - TODAY MATTERS.


Tonight and tomorrow we shine our lights in the colors of the Philippine flag, red, blue, yellow and white – to raise awareness and support for the country, as they recover from typhoon Haiyan. – A post in the Empire state building facebook page.  Dun po sa mga netizens or mga avid internet readers and browsers, makikita po natin ang larawan ng Empire State Building sa New York na may taglay na maliwanag na ilaw sa pinakatuktok nito na bumubuo sa kulay ng bandila ng ating bayang Pilipinas. Ito ay bilang kanilang simpatya at pakikiramay sa sinapit ng ating bansa sa lupit ng super typhoon Haiyan at bilang suporta habang tayo ay bumabangon sa pagkakalugmok sa trahedya. Nakakataba po ng puso na Makita ang ibang bansa na mayroong gesture ng pagsuporta sa mga ganitong pagkakataon, nakakatuwa na makitang ang ilaw ng ating bandila ay nsa tuktok ng isa sa pinakamataas na building sa New York, nakakalula sa taas at nakakalula din ang kanilang suportang ipinapamalas ng bansang ito, ang bansang Amerika.  Subalit higit na nakakalula ang nakita nating suporta bukod sa Amerika ng iba pang bansa na buong pusong dumadamay sa atin mga kababayan sa kabisayaan, ilan sa mga bansang ito ang Australia – which has given us $28,490,029 United Kingdom – 24,162,431 United States – 22,515,398 UAE – 10,000,000, Denmark – 6, 915,000 – Norway – 6, 471,000 Sweden – 5,299,000 – Spain – 4,160,000 Austria – 1,859,000 Italy – 1,377,000 Finland – 1,356,000 Russian Federation 1,170,000 Mexico – 1M. Belgium, Japan, Czhech Republic, Estonia, Singapore, Thailand, Indonesia and China lately. Give hundred thousands and Million dollars. Hindi pa kasama dyan ung contributions ng CERF or Central Emergency Response Fund na umaabot ang contribution sa 25USD. European Commission, Asian Development Fund, Red Cross and other private organization who pledges large amount of relief financial assistance in millions figure.

