Lunes, Oktubre 28, 2013

Who Do You Vote?

WHO DO YOU VOTE?


Katatapos lamang ng official baranggay election sa ating bansa, at ayon sa ating pagmamasid ay naging maayos naman ang pagdaraos ng baranggay election sa kapuluan maliban lamang sa ilang mga lugar na hindi maiwasan na magkaroon ng problema, kagaya na lamang ng balitang pagpapaliban ng eleksyon sa Bohol ayon kay Comelec Chairman Sixto Brilliantes Jr.na inanunsyo noon mga nakaraang pang araw, at ayon sa kanya ang paliwanag ay kanilang idadaan sa isang formal resolution. Matatandaang kamakailan lang ay malubhang naapektuhan ang Bohol sa 7.2 magnitude earthquake na tumama dito. Brillantes said the commission will issue a formal resolution ordering the postponement and setting of a new schedule for the barangay polls in Bohol as well as in Zamboanga City, which is still recovering from a three-week rebel siege last September. The Comelec earlier deferred the barangay elections in Zamboanga City after more than 400 Moro National Liberation Front rebels belonging to the Nur Misuari faction stormed Zamboanga City last Sept. 9 to seize the city hall and raise the flag of an “independent Bangsamoro Republik.” (Under the Philippine Star source).

Masasabi natin na hindi talaga maiwasan ang mga aberya o problema tuwing nagdaraos tayo ng eleksyon sa ating bansa. Hindi pa kasama dyan yung tinatawag nating election related violence, kung saan marami ang napapatay at nasusugatan na may kinalaman sa pulitika. Take note mga kaibigan, this is baranggay election, subalit ang labanan ay humahantong pa sa pagbubuwis ng buhay.

Ngayong ang malaking porsyento ng taong bayan ay nakaboto na sa kanya kanyang nasasakupan, ang tanong ngayon, ANO NA ANG SUSUNOD? Masasabi ba natin sa ating mga sarili kahapon na habang tayo po ay nagsusulat sa ating mga balota na karapat dapat ang ating mga hinalal? Mula sa Punong Baranggay hanggang sa mga kagawad? Ano po ba ang pamantayan kung nais nating ihalal ang isang tao upang mamuno? Noong national election atin ding pong nabanggit ang mga katanungang ito. Bakit po natin muli ito binibigyan ng pansin? Sapagkat dito po nakasalalay ang kaayusan ang kalagayan ng ating mga buhay sa ating mga baranggay. Ano ba ang pamantayan natin sa pagboto? Kaibigan mo? Kakilala? Sa ganang atin, sa oras na sinimulan mo ang pagsusulat ng unang letra ng pangalan ba balota, dito din nagsisimula ang pag guhit mo ng iyong nais na tahakin na buhay para sa iyong baranggay, sa pamunuan at pangangailangan. Kaya ang ating pong katanungan? Ano na ang susunod? Tayo po ba ay may mga ngiti pa ding makikita sa ating mga labi? O ngiting aso? Tayo po ba ay magsasasaya? O magiging matamlay pagkatapos ng lahat? Atin pong inuulit, sa atin pong mga desisyon nakasalalay ang paglalagay ng mga taong nais nating mamuno at maging lider ng ating bansa o maging sa pinakamaliit na lugar na ating nasasakupan.  Kawikaan 29:2 “Kapag matuwid ang namamahala, nagsasaya ang madla, ngunit matamlay ang bayan kung ang pinuno ay masama.
Dito po natin malalaman yan, kung tayo po ay magiging Masaya o magiging matamlay. Malinaw po ang sinsabi ng salita ng Panginoon, kaya huwag na po tayo magtaka kung bakit kadalasan ay walang pagbabago sa ating lipunan at buong bansa. Kung nais po nating magkaron ng pagbabago, dapat po itong magsimula sa ating mga sarili.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang ilan sa aking nabasa sa social media na 8 katangian ng isang matuwid na lider o pinuno.
1.   MAY TAKOT SA DIYOS.
Nahahayag sa buhay nya ang pagsunod salita ng ating Panginoon.  2 Samuel 23:3-4 “Ang Diyos ng Israel ay nagsabi, sa akin ay nagsalita ang bato ng Israel, kapag ang namamahala sa sangkatauhan ay matuwid, na NAMAMAHALANG MAY PAGKATAKOT SA DIYOS, kung magkagayon ay gaya iyong ng liwanag sa kinaumagahan kapag sumisikat ang araw, Isang umaga na walang ulap. Mula sa liwanag, mula sa ulan ay may damo mula sa ulap.

Kapag wala palang pagkatakot sa Diyos ang pinuno na ating inilagay, ay wag na tayong umasa pa na may pagbabago, o bagong umaga na gigising ka na may panibagong pag asa na darating. Yan ang karamihan at kadalasan nating nadidinig sa mga nagnanais maging lider, nangangako ng pagbabago at pag asa, sabi nga ng isang slogan ng isang kandidato dati, may bagong pag asa o umagang parating. Biblically speaking this will be true, kung sila may may PAGKATAKOT SA DIYOS. Malinaw na malinaw po iyan, Fear of the Lord not fear for a drug Lord na humahawak sa kanila or nagpopondo sa knila.

2.  MAY MALASAKIT AT PAGMAMAHAL SA BAYAN.
Tunay ba siyang Pilipino, sabi nga nila. SA isip? Sa salita at sa gawa? Gaya din ng sinsabi sa “Deutronomy 17:15. Tunay at hindi banyaga, anong pakahulugan nito?  Kapag sinabing tunay na Pilipino, hindi lamang yan sa lahi na pinagmulan mo kung tunay o hindi ang pinag uusapan dito kung ano ang iyong pagkatao? Paano ka magi sip? Paano ka magsalita? At kung nagagawa mo ang mga dapat mong gawin. Hndi puro plano, o eroplano, now you see, now you dont. hindi puro plataporma o puro porma kundi samakatuwid ay may pag gawa, hindi kpahintulutan na magtalaga ng isang lider o pinuno ng wala ang mga bagay na ito.

3.  MAY KAKAYAHANG MAMUNO.
May kakayahan ba siyang patakbuhin ang pinagkatiwalang tungkulin sa kanya?

Mark 9:35 “And He sat down and called the twelve, and He said to them, if anyone would be first, He should be last of all and servant of all. Mark 10:45 “For even the son of man came not to be served but to serve and to give his life as a ransom for many. Bakit kaba naghahangad na mamuno? Para ba sa sarili mo? O para maglingkod sa iba? Sapagkat ang numero unong tungkulin ng isang pinuno ay ang maglingkod at tuparin ang kanyang sinumpaang tungkulin nag paglilingkod sa kanyang kapwa.

4.  MAGALING MAMAHALA SA SARILING PAMILYA.
Nakakatugon ka ba sa pangangailangan ng iyong pamilya sa maayos na paraan? Sa kadahilanang paano mo mapaglilingkuran ang ibang tao kung sa iyong sariling pamilya ay hindi mo magawa ang iyong katungkulan? Ang iyong napiling mamuno ba na sinulat mo kahapon sa balota ay huwaran? O huwad? Siya ba ay tapat sa kanyang asawa? At anak? Hindi alipin ng anumang bisyo? O baka nman pare pareho silang adik sa pamilya? Mataas ba ang antas ng moralidad o mataas ang kinikita sa immoral na paraan? 1 Timothy 3:4 “Isang lalaki na namumuno sa kanyang sariling sambahayan sa MAHUSAY na pamamaraan, may mga anak na nagpapasakop ng buong pagkaseryoso. Samakatuwid, ang buhay mo sa iyong pamilya at nagiging salamin kung ano ang magiging itsura ng iyong pamayanang nasasakupan kung ikaw ay maging pinuno.

5.  MAY INTEGRIDAD
Hindi nangungurakot sa bayan o hindi nsasangkot sa katiwalian. Psalm 89:14 “ Ang katwiran at ang kahatulan ang siyang tatag na dako ng iyong trono, ang maibiging kabaitan at ang KATAPATAN ay dumarating sa harap ng iyong mukha. Dito mga kaibigan madaming sumasablay sa mga lider natin kuno, na kaya lang gusto mapasa pwesto ay upang magkamal ng kayamanan sa malinis na paraan. Opo mga kaibigan malinis… ibig sabihin, walang nakakaalam malinis ang pagkakatrabaho. Nasa iyo kaibigan kung kasama pa din sya sa iyong balota kanina. Sana po natututo tayo sa mga ganitong bagay, sapagkat ang salita ng ating Panginoon ay nagpapaalala din naman sa atin at nagbibigay ng gabay.