Aside from those financial pledges mga kaibigan, nagpadala din ng mga delegates on medical and humanitarian assistance ang ibat ibang bansa sa pamamagitan ng kanilang air, sea and land operations. Medicines, foods, water and even engineering materials and power generators. The United States has about 50 ships and aircraft operating in the area, including 10 C130 planes, 12 V-22 Ospreys, Sea Hawk helicopters operating from USS George Washington. Japan has sent three ships with trucks and engineering equipment, while Thailand, Indonesia and Singapore have sent C130 planes to help deliver relief supplies.
Makikita po natin na napakalaki ng pondo na pumapasok para sa ating rebuilding process and assistance, at kung ang halaga na ito bukod sa iba pang ayuda ay makakarating talaga sa ating mga apektadong kababayan ito po ay napakalaking bagay, sapagkat ang problema natin ay nagsisimula pa lamang pagkatapos ng trahedya. The government has said with the estimated damage to infrastructure and agriculture at about to 10 billion pesos, the bulk of it in the farming sector na talaga nman nawasak at hindi na mapapakinabangan. Remember mga kaibigan ha, this is 10 billion. Parang 10 billion pork barrel scam lang ano po?  
SA mga bagay na ito mga kaibigan kahit paano gumagaan an gating pakiramdam na mayroon pang mga nagmamalasakit sa atin, ating pong nabanggit nga ng mga nakaraan na hindi pa tayo totally nakakarecover sa magnitude 7.2 earthquake na nangyari din sa kabisayaan ay heto na nman ang isang panibagong hagupit ng kalikasan.  Sa bawat araw at oras hindi kailanman natin makakalimutan ang larawan ng trahedyang ito, sa pamamagitan ng ating mga napapanood sa TV, napapakinggan sa Radyo at nababasa sa mga pahayagan o internet, lubhang nakakadurog ng puso ang sinapit n gating mga kababayan lalo na po ung mga taong talaga nmang mahihirap. We really don’t know how they are surviving, itong mga kapatid natin na ito lalo na dun sa mga talagang isolated places, sa mga mountaneous area walang pagkain, walang tubig wlang gamot at walang tirahan, parang mga hayop na basta na lang kakalat kalat sa daan. Ni hindi nila alam kung saan sila pupunta, wala nang kabuhayan at ung minalas malas talaga nawalan pa ng mga mahal sa buhay. For how many days we saw bodies lying on the ground on those places, hindi nila maiwan ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay. And sooner they will be starved to death pag hindi nakarating ng mabilis ang tulong sa knila. Isa nga sa nakatawag ng aking pansin mga kaibigan ung story ng isang Journalist when they covered this horrific event. May mga nakakausap syang tao na pinipilit pa ding ngumiti sa kabila ng kanilang kalagayan, walang makain, at may sakit, ang sabi nya halos ng lahat ng bagay na hindi nya natutunan sa propesyon nya bilang isang journalist ay dito nya natutunan sa pakikisalamuha sa mga tao. Dto nya na appreciate ang halaga ng buhay na meron sya at ang buhay na wala sa mga taong kanyang nakakausap. On the process He valued life more. Ang daming mga tao dun sa lugar na iyon na hindi na natin babanggitin kung saan dahil alam na natin lahat yan, ang mga taong ito ay walking dead na ika nga. Parang mga zombie na uhaw na uhaw o gutom na gutom sa literal na pagkain at tunay na tulong. Sabi ng journalist na ito, nung sya ay makauwi na sa lungsod, sya ngayon ay nakahiga sa isang kumportableng higaan, kumakain ng tama sa oras at nasa knya ang lahat ng kanyang kailangan, subalit pumapasok sa isip nya ang mga taong naiwan nya sa lugar na iyon na sa knyang pagtntya ay baka patay na dahil sa kawalan ng pagkain o maiinom. Nakakalungkot po mga kaibigan, We don’t know the real situation, and feelings kung wala tayo mismo sa lugar na iyon at personal na nakita ang knilang kalagayan. Watching thru TV and internet is not enough para masabi mo sa sarili mo you know how these people felt. Ofcourse we have emotions but living for even a day with these people and seeing them how they survive is different thing.
Nakabasa pa nga po tayo sa isang social sites na may mga talagang hindi pa nakakarating na tulong sa kadahilanang inuuna daw ng gobyerno ang tulong sa lugar ng administrayon or ung political territory, samantalang ung mga lugar ng oposisyon ay nababalewala. Well, wag naman po sana, at sana hindi po totoo ang balitang ito, na hanggang sa mga ganitong pagkakataon ba naman puro pamumulitika pa din ang iniisip ng ating mga lider? Anong pusong meron tayo kung gnyan ang takbo n gating mga pag iisip, puro pansariling interes. Pulitika? Nakakasawa na mga kaibigan. At dito ko nga natin hindi maiwasan maisip na ung mga milyong halaga or abot na sa bilyong halaga ng relief financial assistance na ating natanggap at tatanggapin pa ay makakarating talaga sa mga taong ito? Baka ksi iba na nman ang makinabang sa mga halaga na yan. We are talking here millions and take note this is dollars, millions of dollars and if we are converting it sa ating sariling pera this is billions. Mainit na nman sa mga mata ng mga buwaya sa ating bansa.