6.  MASIPAG
Ginugugol ang panahon sa pag ganap sa tungkulin. Colosians 3:23 “Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men. Sapagkat ang mga taong gumaganap ng may kasipagan sa kanilang tungkulin o anumang tamang Gawain ay nagtataglay ng pusong mapaglingkod, una sa paglilingkod sa kalooban ng Diyos at ang kalooban naman ng Diyos na pagpalain ang mga tao. Masipag hindi masipag sa katiwalian. Sabi nga nila double time in serving hindi double time or double crossing.

7.  TINUTUPAD ANG SINASABI
Mayroong isang salita sa pagtupad sa pangakong binitiwan, may kakayahang ipatupad kung ano ang tama, may lakas ng loob at pagpapakumbaba na tanggapin ang kamalian at ito ay itama.
Numbers 23:19 “God is not man, that he should lie, or a son of man, that he should change his mind. Has he said, and will he not do it? Or has he spoken, and will he not fulfill it?  Ating naisin na an gating mga lider na pinili ay may isang salita na kung ano ang makakabuti sa kanyang nasasakupan ay matupad at hindi lang isang pangarap o pangako na lagi na lamang napapako, ipinapatupad kung ano ang tama at walang kinikilingan, at higit sa lahat may pagpapakumbaba na handang tumanggap ng pagkakamali at itama ang kamalian para sa kapakanan ng nakararami. Hindi ung kung siya na ang may kasalanan ang dami pa niyang palusot at katwiran.

8.   WALANG PINAPANIGAN
Maaasahang magiging patas sa anumang pagpapasya. Proverbs 31:8-9 “Ibuka mo ang iyong bibig para sa pipi, sa usapin niyaong lahat na pumapanaw, ibuka mo ang iyong bibig, humatol ka nang matuwid at ipagtanggol mo ang usapin ng napipighati at nang dukha. Dito pumapasok ang interes ng iyong paglilingkuran, hindi nang iyong sarili, hindi ng iyong pamilya, ng iyong kaibigan, ng iyong pinagkakautangang loob. Kung ano ang tama dapat ang pinuno mo ay panig lamang sa katotohanan at sa tama. Walang palakasan, sabi nga ni Erap dati, walang kama kamag anak, walang pamilya, ang batas ay para sa lahat. Sabi naman ni Mayor Lim dati, the law applies to all, otherwise none at all. Balanseng paghatol, nagbibigay ng tamang katwiran dun sa tunay na nangangailangan at naaagrabyado, patas na hustisya. Lahat po tayo ay naghahangad ng pagbabago, nang maayos na pamayanan at mapayapang pamumuhay. Ang lahat ng bagay na iyan ay ating pinagpasiyahan knina matapos tayong bumoto. Ang ating panalangin ay nahalal ang mga karapat dapat na mamuno sa atin na may katangian ng lahat ng ating nabanggit, una at higit sa lahat ay may pagkakakilala at pagkatakot sa Diyos na una sa listahan sapagkat naniniwala po tayo na kung una ang Diyos sa lahat, ang bunga ay ang mga sumusunod sa 2-8.  Ang paglilingkod sa bayan sa kapwa ay walang hinihintay na kapalit, sapagkat ang Panginoon mismo ang magbibigay ng gantimpala sa tumutupad sa tungkulin nang may kalakasan. 2 Chronicles 15:7 - Be ye strong therefore, and let not your hands be weak: for your work shall be rewarded.

Huwebes, Oktubre 24, 2013

MAGNITUDE 7.2 EARTHQUAKE - Review and Updates

MAGNITUDE 7.2 EARTHQUAKE - Review and Updates. PHILIPPINES.


Martes ng Umaga, October 15, 2013….

Lampas isang linggo na rin ang nakalilipas ng tayo ay masorpresa sa nanyaring lindol sa central visayas na may magnitude na 7.2 kung saan lubhang naapektuhan ang Bohol at ang Cebu.  Sino ang mag aakala na kasabay ng pag gising ng mamayan ng umagang yon ay ang pag gising din ng nagbabantang lindol at nangyari na nga ang hindi inaasahan. The rest of the story sa trahedya na ito ay nakita nating lahat, ang pinsalang dinulot sa ating mga kababayan. Sinasabi na ang mga lugar gaya ng Cebu at Bohol ay bibihirang tamaan ng lindol dahil hindi ganoon ka active ang fault sa ilalim ng lupa nito kung meron man, kung ihahalintulad sa mga active faults na gaya ng sa Siargao at Zambales ayon kay research specialist Ric Mangao nang Philvocs. Kung kayat araw ng Miyerkules sinabi ng Philvocs na a newly discovered fault might be the source of the Visayas earthquake. Alam nang bawat isa sa atin na ang kapuluan ng bansang Pilipinas ay prone sa lindol dahil sa mga aktibong fault line nito maliban sa Palawan. At ang nakakatakot ayon sa mga eksperto na ang anumang oras ay maaaring sapitin ng Maynila ang sinapit ng Central visayas kamakailan lang. Experts warn that many parts of the Philippines—including the nation's densely-populated capital—are long overdue for major earthquakes, and we can't entirely be sure where the next big one will strike.

But one thing is for certain, it’s only a matter of time. We all know mga kaibigan na kung sakali na mangyari ang bagay na ito sa Maynila, lubhang malaking pinsala ang idudulot nito sa mga buhay ng tao at mga ari arian, kung hindi po tayo nagkakamali ayon sa kinauukulan humigit kumulang na 35000 agad na katao ang casualties sa tinatawag nilang Big Thing. The active fault that was hidden under Metro Manila is the West Valley Fault line.
"Ripe na gumalaw ang fault. Napakataas ng probability na gumalaw ito in the future, hindi lang natin masabi ang exact date and time," Phivolcs deputy director Bartolome Bautista said during a Senate inquiry on the country's disaster preparedness on Wednesday.