Kanina habang nagbabasa po ako ng mga istorya sa internet about sa mga nanyayari pa sa ating mga kababayan, hindi ko po maiwasan na malungkot at maluha dahil sa sinapit n gating mga kababayan. Halos lahat ng mga apektado ay mga mahihirap talaga na talaga nmang  kawawa sa pagkatataon na ito. Sabi nga eh, proud tayo maging Pilipino, proud tayo sa ating bansa, pero hindi tayo proud sa ating mga pinuno. Huwag na tayo magtaka, sino ba ung mga bumoto sa mga taong ito? Dba tayo din? Tapos magtatanong kpa bkit nagkakaganito ang bansa natin na kahit may trahedya puro pamomolitika pa din ang inaatupag. Sorry for the word mga kaibigan pero buhay pa ang mga taong ito pero sinusunog na ang kaluluwa ng mga ito sa impyerno. Just to exaggerate mga kaibigan, nakakalungkot na nakakainis ang ating nararamdaman. Walang pagbabago na nangyayari na dapat sana sa ganitong mga pagkakataon nakakapagbulay bulay ang mga taong ito sa knilang mga buhay, sa kanilang mga maling ginagawa.
Look at those people sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Haiyan? Ive seen or heard lots of them are attending churches, regardless of what faith they have or religion? Kahit pa na ung simbahan nila puro putik at sira at wasak ang bubungan, they are now turning to God in prayer asking for guidance and help, for their lives for their future. E itong mga political figures na ito, hindi po ntin nilalahat ha, itong mga taong ito na wlang ginawa kundi magnakaw at manamantala sa bayan, magsisimba itong mga ito sa impyerno.
Now this is the question mga kaibigan, nangyari na nga ang bagay na ito, sinalanta tayo ng one of the worlds strongest typhoon ever recorded on recent time, madami ang namatay, may mga naka survive. May mga tulong na dumadating, mga nakikisimpatya at iba pa. Again ang tanong… WHATS NEXT?  Hanggang dito nlang ba tayo? Anong epekto nito sa atin? Pagkatapos nito ano na? This is the time to change and a time to do what is right. After this kind of tragedy dpat Makita sa atin ang pagbabago ang pag-asa. We may be totally damaged but we need to rise again and hope for the best, magsimula sa sarili ng bawat isa sa atin, lalo na sa ating mga kababayan sa mga lugar na sinalanta. There is hope. It is surely wlang pag asa sa mga ibang tao na dpat nating asahan but hold your faith una sa lahat sa ating Panginoong Hesus. Isaiah 41:10 “Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand. 
A lot of people there are in the mode of survival, wlang makain, nagkakasakit at wlang gamot, marahil tinatanong mo sa sarili mo, nakaligtas ka nga pero mamamatay k nman sa gutom ngayon o sa sakit, it seems na there is no hope at all, ang bagal ng assistance, walang makarating sa lugar mo sapagkat hindi accessible, walang gamot and you are totally sick, you are asking for help but no one is able to reach you, I’ll tell you my bro and sisters. This is the time to strengthen your faith in God, kung niligtas ka ng Panginoon sa mga oras na iyon, sya din ang magliligtas pa rin sa iyo ngayon sa iyong karamdaman sa lahat ng banta ng panganib ng kawalan. Jeremiah 17:14 “Heal me, O Lord, and I shall be healed; save me, and I shall be saved, for you are my praise. James 5:15 “And the prayer of faith will save the one who is sick, and the Lord will raise him up. Alam ng ating Panginoon ang lahat ng ating mga pangangailangan, and He is able to provide everything that we need lalo na sa mga pagkakataon na ito. Sa mga oras na ito napakahalaga na alam natin ang kanyang mga salita ang kanyang mga pangako, na kailanman ay hindi napapako kagaya ng mga politiko. When God said He will provide sa mga oras ng kawalan, He will surely Is.  Philippians 4:19. my God will supply every need of yours according to his riches in glory in Christ Jesus. Hebrews 13:8 “ Jesus Christ is the same yesterday, today and forever. If God saves you that time, He will save you again and provide all that you needed to survive.
Sa mga kababayan nman natin na may puso sa pagtulong, huwag po kayong mapapagod sa ating mga kababayan at kapatid na nangangailangan, they need us now lalo na sa mga pagkakataon na ito. Sa mga ganitong pagkakataon dpat nating maipakita ang puso ng bawat isa, we should bring out the best in us. Romans 5:3-4 and James 1:2-4. As we have the opportunity we have to do good. Galatians 6:10. Kung ano ang kakayanan mo dapat nating ipagkaloob sa higit na nangangailangan. Makikita natin na ang mga tulong na nanggagaling sa ibat ibang tao, ibat ibang bansa comes in different and any forms. Sapagkat alam nila na iyon ang pangangailangan and that God leads them to give that way whole heartedly.
But ang pinaka importante ngayon mga kaibigan ay ang ating pagdamay sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng ating panalangin. Taos sa pusong pananalangin. This is what they need the most. 1 Timothy 2:1-2. We should pray for those who are directly afflicted and lost their love ones, lost their everything. And we need to pray as well dun sa mga taong tumutulong din nman, those who are providing relief (the govt. NGOs. At lahat ng ginamit ng Panginoon to help) to bless them and take charge by God in giving assistance.

Mga kaibigan ang pagkakataon na ito ay hindi panahon ng pagtuturuan, subalit panahon ng pagbangon at pagbabago, at higit sa lahat PAGBABALIK LOOB SA ATING PANGINOON. Somehow, it happens coz God wants us to seek Him and return to Him, This is the time mga kaibigan, not tomorrow but today. Today Matters. 

Linggo, Nobyembre 10, 2013

SUPER TYPHOON HAIYAN - Hits the Philippines


SUPER TYPHOON HAIYAN.

Hitting the Philippines with winds of 195mph, typhoon Haiyan has been described as the strongest tropical cyclone to make landfall in recorded history.
The category five storm - which has also been called Yolanda in the Philippines - is reported to have had speeds at landfall of 195mph and gusts of up to 235mph, meaning that it is believed to be stronger than the world's last strongest tropical cyclone, hurricane Camille, which was recorded as making landfall in Mississippi with 190 mph winds in 1969. The Guardian's south-east Asia correspondent, Kate Hodal, writes today:
Thousands of people have been evacuated and thousands more have fled their homes as the category five storm sent waves as high as 5m (15ft) ashore on the islands of Leyte and Samar in the central Philippines, overturning powerlines and leaving streets knee-deep in water. 
-Source "The Guardian Datablog Website". 

Mga kaibigan, nakita natin ang laki ng pinsala na dinulot ng Super Typhoon Haiyan sa ating bansa o mas kilala sa tawag sa ating bansa na Super Typhoon Yolanda. Daan ang mga nasawi at ilan pa ang mga sugatan sa pagdaan ng matinding bagyo na ito sa ating bansa. At pinangangambahan pa na tumaas ang bilang ng mga casualties pag naibalik na ang stability ng komunikasyon sa mga apektadong lugar. Kabilang na dito ang mga nasirang ari arian at mga buhay ng tao.  We almost know the rest of the story dahil sa pakikinig o panonood natin sa telebisyon, pagbabasa sa internet at iba pa. Even foreign news particularly CNN has a special coverage on this horrific event. We can  read on most social media sites people are asking for prayers, donations or help that could be extended for those who are badly affected by this super typhoon. Different people from different parts of the World are giving their deep sympathy for our nation. Sad to say, may mga tao pa din siguro na kulang sa pansin, pumapasok pa din ung racism, i forgot the name of this person na nabasa ko sa isang social network kamakailan lang that saying bad things about our country, and i think mas matindi ang super typhoon na nsa ulo nito kesa sa super typhoon Haiyan. baka nga category 6 pa yan kung meron man. ahahahahah. Dami din kasi mga taong kulang sa pansin, mapag usapan lang. Anyway, on the other hand. When i read one column on Philboxing.com earlier, even the current P4P King the American undefeated Floyd Mayweather has been giving His deep sympathy and prayer for our country. 

To wrap up mga kaibigan, since nangyari na ang mga bagay na ito, ndi pa man tayo totally nakakarecover sa strong earthquake na nangyari kamakailan lang at heto nga hinambalos naman tayo ng super typhoon Haiyan, one of the strongest super typhoon in the World, ang daming nagtatanong bakit nangyayari ito sa ating bansa? Walang may gusto na mangyari ito saan mang lugar saan mang panig ng mundo, dahil alam na alam natin na maraming maaapektuhan, malaking pinsala sa kabuhayan at buhay mismo ng mga tao.  There is something behind on all of these things. Tinatanong mo ba minsan ang sarili mo bakit nangyayari ang mga bagay na ito? natural disasters? natural calamities? I WILL ASK YOU, IS IT REALLY NATURAL? Most of the time God let these things to happen para gisingin tayo sa mahimbing na pagkakatulog, nahihimbing tayo sa mga bagay sa sanlibutan, sa mga gawain natin na hindi nakakalugod sa harapan ng ating Panginoon. The sin of man has been drastically incurable. O hindi ba totoo, marahil ung ibang makakabasa nito, magsasabi na it is a natural process of nature kaya nangyayari at hindi kailangan ng spiritual explanation. Well, again ill tell you this, silang mga hindi tumatanggap ng katotohanan at nagsasawalang bahala sa tinig ng Panginoon ay tatanggap ng kahatulan na naayon sa kanya. YOU CAN LAUGH NOW, BUT ONE THING IS FOR SURE, THE LAST LAUGH WILL NOT BE YOURS. We need to turn to God know and turn from our weaked ways before the judgement of the Lord runs over us. Sa mga pagkakataon na ito, natututo tayong magbulay bulay, there was wrong. It should not happen at all.  When we read the bible in the Old testament on the time of Noah, people are very busy, immorality has been rampant on all places until the judgement of the Lord takes place. If you read the bible you know the rest of the story. Now ask yourself? Can you tell me the connection? 2 Chronicles 7:14 "If my people, which are called by my name, shall humble themselves, and pray, and seek my face, and turn from their wicked ways; then will I hear from heaven, and will forgive their sin, and will heal their land.