The earthquake fault runs from the Sierra Madre mountain range to Tagaytay, and moves every 200 to 400 years. The last time this fault moved was 200 years ago. Phivolcs presented the prediction in July this year, warning Metro Manila that this quake is due to happen within our lifetimes.
Mga Kaibigan at tagapakinig, bakit po natin sinasabi o tinatalakay ang mga bagay na ito? Gusto po natin na linawin na ang intensyon po ng paksa na ito ay upang imulat po tayo sa paghahanda hindi po upang manakot o ano pa man para ating ipag alala. Ang lindol po ay hindi gaya ng bagyo na puede mo ma predict kung kelan tatama at kung paano gagalaw at kung gaano kalakas, kahit pa sabihin natin na may mga instrumento ang mga siyentipiko na gaya ng seismograph na nagmomonitor sa paggalaw ng lupa hindi nito syento porsyento masasabi na may bantang panganib ng lindol na darating at kung gaano kalakas. So, ano ang mga bagay na maaari nating gawin bilang paghahanda? Kung hindi naman pala natin mapipigilan ang ganitong klase ng trahedya? Kamakailan lang ang ating pamahalaan ay naghahanda na sa mga ganitong senaryo at sa ating pagkakaalam ay naglalaan na ng  budget upang mapaghandaan ang nagbabantang trahedya hindi lang sa ilang lugar sa ating bansa kundi sa pangunahing lungsod ang Maynila. Ang dami nating dapat I consider at nakikitang problema, lalo na kung paano I nu neutralize ang casualties o pinsala, dahil bukod sa malaking populasyon ng mga naninirahan sa Maynila ay madaming naglalakihang gusali ang nakatayo dito na maaaring bumagsak sakaling tamaan tayo ng malakas na lindol. At ang mahirap pa, kung sa gabi ito mangyayari sabi nga nila, siguradong madami ang mapapahamak sapagkat hindi handa at karamihan sa atin ay nagpapahinga na.
Ngayon mga kaibigan, babalik tayo sa katanungan kanina, ano ang dapat nating gawin sa mga ganitong pagkakataon? Kung hindi nman pala natin mapipigilan ang ganitong pangyayari? Siguro una at higit sa lahat dapat muna nating maintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Sa usapin ng siyensya, nangyayari ang lindol dahil sa paggalaw ng mga fault line sa ilalim ng lupa parte ng tinatawag nating earth’s activity, hindi na natin papalawakin pa ang paliwanag on scientific explanations at alam na natin ito sa panahon ng ating pag aaral, maliban na lang kung absent ka sa school ng mga oras na iyon.  Kung ating palalawakin ang ating natural na pag iisip at pag aanalisa? Bukod sa parte ito ng proseso sa aktibidad ng mundo, ano ang tunay na dahilan bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Alam natin na ang lahat ng bagay ay may dahilan, Ang tubig ay hindi magbibigay ng apoy,gayundin nman ang apoy upang magbigay ng tubig. Ang uod sa mga sanga ng isang halaman ay nagiging isang magandang paro paro nang ganon ganon na lang ng walang kadahilanan. O ikaw na tao ay lumitaw sa mundong ibabaw na walang patutunguhan at walang saysay. Samakatuwid, may dahilan at kung alam mo ang TUNAY na dahilan, marahil ALAM MO KUNG BKIT KA MAGHAHANDA AT PAANO KA MAGHAHANDA.
Makikita natin na sa ating kapanahunan lubhang nakaaalarma ang mga trahedya, salot, kahirapan at kaguluhan sa ating bansa at sa buong mundo, hindi po lingid sa ating lahat yan. Marahil ang karamihan sa atin ay tinatanggap na lang ito bilang isang natural na kaganapan sa ating mga buhay parang isang telenobela na araw araw nating napapanood kung kaya’t hindi na bago sa atin at pinagsasawalang bahala na lamang. Bakit ang daming nagugutom ngayon sa mundo? Madaming naglalabanan, bansa sa bansa bakit may mga salot o sakit na hanggang sa ngayon ay hindi pa din kayang tugunan o kontrolin ng medisina? Bakit mayroong climate change? Malalakas na delubyo kagaya ng lindol, bagyo at iba pang mapaminsalang gawa ng kalikasan. At kung sa mga unang panahon ito ay hindi ganoon katindi, bakit ngayon ay laganap ang mga ganitong pangyayari sa ating kapanahunan? Masasabi ba natin na ito ay natural na bagay lamang at pangyayari. Ano kaya ang pakahulugan ng mga bagay na ito sa ating mundo?

LUKE 21:11 "There will be great earthquakes, and in various places famines and pestilence. And there will be terrors and great signs from heaven.

MAT 24:7 "For nation will rise against nation and kingdom against kingdom.  And there will be famines and earthquakes in various places.

Revelation 6:12-14 - And I beheld when he had opened the sixth seal, and, lo, there was a great earthquake; and the sun became black as sackcloth of hair, and the moon became as blood;

Alam natin na sunod sunod na ang mga ganitong pangyayari sa ating kapanahunan and there is only one thing for sure this is not an ordinary event of human race, this is an event of the ages that we are now living in the last days. Ang mga talata sa salita ng ating Panginoon na ating binanggit ay mga propesiya sa mga magaganap sa huling kapanahunan na dapat nating maintindihan at paghandaan. Lubhang mapanganib at mapaminsala. 2 Timothy 3:1 - This know also, that in the last days perilous times shall come.

Kung ating pong naiintindihan that we are on the last days, we know as well that our Lord Jesus Christ is coming very very soon. We therefore understood that those natural disasters, pestilence, wars, deseases and pestilence are the signs that the end is near as we read in the bible. And God gave us those signs for us to be ready and be prepared when He comes. Ang panahon natin ngayon ay lumilipas na hindi natin napapansin subalit ang mga kaganapan sa ating kapaligiran ay nagsasabi sa atin na malapit na ang pagbabalik ng ating Panginoon. Matthew 24:22 - And except those days should be shortened, there should no flesh be saved: but for the elect's sake those days shall be shortened.

Kung tayo po ay naghahanda sa mga ganitong kaganapan sa mga ganitong pangyayari sa ating kaligtasan ay inihahanda din po tayo higit ng ating Panginoong sa kanyang muling pagbabalik, He is given us these signs para sabihin nya sa iyo at sa akin na malapit na akong dumating. Matthew 24:44 - Therefore be ye also ready: for in such an hour as ye think not the Son of man cometh.

Ngayon na alam na natin kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa ating kapanahunan, malinaw na ngayon sa atin na ang nararapat na paghahanda na dapat nating gawin ay dapat magsimula sa ating mga sarili sa ating mga kaluluwa. Paghahanda hindi lamang sa mundong ibabaw kundi sa ating buhay sa piling ng ating Panginoong Hesus. Now is the time my friend to be ready, He has given us signs because He loves us and He wants us to inherit His Kingdom and everlasting life. Darating ang araw na ang lahat ng bagay dito sa mundo ay mawawala, ano man ang estado mo sa iyong buhay, walang mahirap, wlang mayaman, all your possession will be vanish, even earthquakes or any other strong calamities can take it away. Matthew 24:35 “Heaven and earth shall pass away, but my words shall not pass away”. kaya walang sinuman ang makapag mamalaki sa atin lalo na ung mga taong walang ginawang mabuti sa kanyang kapwa at higit sa lahat sa Diyos. The judgement is near. All the signs has been unfolding quickly, ang tanong, bukod sa paghahanda natin sa mga mangyayari sa ating kapanahunan, are we ready to face the Lord? Are we ready to be in His Kingdom? Sa inyo ko po mga kaibigan iiwan ang mga katanungan na iyan.


KEEP ON WALKING

DONT BE AFRAID, KEEP ON WALKING


Gusto ko po muli magbahagi sa inyo ng maikling kwento tungkol sa aking nabasa sa isang Christian booklet na Our Daily Bread, tagalog edition. Ito po ay tungkol sa isang ina at kanyang anak na bata pa.  Siguro mga 5 years old lamang yung bata kung ating ivivisualize. Ang kwento, habang naglalakad ang mag ina o namamasyal, ang bata ay tuwang tuwa, palundag lundag, pakanta kanta at msasabi nating hindi alintana kung gano kalayo na ang kanilang nararating sa pamamasyal dahil sila ay masayang naglalakad. Hanggang sa dumating ang oras na yung bata sa kanilang paglalakad ay napahinto at natakot, nangunyapit sa kanyang ina, ang kaninang  msaya at puno ng sigla na mukha ng bata ay napalitan ng takot at pag aalala. Ang dahilan? Nakasalubong sila ng isang lalaki na may dalang aso, isang malaking aso na mabangis ang itsura na naging dahilan upang matakot ang bata. Halos ayaw na maglakad at napahinto na lang ang mag ina kahit pa pinipilit syang aluin ng kanyang ina upang magpatuloy sa paglakad ay hindi na nya magawa pa.
Naalala ko din po mga kaibigan, nung ako ay maliit pa tuwing kasama ko ang nanay ko sa pamamasyal pag ako nakakita ng estatwa ay natatakot ako, ayaw ko nang dumaan pa sa lugar na iyon o maglakad pa, ganon siguro ang mga bata pag may nakikitang sa tingin nila ay hindi maganda sa kanilang paningin. 

Mga kaibigan, ang ating maikling kwento ay may malaking pagkakahalintulad sa ating mga buhay.  Madalas sa paglalakbay natin sa mundong ito, punong puno tayo ng kagalakan at kasiyahan habang tayo ay namumuhay subalit ang katotohanang sa pagsapit ng mga hindi magagandang bagay na ating nakikita o mga dumadating sa ating harapan na nagbibigay sa atin ng takot ay dagling napapawi ang ating mga kasiyahan at itoy napapalitan ng pagkatakot at kalungkutan. Takot tayong masaktan, takot tayong mabigo. Takot tayo sa mga problema na dumarating sa ating buhay sapagkat hindi natin alam kung paano natin haharapin at paano natin malalampasan ang mga bagay na ito. Kagaya ng bata sa ating kwnto, bigla nlang tayo humihinto at hindi na nagpapatuloy pa.

Mga kaibigan, sa panahon ngayon hindi lang ikaw o ako ang may kinatatakutan o problema, ang dami sa mundong ito ang may magkakahalintulad na sitwasyon, subalit ang katanungan na lang ay paano natin ito hinaharap? Kung sinasabi ng iba na hindi mo kaya o wala nang pag asa pa, tayo po ba ay naniniwala na wala na talagang pag-asa? Kadalasan ung mga taong dapat sanay sumusuporta sayo para ikaw ay tulungan at iangat sa pagkakabagsak mo ay sya pa ang tuluyang nagdidiin sayo sa putikan o tuluyan kang hinihila pababa. Yan ang mga dahilan kung bakit ayaw na natin lumaban pa, kasi ung mismong dpat sanay kakampi natin o sa panig natin ay siyang numero unong nagpapahirap sa atin. Imbes na magpatuloy tayong lumaban at bumangon, tuluyan tayong nalulugmok, para tayong nakakita ng mga hayop o asong mabangis sa daan na anumang oras ay puede tayong sagpangin.

Sabi nga nila ang buhay ay parang isang karera, na kung sino ang mauunang makarating sa dulo o sa finish line siyang magwawagi. Habang tumatakbo ka, dumarating sayo ang pagod, dumarating ang mga bagay na naglalaro sa isipan mo, kaya ko ba? Kaya ko bang tapusin? Kinakausap mo ang sarili mo na pagod kna at baka hindi mo na kayanin pa, subalit patuloy kpa din tumatakbo at umaasa na aabot ka sa finish line.

Katotohanan din sa buhay na sa ating pagtakbo at pagpapatuloy ay may kaakibat na paghahanda, mental at pisikal. Ako man po mga kaibigan nung sumali ako sa aming fun run sa aming kumpanya, akala ko ganon kadali, akala ko kaya kong tapusin ng mabilisan, subalit nung Makita ko ung layo ng dapat ko pang takbuhin parang nanghina loob ko, kasi alam ko na kakapusin ako ng resistensya, at nakikita ko din ung mga iba kong ksama ay huminto na ung iba nman ay nandadaya may shortcut para lang manalo. Sa mga oras na iyon naisip ko, is it worth? Na magpapagod akong lumaban pero ung iba nandadaya? Hindi ba ganyan sa ating mga buhay? Ang daming mga taong hindi lumalaban ng parehas, daming nagnanakaw ng pagkakataon at ung iba pang literal na magnanakaw, magnanakaw sa gobyerno at magnanakaw sa kapaligiran mo, nakakatakot at nakakawalang gana. Pambihira nman nsa tinutuluyang bahay mo na ikaw, mananakawan kpa? Ang babangis ng mga taong ito diba? Don’t get me wrong mga kaibigan, hindi po tayo lumalayo sa ating paksa, ang pinupunto po natin dito ay ang mga bagay na nagiging hadlang upang hindi tayo makapagpatuloy sa ating lakarin sa ating takbuhin sa ating buhay dahil sa mga nakikita at nasasalubong natin sa daan. Anong daan? Sa daan ng buhay mo. Kadalasan kasi hindi lang aso na mabagsik ang nasasalubong mo eh, kundi LOBO mabagsik na LOBO.

Ngayon nman sa mga problema natin sa buhay? Kanina sa mga nakikita natin, sa kapwa natin na nagiging dahilan ng panghihina natin at pagkadismaya. Mismong sa ating mga sarili meron tayo nyan. Madali tayong tamaan ng panghihina at kawalang pag-asa. Naalala ko po nung nakaraan lamang  nung ang ating pong Your Friend Team ay bumisita sa lugar ng isa sa ating listeners at nakausap po natin ang may ari ng tahanan na hindi na po natin babanggitin ang pangalan sa aming kamustahan at pag uusap, nabanggit nya ang tungkol sa knyang anak, na masasabi nating mabuting tao, subalit dumarating talaga ang pagkakataon na may mga taong makakasama tayo na hindi makpagbibigay sa atin ng mgandang impluwensya, mga barkada na ika nga na magiging sanhi upang makagawa tayo ng isang bagay na pagsisisihan natin sa huli. SA paglalahad ng kwento saken ni Ate, ang kanyang anak ay nag aaply ng trabaho, subalit nahihirapan makahanap o matanggap sa dahilang madaming tattoo ang kanyang anak na dahil sa impluwensya ng knyang mga barkada, ang daming pgkakataon sana, subalit may mga kompanya na tumatanggi dahil sa kanyang mga tattoo sa katawan, sabi nga ni Ate, pinagsisisihan ng kanyang anak kung bakit sya nagpatatoo na nagiging dahilan upang hindi sya mapagbgyan na makpag trabaho. Madami ang nagsasabi na hindi na magkakarong ng hanap buhay ang kanyang anak, subalit ang isa sa nakakahangang bagay na binanggit ni ate, ay nang sabihin nya na ang kanyang tiwala ay nasa ating Panginoon. Sinasabi man ng iba na wala nang pag Asa at walang pagkakataon, subalit sa Panginoon wlang imposible kung tayo ay karapat dapat. Ang mahalaga ay nalalaman natin an gating pagkakamali and we learn from it, we ask for forgiveness from the Lord heartily, at alam ng Panginoon ang laman ng ating mga Puso kung tayo ay tapat at sinsero, and surely the favor of the Lord will be given unto us. If we have faith. Huwag po tayong matakot kaibigan, hindi ang kahinaan mo ngayon ang importante, hindi ang mga nagawa mong kasalanan, hindi ang sitwasyon mo ngayon, hindi ang problema mo ngayon, hindi ang lahat ng iyan na nagbibigay ng takot sayo, ang mahalaga ay ang pananalig mo sa ating Panginoong Hesus. Habang naglalakbay tayo sa ating buhay, kailangan nating maging matatag at matapang sa mga nakakasalubong natin or nararanasan natin sa ating mga buhay. Wag kang matakot, magpatuloy ka na may pananalig sa kanya. Isaiah 41:10 “Huwag kang matakot sapagkat akoy kasama mo, huwag kang mabalisa sapagkat ako ang iyong Diyos, aking palalakasin ka, oo ikaw ay aking tutulungan, ikaw ay aking aalalayan ng kamay ng aking katwiran”.


Martes, Oktubre 15, 2013

Your Friend Radio Program Website on Weebly

Hello Bloggers and Friends, kindly visit our Your Friend Radio Program Website and be a part of this Public Service Christian Program. Here is the link: http://yourfriendjesus.weebly.com/ See you there and God bless.

EARTHQUAKE HITS SOUTHERN PART OF THE PHILIPPINES - Photoblog

MAGNITUDE 7.2 EARTHQUAKE HITS SOUTHERN PART OF THE PHILIPPINES

VIDPHOTOBLOG

 

Videophotoblog. Some of the footage from the 7.2 Magnitude Earthquake that hit Southern Philippines Tuesday morning.

NBA Superstar from Los Angeles Lakers, Pau Gasol, once again expresses His concern and a message of support for the Philippines on His tweets. This is not the first time that the Spanish NBA Superstar sent out good vibes for the country wherein He tweeted a similar message of support on the aftermath of natural calamity such as heavy floods caused by storm and habagat.
PAU GASOL - NBA LA Lakers Superstar









Lunes, Oktubre 7, 2013

The Real Success

THE REAL SUCCESS.


Gusto ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng buhay ni Jeff mula sa bansang Amerika at ang pag-asa natin na sana’y maging inspirasyon ng bawat isa na hindi sa lahat ng oras ikaw ay nag iisa at sa mga oras ng kadiliman sa iyong buhay, muling sisikat ang liwanag sa iyong buhay.

Taong 2007, ika 11 ng buwan ng Nobyembre, si Jeff ay nagpasya na pumasok sa isang employment center na hindi na natin babanggitin ang pangalan, but I can tell you na this is an employment inspirational center. Umaasa si Jeff na magkakaron ng pagbabago sa kanyang buhay subalit sa kabilang banda hindi sya sigurado kung ano ang kanyang dadatnan o dapat na asahan. Sa mga oras na iyon, masasabi nating walang matinong ahensya o kumpanya ang maaring tumanggap sa knya, kahit bilang part time o volunteer dahil sa knyang itsura, na napabayaan na ang kanyang sarili, hindi nag ahit ng kanyang balbas, hindi kagandahan ang damit, at masasabi nating si Jeff ay nasa survival mode sa mga oras na iyon ng kanyang buhay. Ito ay sa kadahilanang inabuso nya ang kanyang katawan sa pag inom ng alak at iba pang uri ng alcohol na lubhang masama sa kalusugan, maraming taon ang knyang ginugol at sya ay naging talamak sa bagay na ito, kung kaya siya ay nawalan ng tirahan, nawalan ng mga kaibigan at higit sa lahat nawalan ng suporta sa kanyang pamilya. Totally siya ay sinusuka na ng mga dating nagmamahal sa knya at sa tingin nila wala na itong pag-asa. Sabi ni Jeff, maging ang kaisa-isang nagmamahal at nagmamalasakit sa knya na kanyang ina ay hindi na sya pinapahintulutan pang manirahan sa kanilang bahay sa kadahilanang inabuso na nito ang pagtitiwala ng kanyang mga mahal sa buhay sa mahabang panahon at maraming pagkakataon at ayaw na siya pagkatiwalaan pa maging ng kanyang mga malalapit na kaibigan. Sa kadahilanang siya ay lubos na nagumon sa kanyang bisyo at wala nang patutunguhan.