It is good to pray for our country, for the people who are truly been affected by extreme chaos brought by 7.2 or higher magnitude earthquakes and the likes of category 5 super typhoon Haiyan, there is nothing wrong with it. But first we need to ask for God's grace to forgive us from our sins and shortcomings, tulog kasi tayo ng tulog most of the time. Let us strive to do what is pleasing to God, on ourselves, our family, our community and our country so that God will heal our land and spare us from threat of disasters that may come. 



Lunes, Oktubre 28, 2013

Who Do You Vote?

WHO DO YOU VOTE?


Katatapos lamang ng official baranggay election sa ating bansa, at ayon sa ating pagmamasid ay naging maayos naman ang pagdaraos ng baranggay election sa kapuluan maliban lamang sa ilang mga lugar na hindi maiwasan na magkaroon ng problema, kagaya na lamang ng balitang pagpapaliban ng eleksyon sa Bohol ayon kay Comelec Chairman Sixto Brilliantes Jr.na inanunsyo noon mga nakaraang pang araw, at ayon sa kanya ang paliwanag ay kanilang idadaan sa isang formal resolution. Matatandaang kamakailan lang ay malubhang naapektuhan ang Bohol sa 7.2 magnitude earthquake na tumama dito. Brillantes said the commission will issue a formal resolution ordering the postponement and setting of a new schedule for the barangay polls in Bohol as well as in Zamboanga City, which is still recovering from a three-week rebel siege last September. The Comelec earlier deferred the barangay elections in Zamboanga City after more than 400 Moro National Liberation Front rebels belonging to the Nur Misuari faction stormed Zamboanga City last Sept. 9 to seize the city hall and raise the flag of an “independent Bangsamoro Republik.” (Under the Philippine Star source).

Masasabi natin na hindi talaga maiwasan ang mga aberya o problema tuwing nagdaraos tayo ng eleksyon sa ating bansa. Hindi pa kasama dyan yung tinatawag nating election related violence, kung saan marami ang napapatay at nasusugatan na may kinalaman sa pulitika. Take note mga kaibigan, this is baranggay election, subalit ang labanan ay humahantong pa sa pagbubuwis ng buhay.

Ngayong ang malaking porsyento ng taong bayan ay nakaboto na sa kanya kanyang nasasakupan, ang tanong ngayon, ANO NA ANG SUSUNOD? Masasabi ba natin sa ating mga sarili kahapon na habang tayo po ay nagsusulat sa ating mga balota na karapat dapat ang ating mga hinalal? Mula sa Punong Baranggay hanggang sa mga kagawad? Ano po ba ang pamantayan kung nais nating ihalal ang isang tao upang mamuno? Noong national election atin ding pong nabanggit ang mga katanungang ito. Bakit po natin muli ito binibigyan ng pansin? Sapagkat dito po nakasalalay ang kaayusan ang kalagayan ng ating mga buhay sa ating mga baranggay. Ano ba ang pamantayan natin sa pagboto? Kaibigan mo? Kakilala? Sa ganang atin, sa oras na sinimulan mo ang pagsusulat ng unang letra ng pangalan ba balota, dito din nagsisimula ang pag guhit mo ng iyong nais na tahakin na buhay para sa iyong baranggay, sa pamunuan at pangangailangan. Kaya ang ating pong katanungan? Ano na ang susunod? Tayo po ba ay may mga ngiti pa ding makikita sa ating mga labi? O ngiting aso? Tayo po ba ay magsasasaya? O magiging matamlay pagkatapos ng lahat? Atin pong inuulit, sa atin pong mga desisyon nakasalalay ang paglalagay ng mga taong nais nating mamuno at maging lider ng ating bansa o maging sa pinakamaliit na lugar na ating nasasakupan.  Kawikaan 29:2 “Kapag matuwid ang namamahala, nagsasaya ang madla, ngunit matamlay ang bayan kung ang pinuno ay masama.
Dito po natin malalaman yan, kung tayo po ay magiging Masaya o magiging matamlay. Malinaw po ang sinsabi ng salita ng Panginoon, kaya huwag na po tayo magtaka kung bakit kadalasan ay walang pagbabago sa ating lipunan at buong bansa. Kung nais po nating magkaron ng pagbabago, dapat po itong magsimula sa ating mga sarili.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang ilan sa aking nabasa sa social media na 8 katangian ng isang matuwid na lider o pinuno.
1.   MAY TAKOT SA DIYOS.
Nahahayag sa buhay nya ang pagsunod salita ng ating Panginoon.  2 Samuel 23:3-4 “Ang Diyos ng Israel ay nagsabi, sa akin ay nagsalita ang bato ng Israel, kapag ang namamahala sa sangkatauhan ay matuwid, na NAMAMAHALANG MAY PAGKATAKOT SA DIYOS, kung magkagayon ay gaya iyong ng liwanag sa kinaumagahan kapag sumisikat ang araw, Isang umaga na walang ulap. Mula sa liwanag, mula sa ulan ay may damo mula sa ulap.