Nang mga oras na si Jeff ay pumasok sa isang employment center upang magbakasakali, siya ay tinanggap nang maayos at pinakitaan ng mabuti, inalalayan at nirespeto bilang isang tao. Sa loob ng anim na buwan, si Jeff ay unti unting nagkaron ng pagbabago sa buhay at kinakitaan ng personal na pag unlad. Hindi lamang nasumpungan ni Jeff ang kanyang panibagong kakayahan upang magsimula ng panibagong buhay, una at higit sa lahat nasumpungan nya ang pananampalataya at pag-ibig na nanggagaling sa ating Panginoong Hesus. Jeff was inspired, nagpatuloy sya hanggang sya ay lumalim sa pagkakakilala sa ating Panginoong Hesus at lumago ng lumago ang knyang pananampalataya. Siya ay naging isa sa pinakamatagumpay na empleyado sa kanyang pinagttrabahuhan, naging lider at tumutulong sa kanyang mga kasamahan sa lahat ng bagay.  Sa madaling salita, Jeff became a prime leader sa mga panahon na iyon. Sumailalim din si Jeff sa ilang pagsasanay na binigay ng kanyang kumpanya, at makalipas pa ang limang buwan, siya ay naging permanente na sa kanyang trabaho. Hindi lang yan, si Jeff ngayon ang isa sa pinakamataas ang sweldo sa kanyang mga kasamahan, maging sa mga nauna pa sa knya na mga empleyado. Sa pagbabalik tanaw mula sa nakalipas na panahon ng buhay ni Jeff, malayo na ang kanyang narating at nanumbalik ang pagtitiwala sa knya ng kanyang pamilya, nagkaroon sya ng maraming kaibigan sa knyang kumpanyang pinaglilingkuran, nagkaron ng panibagong saysay at halaga ang kanyang buhay na dati dati ay wala nang pag-asa.

Nang minsang may magtanong sa kanya kung ano ang masasabi nya ngayon sa kanyang tinatamasang tagumpay at kaunlaran…sabi nga ng kanta ni Daniel Padilla, “NASAYO NA ANG LAHAT”…….Ang tanging sagot ni Jeff? Hindi ang trabaho, ang kayamanan, ang katanyagan ang salapi ang estado  ko sa buhay ang aking tunay na kayamanan sa mga oras na ito. Hindi ang lahat ng iyan ang aking nasumpungan na nagpapasaya sa akin at kung ano man ako ngayon, ang aking tunay na kayamanan na hindi kailanman kayang agawin sa akin, ito ay ang kayamanan na kahit saan man ako mapunta mananatiling nasa akin kahit sa kabilang buhay, ito ay ang kayamanan na makilala ko ang aking Panginoong Hesus sa aking buhay, ang tunay na nagbigay ng pag asa sa akin sa mga oras na ako ay walang halaga. Ang lahat ng bagay na tinatamasa ko ngayon ay bunga lamang ng pagtanggap ko sa knya bilang aking Panginoon at sariling tagapagligtas. Ang tunay na kayamanan ay ang buhay na walang hanggan na aking natanggap simula ng makilala ko ang Panginoon.

Mga kaibigan, marahil nakikita natin sa mga oras na ito ang ating mga sarili sa katauhan ni Jeff, sa maraming pagkakataon at maraming bagay. Madalas nating tanungin ang ating mga sarili may pag-asa pa ba? May halaga pa ba ang buhay natin. Hindi man ikaw ang direktang may ganitong suliranin sa buhay subalit ang isa sa miyembro ng pamilya mo o kaibigan mo, yung mga taong malalapit sa iyo.  Maaari na sila ay nasa ganitong kalagayan ng buhay dati ni Jeff. Kung tayo ay nakakarelate sa ganitong klaseng sitwasyon o dumadanas ka ng matinding depresyon at problema sa iyong buhay, wala kang ibang dapat gawin kundi ang magsimulang humakbang sa tamang landas, na may pagtitiwala sa ating Panginoong Hesus na iyong magiging gabay sa iyong pagsisimula. kailangan muna na maging malinaw sayo kung ano ang gusto mong mangyari sa iyong buhay, kung gusto mo bang manatili na lang ng habang buhay sa gnyang kalagayan or gusto mo magkaroon ng pagbabago sa buhay mo ngayon.

Mga kaibigan, si Jeff sa ating kwento ay nagbakasakali lamang sa kanyang pagpasok sa isang employment center upang mabuhay kahit paano. Opo, kahit paano, dahil wala nang tumatanggap sa kanya, sinusuka na sya ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Ang gusto lamang nya ay manumbalik ang kanyang dating buhay, ang kanyang pamilya ang kanyang mga kaibigan. To gain trust and the feeling of belongingness.  Kung tutuusin moral at social nga lang na pangangailangan ang hinahanap nya eh yung matanggap syang muli ng mga tao. He tries to use a job to start a new life to gain trust once again, not necessarily pera o kayamanan. Subalit ano ang higit na natagpuan nya? ITS MORE THAN THESE THINGS! Hindi ang mga bagay na nais nya ang una nyang nakita at natanggap. How could you imagine? Naghahanap ka lamang ng tanso sa daanan para maibenta sa junkshop, subalit ang iyong natagpuan ay ginto? Do u think it is an accident? coincidence? God has something better or even best that we could ever imagine. Darating ang time na you will inspired others who has the same situation with you, and that’s because you had take a step in trusting God. Proverbs 3:5-6 “Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways acknowledge Him, and He will direct your paths straight. Sabi ng salita ng Panginoon, LEAN NOT ON YOUR OWN UNDERSTANDING” bakit po? Kasi likas sa tao ang magi sip ng mga bagay ayon lang sa kanilang paniniwala o kagustuhan, likas sa mga tao ang magtanong sa knilang mga sarili o maging partial. Baka kasi ganito, baka kasi ganon, baka hindi ko kaya. Ang daming baka, kaya nga ang sabi ng Panginoon lean not, kasi limitado ang ating mga pag iisip, what is impossible to men is possible with God when you trust Him wholeheartedly. Acknowledge God and He will do the rest.  I believed the secret of success ni Jeff is because simula ng makilala nya ang ating Panginoon, He let God takes over sa buhay nya completely, He is motivated He remain in God’s word and promises and live by it. When you say live by it, It means doing what pleases God, trusting God and putting God first in everything. Matthew 6:33. Lahat ng iyan ay ipagkakaloob sayo ng Panginoon, kung uunahin mo ang Panginoon sa iyong buhay. Like Jeff, He first encountered God in His life, then ano po ang nangyari? The rest of the story tells us what happened. Hindi po nagtatangi ang ating Panginoon, what happened to Jeff can also happen to each and everyone of us, our Lord Jesus Christ is the same yesterday, today ang forever. Hebrews 13:8. IF, ONLY IF, you put God first, you trust Him and Loved Him more than anything else. Kaya hindi po tayo dapat mawalan po ng pag-asa God had given us everything ang kailangan lang natin ay magsimula ngayon, hindi bukas hindi sa mga susunod na araw, ngayon po ang tamang oras upang kausapin mo sya and ask for His Lordship over your life. Acknowledge that wala tayong magagawa malibang wala ang ating Panginoong Hesus sa ating mga buhay. You will be surprise, darating ang time na magbabalik tanaw ka sa mga oras na ito, October 8, 2013, marahil nagbabasa ka dahil may problema ka, sooner or later you will find yourself speaking to others, motivating others and an inspiration to others. This is the time kaibigan, after you read this, pray to God, talk to Him. God has something wonderful awaits you, He wants to hug you now to let you feel His overflowing love.. God loves you from the time you were born.

The Ultimate Sacrifice

The Ultimate Sacrifice. 


Hindi pa din lubusang natatapos ang sigalot sa pagitan ng ating gobyerno at nang grupo ng MNLF sa Mindanao, ilang linggo na din ang nakakalipas at madami na din ang mga naging apektado, mga ordinaryong tao at maging sa hanay ng mga sundalo na nakikipaglaban sa mga rebeldeng MNLF. Madaming nagbubuwis ng buhay dahil sa pagtatanggol sa bayan sa kabilang banda naman sa kanilang idolohiya na ipinaglalaban sa mababaw man o malalim na kadahilanan. At dito sa mga pagkakataong ito, may mga taong tapat sa tungkulin lalo na sa ating mga kasundaluhan na handang magbuwis ng buhay, iwan ang pamilya para sa pagtatanggol sa bayan. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking nabasa sa isang artikulo sa isang social media tungkol sa isang magiting na sundalo sa katauhan ni Captain. Robert Eduard Lucero. Ang labanan ay naganap sa Carmen, North Cotabato at dito inatake ng 400 na MILF ang Brgy. Sinepetan at dahil dito ay nalalagay sa panganib ang buong Brgy dahil sa lakas at dami ng pwersa ng kalaban. Nung mga panahong yun ang Commanding Officer ng 6th Scout Ranger company,1st Scout Ranger Regiment ay si Capt. Robert Eduard M. Lucero. Nagdesisyon si Capt. Lucero na salubungin ang 400 na MILF dala ang kanyang 14 na Ranger bago paman sila umabot sa mga civilian isa itong ika nga suicide mission para lang sa kapakanan ng mga sibilyang madadamay sakaling umabot sa Brgy. Sinepetan ang bakbakan. hindi paman nakakarating ang mga rebelde inatake na sila ng mga Scout Ranger sa pangunguna ni Capt. Lucero. Sa dami ng machine guns at mortar ng kalaban, nakipagbakbakan ang tropa ni Capt. Lucero ng 9 na oras. Nung nakita ni Capt. Lucero ang huling gunner ng machine gun ng kalaban na naging sanhi sa padami ng padami nilang wounded at sa paubos na din ang bala ng tropa, ginapang ni Capt. Lucero ang posisyon ng kalaban at mag isang inagaw ang Machine gun ng kalaban at yun ang ginamit nya laban sa mga rebelde. Sa dami ng napatay ni Capt. Lucero sa panig ng kalaban kasama na ang MILF commander na si Kumander Mangyan. Napilitang umatras ang mga rebelde. Pero habang nagko-cover fire si Capt. Lucero para sa mga kasama nyang sugatan. Sya ang naging sentro ng mga sniper bago umatras ang mga rebelde tinamaan sa ulo si Capt. Lucero na agaran nyang ikinamatay. Nakatanggap ng MEDAL OF VALOR si Capt. Lucero nang dahil sa kanyang katapangan at kabayanihan.

29 na rebelde lahat ang napatay ni Capt. Lucero at ng kanyang tropa. At ang pinakamahalagang sakripisyong ginawa nya na maligtas ang buong Brgy. Sinepetan sa kamay ng mga rebelde kahit kapalit ang kanyang buhay. ( PMA class HINIRANG) at dahil dito bilang pagpupugay at pagkilala sa kanyang kabayanihan (Pinangalan ang isang Army Camp sa Carmen kay Capt. Lucero).
Napakasarap pong isipin na may mga tao pa pala sa ating bansa na handang magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng iba. Kung madalas at karaniwan na nating nababalitaan sa mga pahayagan  at napapanood sa TV ang mga katiwalian ng ibang alagad ng batas na nasasangkot din sa mga krimen at iregularidad, naniniwala po tayo na may mga ilan pa din naman na totoong tapat at tumutupad sa kanilang tungkulin.  Nagkataon lang na sila ay nadadamay sa sistema ng ilan nilang mga kasamahan na gumagawa ng mga kabuktutan na imbes na maglingkod sa bayan ay sila pa mismo ang numero unong nagiging kalaban ng taong bayan. At hindi lamang sa mga awtoridad may mga iregularidad at alam na alam natin lahat yan. Na ang tungkulin sana ay mag angat ng buhay ng mamamayan subalit sila pang ang numero unong nangunguna sa pagnanakaw sa taong bayan.  Imbes na sila ang bumuhay sa bayan sila pa ang pumapatay.  Halimbawa na lamang yung pondo sa pork barrel na yan na napunta sa ilang bulsa ng mga kawatan kung nailagay lamang din sa mga ospital para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng gamot, ung mga taong walang inaasahan at naghihintay na lamang ng pagpikit ng kanilang mga mata dahil sa hindi makabili ng mga kailangang gamot o hindi maoperahan e di sana ay nagkaron pa ng pagkakataong mabuhay an gating mga kawawang kababayan na ito na umaasa lang sa tulong ng ibang tao. E ganon na siguro talaga ang labanan ngayon sa ating pamunuan, palakasan ng sikmura at pakapalan ng mukha. Naging ating mga lider hindi upang
Paglingkuran tayo at ialay ang sarili kundi para paglingkuran ang kanilang mga sarili. Hindi po natin maiwasan na banggitin ang mga bagay na yan kahit sawang sawa na tayo na madinig ang paulit ulit na sakit ng ating lipunan. Naniniwala po tayo na darating ang panahon ng paghatol ng Panginoon sa mga taong ito na walang ginawa kundi magpahirap sa kanyang kapwa.

Ngayon balikan po natin ang ating pinupunto sa ating mga magigiting na alagad ng batas. Ang pagbubuwis ng buhay ng mga kapulisan o kasundaluhan ay hindi biro at isang napakalaking sakripisyo hindi lamang sa kanilang mga sarili kundi sa kanila din namang pamilya.  Sa oras na sumabak ka sa isang misyon, hindi sila nakakasiguro na makakabalik pa sila ng buhay sa kanilang mga pamilya at yan po ang masakit na katotohanan. Ang mahirap kasi sa atin at nakaugalian na, hindi nakikita ng mga nasa katungkulan ang mga sakripisyo na ginagawa ng mga taong ito, kung nakikita man nila, hindi nila ito nabibigyan ng karampatang atensyon. Nakakalungkot isipin na napupukaw lamang ang atensyon ng ating gobyerno sa oras na hindi palarin ang isa o higit pang tagapagtanggol ng bayan sa hanay ng mga pulis at mga sundalo. Kadalasan, kung kelan patay na ang mga ito saka pa nakakatanggap ng pagkilala at pagpapahalaga. Gaya po ng aking sinabi knina, ito po ay isang masakit na katotohanan, hindi po biro sa isang naulilang pamilya ang ganitong sitwasyon dahil alam nila na hindi na kailanman maibabalik pa ang buhay ng kanilang mahal sa buhay. Sakripisyo. Hindi lamang po sa ating mga otoridad, madami po tayong alam na mga taong nag alay ng buhay para gumanap lamang ng may katapatan sa kanilang serbisyo, kapalit ng kanilang buhay, nagsasakripisyo para sa mga taong hindi nila kilala at hindi nila kaano ano subalit may puso para maglingkod sa kapwa. Noong mga nakaraang araw, akin pong binalikan ang kwento ng September 11 attack sa US, sa pinanood kong documentary na  pinamagatang the 9/11 Conspiracy Theory. kung saan madaming nagbuwis ng buhay sa hanay ng mga fire volunteers or fire brigades sa gumuho na WTC twin towers. Kung inyo po itong napanood or nabasa marahil alam na po ninyo ang tunay na nangyari sa mga oras na iyon at ito ay hindi act of terrorism na binabato nila sa Al qaeda network or sa paksyon ni Bin Laden o nang Jemaah Islamiya. Dito ay malaking cover up na naganap. Sa madaling salita, ito ay inside job. Dahil sa interes ng iba na hindi makatao, madami ang nagsasakripisyo kapalit ng kanilang mga buhay, mga taong tapat sa serbisyo na handang mamatay sa ngalan ng tungkulin.