Kapag wala palang pagkatakot sa Diyos ang pinuno na ating inilagay, ay wag na tayong umasa pa na may pagbabago, o bagong umaga na gigising ka na may panibagong pag asa na darating. Yan ang karamihan at kadalasan nating nadidinig sa mga nagnanais maging lider, nangangako ng pagbabago at pag asa, sabi nga ng isang slogan ng isang kandidato dati, may bagong pag asa o umagang parating. Biblically speaking this will be true, kung sila may may PAGKATAKOT SA DIYOS. Malinaw na malinaw po iyan, Fear of the Lord not fear for a drug Lord na humahawak sa kanila or nagpopondo sa knila.

2.  MAY MALASAKIT AT PAGMAMAHAL SA BAYAN.
Tunay ba siyang Pilipino, sabi nga nila. SA isip? Sa salita at sa gawa? Gaya din ng sinsabi sa “Deutronomy 17:15. Tunay at hindi banyaga, anong pakahulugan nito?  Kapag sinabing tunay na Pilipino, hindi lamang yan sa lahi na pinagmulan mo kung tunay o hindi ang pinag uusapan dito kung ano ang iyong pagkatao? Paano ka magi sip? Paano ka magsalita? At kung nagagawa mo ang mga dapat mong gawin. Hndi puro plano, o eroplano, now you see, now you dont. hindi puro plataporma o puro porma kundi samakatuwid ay may pag gawa, hindi kpahintulutan na magtalaga ng isang lider o pinuno ng wala ang mga bagay na ito.

3.  MAY KAKAYAHANG MAMUNO.
May kakayahan ba siyang patakbuhin ang pinagkatiwalang tungkulin sa kanya?

Mark 9:35 “And He sat down and called the twelve, and He said to them, if anyone would be first, He should be last of all and servant of all. Mark 10:45 “For even the son of man came not to be served but to serve and to give his life as a ransom for many. Bakit kaba naghahangad na mamuno? Para ba sa sarili mo? O para maglingkod sa iba? Sapagkat ang numero unong tungkulin ng isang pinuno ay ang maglingkod at tuparin ang kanyang sinumpaang tungkulin nag paglilingkod sa kanyang kapwa.

4.  MAGALING MAMAHALA SA SARILING PAMILYA.
Nakakatugon ka ba sa pangangailangan ng iyong pamilya sa maayos na paraan? Sa kadahilanang paano mo mapaglilingkuran ang ibang tao kung sa iyong sariling pamilya ay hindi mo magawa ang iyong katungkulan? Ang iyong napiling mamuno ba na sinulat mo kahapon sa balota ay huwaran? O huwad? Siya ba ay tapat sa kanyang asawa? At anak? Hindi alipin ng anumang bisyo? O baka nman pare pareho silang adik sa pamilya? Mataas ba ang antas ng moralidad o mataas ang kinikita sa immoral na paraan? 1 Timothy 3:4 “Isang lalaki na namumuno sa kanyang sariling sambahayan sa MAHUSAY na pamamaraan, may mga anak na nagpapasakop ng buong pagkaseryoso. Samakatuwid, ang buhay mo sa iyong pamilya at nagiging salamin kung ano ang magiging itsura ng iyong pamayanang nasasakupan kung ikaw ay maging pinuno.