Ang tanong ngayon, sino sa atin sa mga oras na ito ang handang mag alay ng buhay para sa kapakanan ng iba? Kaya mo bang isuko ang lahat para sa higit na kapakinabangan? Madaling sabihin na Oo, kung may pagkakataon pero ibang usapin na kapag dumating na ang oras at hinihingi na ng pagkakataon kung saan ikaw ay mamimili na. Ang buhay mo para sa buhay ng iba. Ang buhay mo o ang buhay nila. Sa mga taong kagaya ni Capt. Lucero, simpleng simple lang nman ang kasagutan kung sya ay nabubuhay pa sa ngayon. At sigurado kung sya ang aking tatanungin, alam kong handa syang magsakripisyo, ang kasagutan? Sya po ay nagbuwis na ng buhay. Marahil iisipin natin na tungkulin nila ang magtanggol sa bayan at ang kamatayan ay kaakibat na ng kanilang sinumpaang tungkulin. Hindi po, sapagkat maaari kang maglingkod ng hindi nakasalalay ang iyong buhay gaya ng ginagawa ng iba, maraming paraan, subalit iilan lamang ang makagagawa nang ganitong dakilang bagay bilang tao, sila yung mga taong may malalaking puso at pag-ibig sa kanilang kapwa at sa bayan. Sacrifice!.

Naalala ko po ang ginawang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus na nag alay ng kanyang buhay para sa ating mga kasalanan, para sa ating kaligtasan. This is the most ultimate expression of sacrifice.  How could you imagine na ang Panginoong Hesus, dumating sa mundo para sa isang misyon na iligtas tayo sa tiyak na kapahamakan, kapahamakan na walang hanggan dahil sa ating mga kasalanan. Nakikita po ba natin ang ating mga sarili? Tayo mga ordinaryong tao na makasalanan, makasarili at lapastangan pagkatapos ang tutubos sa ating lahat ay ang ating Panginoong Hesus? Sino po ba tayo? Subalit hindi po nakita n gating Panginoong Hesus ang ating kalagayan, kung sino ikaw o ako, kung ano tayong lahat sa kanyang harapan. Ang kanyang nakita sa bawat isa sa atin ay ang ating pangangailangan. Ang lubos na pagmamahal ng ating Panginoon sa bawat isa sa atin ang naging dahilan upang ibigay nya sa atin ang kanyang bugtong na anak para ikaliligtas ng lahat at buhay na walang hanggan. John 3:16. Ganon tayo kamahal ng Panginoong Hesus, dapat sana tayo ang nakapako dun sa Krus subalit kanya itong inako upang tayo ay magkaron ng kapatawaran at kaligtasan. Ang pag aalay ng buhay ng ating Panginoong Hesus ay hindi lamang limitado sa isang baranggay o sa isang siyudad o bansa? Ang pinag uusapan po natin dito ay buong mundo ang sangkatauhan na kanyang tinubos at pinag alayan ng buhay. Sabi ko nga po this is the ultimate sacrifice. We cannot do it by ourselves by our good works, hindi natin kaya na iligtas ang ating mga sarili sa kapahamakan kaya walang dapat magmapuri sa atin lahat. Sa oras nga na nagmapuri kana eh kasalanan na din. It is because by the grace of God we are saved dahil sa pananampalatay mo sa ating Panginoon. Ephesians 2:8-9 - For by grace are ye saved through faith; and that not of yourselves: [it is] the gift of God:

Panghawakan lang natin ang salita ng ating Panginoon at magtiwala sa ating kataas taasang Diyos, tayong lahat ay mgkakakaron ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. John 5:24 - Verily, verily, I say unto you, He that heareth my word, and believeth on him that sent me, hath everlasting life, and shall not come into condemnation; but is passed from death unto life. Walang ginawa po ang ating Panginoong Hesus kundi ang para lamang sa ating kabutihan at kaligtasan, dahil sa kanyang pagmamahal bilang kanyang mga anak. That’s how he spared us not only from physical death. When we trust and acknowledge Him but most of all sa spiritual death, He turned our future into a promised of everlasting life. When our Lord Jesus Christ died on the cross, lahat po nang iyan ay atin pong tatanggapin. We just need to be consistent in God’s way and righteousness.

Wag po tayong mawalan ng pag-asa, ang ating Panginoong Hesus ay hindi natutulog kaibigan. Lumapit ka sa kanya na may pagtitiwala, dahil bilang Panginoon ng ating buhay siya din ang ating tapat at tunay na kaibigan, kaibigan na nag alay ng buhay para sayo iyo, para sa akin. John 15:13 Greater love hath no man than this, that a man lay down his life for his friends.

Our Lord Jesus, expressed the real meaning of ultimate sacrifice by dying for our sin that we may have everlasting life.

Linggo, Oktubre 6, 2013

POEA Processing

POEA PROCESSING. 


Sa mga kagaya kong OFW, kung ikaw ay naghahanda na ngayon ng iyong mga dokumento sa POEA para makakuha ng OEC or Overseas Employment Certificate, siguraduhing kumpleto ang iyong mga dokumento at tama ang lahat ng ito bago ka sumalang sa pag evaluate ng POEA personnel. Kung hindi baka madismaya ka lang at uminit pa ulo mo na sa pagkaaga-aga mo at maghapon ka nang nakapila sa pag aantay ay made deny din pala ang mga dokumento mo. Hindi ka kaagad makakapag PDOS or medical pag nagkataon. Sa mga aplikasyon na dumadaan sa pribadong ahensya, masasabi natin na walang msyadong problema, mayroon kasing direct hire or name hir na pinapadaan din sa agency. Noon ang direct hire ay tinatanggap pa ng POEA, subalit nung lumabas na ang Presidential decree no. 442 article 18 na nagsasaad sa pag ban sa direct hiring alinsunod sa labor code ng Pilipinas. Dito na nagkaproblema ang karamihan sa ating mga kababayan. Kasama na po ako dyan. Dahil nung nakaraang linggo lamang nagsa ayos na ako ng aking mga dokumento paalis ng Pilipinas. Kung ating pag aaralan ang hakbangin na ito at dahilan, sinasabi na ito ay para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa o nais magtrabaho sa ibang bansa. Nais ng ating gobyerno na idaan na ang lahat sa isang pribadong ahensya at ayaw na pasanin pa lahat ng POEA ang responsibilidad ng bawat manggagawa, kagaya na lamang ng seguridad at kaligtasan nila sa kanilang trabaho sa ibang bansa. Isama na natin dito ang ilang benepisyo na makukuha ng manggagawa sa ibang bansa gaya ng repatriation kung kinakailangan. Sinasabi nila na kung ang mga aplikasyon ay pupunta sa isang pribadong ahensya na accredited ng POEA makasisiguro na may benepisyo o may mananagot sa lahat ng mga pangangailangan ng OFW. Subalit dito pa lang sa sistema na ito ay kadalasang na eexploit na agad ang karamihan sa ating mga kababayan,. Karamihan sa mga pribadong ahensya at mataas sumingil ng placement fee, mas higit na mataas sa isang buwang sahod na itinakda sa paniningil. May ibang bansa din nman na talagang mataas maningil ng placement kagaya ng Taiwan dahil sa tinatawag nilang bond. 

Sa mga nagtatanong, para saan ba ang placement fee na sinisingil sa atin ng mga pribadong ahensya na naglalakad ng ating mga papeles? Bukod sa kabayaran ito sa kanilang serbisyo, ito din ay tinatawag nilang standby fund, kung saan gagamitin ang pondo sakaling magkaron ng problema sa kanilang pinadalang manggagawa sa ibang bansa na may kinalaman sa financial o repatriation. Subalit alam natin na hindi nman talaga ito nasusunod, dahil marami sa ating mga Pilipino sa ibang bansa ang may problema sa kanilang mga ahensya mismo. Ang pinag uusapan po natin ay sa proseso ng pribadong ahensya.  Sa mga kagaya naming direct hire, masasabi naming malaking tulong sa amin ang direktang aplikasyon na hindi na dadaan sa mga ahensya, una, makakatipid kana sa gastos at dahil ikaw ang naglalakad ng mga dokumento mo, natututo ka sa proseso at hawak mo ang iyong panahon at oras. 