5.  MAY INTEGRIDAD
Hindi nangungurakot sa bayan o hindi nsasangkot sa katiwalian. Psalm 89:14 “ Ang katwiran at ang kahatulan ang siyang tatag na dako ng iyong trono, ang maibiging kabaitan at ang KATAPATAN ay dumarating sa harap ng iyong mukha. Dito mga kaibigan madaming sumasablay sa mga lider natin kuno, na kaya lang gusto mapasa pwesto ay upang magkamal ng kayamanan sa malinis na paraan. Opo mga kaibigan malinis… ibig sabihin, walang nakakaalam malinis ang pagkakatrabaho. Nasa iyo kaibigan kung kasama pa din sya sa iyong balota kanina. Sana po natututo tayo sa mga ganitong bagay, sapagkat ang salita ng ating Panginoon ay nagpapaalala din naman sa atin at nagbibigay ng gabay.

6.  MASIPAG
Ginugugol ang panahon sa pag ganap sa tungkulin. Colosians 3:23 “Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men. Sapagkat ang mga taong gumaganap ng may kasipagan sa kanilang tungkulin o anumang tamang Gawain ay nagtataglay ng pusong mapaglingkod, una sa paglilingkod sa kalooban ng Diyos at ang kalooban naman ng Diyos na pagpalain ang mga tao. Masipag hindi masipag sa katiwalian. Sabi nga nila double time in serving hindi double time or double crossing.

7.  TINUTUPAD ANG SINASABI
Mayroong isang salita sa pagtupad sa pangakong binitiwan, may kakayahang ipatupad kung ano ang tama, may lakas ng loob at pagpapakumbaba na tanggapin ang kamalian at ito ay itama.
Numbers 23:19 “God is not man, that he should lie, or a son of man, that he should change his mind. Has he said, and will he not do it? Or has he spoken, and will he not fulfill it?  Ating naisin na an gating mga lider na pinili ay may isang salita na kung ano ang makakabuti sa kanyang nasasakupan ay matupad at hindi lang isang pangarap o pangako na lagi na lamang napapako, ipinapatupad kung ano ang tama at walang kinikilingan, at higit sa lahat may pagpapakumbaba na handang tumanggap ng pagkakamali at itama ang kamalian para sa kapakanan ng nakararami. Hindi ung kung siya na ang may kasalanan ang dami pa niyang palusot at katwiran.

8.   WALANG PINAPANIGAN
Maaasahang magiging patas sa anumang pagpapasya. Proverbs 31:8-9 “Ibuka mo ang iyong bibig para sa pipi, sa usapin niyaong lahat na pumapanaw, ibuka mo ang iyong bibig, humatol ka nang matuwid at ipagtanggol mo ang usapin ng napipighati at nang dukha. Dito pumapasok ang interes ng iyong paglilingkuran, hindi nang iyong sarili, hindi ng iyong pamilya, ng iyong kaibigan, ng iyong pinagkakautangang loob. Kung ano ang tama dapat ang pinuno mo ay panig lamang sa katotohanan at sa tama. Walang palakasan, sabi nga ni Erap dati, walang kama kamag anak, walang pamilya, ang batas ay para sa lahat. Sabi naman ni Mayor Lim dati, the law applies to all, otherwise none at all. Balanseng paghatol, nagbibigay ng tamang katwiran dun sa tunay na nangangailangan at naaagrabyado, patas na hustisya. Lahat po tayo ay naghahangad ng pagbabago, nang maayos na pamayanan at mapayapang pamumuhay. Ang lahat ng bagay na iyan ay ating pinagpasiyahan knina matapos tayong bumoto. Ang ating panalangin ay nahalal ang mga karapat dapat na mamuno sa atin na may katangian ng lahat ng ating nabanggit, una at higit sa lahat ay may pagkakakilala at pagkatakot sa Diyos na una sa listahan sapagkat naniniwala po tayo na kung una ang Diyos sa lahat, ang bunga ay ang mga sumusunod sa 2-8.  Ang paglilingkod sa bayan sa kapwa ay walang hinihintay na kapalit, sapagkat ang Panginoon mismo ang magbibigay ng gantimpala sa tumutupad sa tungkulin nang may kalakasan. 2 Chronicles 15:7 - Be ye strong therefore, and let not your hands be weak: for your work shall be rewarded.