Sa ngayon, umiiral pa din nman ang direct hire kahit may umiiral na ban sa ganitong proseso. Kumbaga may exemption pa din. Not totalyl banned ika nga. ART. 18. Ban on direct-hiring. - No employer may hire a Filipino worker for overseas employment except through the Boards and entities authorized by the Secretary of Labor. Direct-hiring by members of the diplomatic corps, international organizations and such other employers as may be allowed by the Secretary of Labor is exempted from this provision. Sa madaling salita, ang exemption dito ay yung mga matataas na tao o may katungkulan na mataas sa lipunan o bansa. So kung ang iyong kumpanya ay hindi kabilang sa mga nabanggit, wag kna umasa na pagbibigyan ng POEA ang apela mo para sa direct hire. Bago ko makalimutan, ina allowed nga pala nila ang direct hire sa ngayon kung ikaw ay professional/skilled worker subalit hindi dapat lalampas sa sampu ang aplikasyon ng iyong kumpanya sa mga direct hire. Samakatuwid, pag lumampas na ang record ng kumpanya mo sa direct hire matapos na maverify ng POEA, ikaw ay nangangailangan na na maghanap ng private agency para maproseso ang iyong mga dokumento sa pangingibang bayan. Sa mga HSW naman o yung tinatawag nating Household Service Workers, kagaya ng kasambahay, tagapag alaga, mga driver o hardinero at iba pa, dito walang limit ang aplikasyon ng direct hire, sabi nga ng nakausap ko na staff sa POEA, kahit ilan daw pwede. Subalit kelangan ng kasulatan or employers undertaking at POLO recommendation.  Kung ikaw ay nakapaloob sa kategorya ng Household service worker, bukod sa iyong kontrata, passport, visa, NC2 Tesda Training ay kailangan mo din ang employers undertaking. Ang employers undertaking ay mga talaan ng kondisyon na sasang ayunan ng iyong employer sa mga ilang benepisyo na kailangan mong matanggap. Checklist ito kagaya ng libreng tutuluyan mo, pagkain, allowances, transportasyon at kasama na dito ang medical at repatriation kung ikaw ay wala nang kapasidad na magtrabaho o ikaw ay sumakabilang buhay na. Sa madaling salita ito ay mga kondisyon na inaaatang sa iyong employer.

Ang endorsement naman na manggagaling sa POLO or Philippine Embassy of the host country. Ito ang kasulatan na nagpapatibay upang ikaw ay maging exempted sa article 18 ng labor code kung saan may ban sa direct hire. Sa aking kaso mga kababayan, ang aking sponsor o employer ay immediate member of royal family, so ito ay ang aking basehan para ako ay ma exempt or magkaron ng immunity sa artikulo 18. Subalit gagawin nilang under sa kategorya ng HSW ang aking titulo hindi na nang professional/skilled worker. Ito ang kanilang suhestyon saken nung ako ay nag appeal sa knila to reconsider my case. Kailangan lamang na mapatunayan mo na ang iyong sponsor or employer ay kasama sa mga nabanggit na exempted. Ang naturang dalawang dokumento, ang employers undertaking at endorsement ay manggagaling sa Philipine embassy of the host country kung saan ikaw magtatrabaho. Kung kaya mo ipakiusap sa employer mo na mag request sa Philippine embassy ng kanilang bansa, gawin mo na. Mas makabubuti na kumpleto na ang iyong dokumento kesa mawalan ng saysay ang iyong pagpila maghapon sa POEA. Nagutom nga ako eh, at antok na antok sa pila, hehehehe. Muntik ko na kainin ung mga papel ko. J

Bago ko nga pala makalimutan mga kababayan ko, kadalasan nga pala ung mga employer or sponsors ayaw pumirma ng undertaking dahil sa responsibilidad na nakalagay dun. Kung hindi mo talaga mapilit ang iyong employer, may alternatibo pa nman. Yun nga lang kukuha ka ng insurance company para sa kaseguruhan mo, personal insurance policy. May nabasa ako na yung iba kumuha ata sa cocolife, malapit lang ata yan sa POEA or ortigas, ang halaga at ay mahigit 2000 din. Ito ay coverage ng buong kontrata mo na kung hindi ako nagkakamali. Pero mas makabubuting personal na lang tayo magtanong. Hayy, ang hirap talaga, kelangan ng sakripisyo at panahon bago ka makapgtrabaho. Panahon at salapi ang nakasalalay sayo pati ang pasensya mo. Kaya sa mga nagtatanong, kung baka puede na hindi na kayo dumaan sa POEA dahil direct hire po kayo, ngkakamali po kayo. Mas mabuting tamang proseso na ang ating daanan kesa maharang ka pa sa immigration kung kelan ka palipad. Hahanapan ka ng OEC talaga. Ang benepisyo nga pala ng OEC ay para maging exempted ka sa travel tax at terminal fee, so mabuti na din na meron tayo nito. Lahat lahat ang babayaran mo sa POEA sa proseso kagaya ng OWWA, Philhealth at iba pa ay aabot halos ng 7k bukod pa dyan ang medical mo na humigit kumulang na 4k. Okey na din magsakripisyo sa paghahanda, ang isipin na lang natin, gagawin natin ito para sa pamilya natin at mga mahal sa buhay na umaasa na makakaraos sa kahirapan. Wag mawalan ng pag-asa, una at higit sa lahat na magtiwala tayo sa ating Panginoong Hesus upang tayo ay kanyang gabayan. Kalooban din naman ng ating Panginoon na pagpalain tayo sa ating buhay at kinabukasan, kelangan lang ntin ng complete trust sa kanya. Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

This week, hopefully maayos ko na din ang aking mga dokumento, medical at iba pa. Kelangan ko nlang ng agency na mag rerepresent saken to process my papers since ndi na qualified ang aking aplikasyon as direct hire for skilled/professional worker. Sa mga kababayan ko na may katanungan tungkol sa kanila din pag alis o proseso sa pangingibang bansa, maari po kayong mag iwan sa blog na ito ng inyong mga katanungan or suhestyon at kaalaman para na din makatulong sa iba pa nating mga mambabasa. God bless you all.

 













 

Martes, Oktubre 1, 2013

TRUST IN THE LORD - Do You?

TRUST IN GOD.


For he will hide me in his shelter in the day of trouble; he will conceal me under the cover of his tent; he will lift me high upon a rock. Psalm 27:5

Gusto ko po kayong basahan ng isang istorya na aking nabasa tungkol sa isang taong survivor sa lumubog na barko. Itoy isang maikling kwento lamang na nais ko pong ibahagi sa inyo at marahil ay narinig na ninyo subalit sanay maging paalala sa bawat isa sa atin. Papangalanan natin ang ating survivor na si Juan, hindi po si Juan Dela Cruz. Sya po ang kaisa isang nakaligtas sa lumubog na barko, at nang siya po ay makarating sa isang malayong isla, na walang nakatira o msasabi nating isolated island, walang tao, si Juan po ay nanalangin sa ating Panginoon na siya ay iligtas sa lugar na iyon. Subalit lumipas ang mga araw walang dumating na tulong. Sa madaling salita, walang rescue wala lahat at wala na din syang mgagawa kundi manatili sa lugar na iyon. Nang lumaon napagpasiyahan na lamang ni Juan na magtayo ng bahay kubo para siya ay may masilungan at proteksyon na din sa kapaligiran at panahon. At yun ang kaniyang naging tahanan. Isang araw, pagkagaling nya sa paghahanap ng makakain at nang makauwi si Juan nakita nya na ang kanyang bahay na gawa sa mga kawayan at dahon ay nasusunog at ang usok ay pumapailanlang sa himpapawid. At dahil sa kanyang nasaksihan sya ay nagkaron ng galit at pagtatanong sa ating Panginoon nagkaron ng sama ng loob. Siya ay umiiyak na nagwika “Panginoon pano mo nagawa sa akin ito?” Malamang sa mga oras na iyon pakiramdam nya, puro kamalasan na lang ang kanyang inaabot at siya ay pinabayaan na ng ating Diyos. Kinabukasan siya ay ginising ng mga rescuers, at sya mismo ay nagulat at nagtanong, “Paano ninyo nalaman na ako ay naririto sa lugar na ito?’ Ang sagot ng mga rescuers?....Nakita namin ang usok sa himpapawid at dito namin natunton ang iyong kinalalagyan.

Ano po ang aral na makukuha natin sa kwento na ito at nang koneksyon nito sa ating mga buhay? Madalas iniisip natin na lahat na ata ng problema sa buhay ay dinala na natin o pinararanas sa atin ng ating Diyos. Hindi mo lubos maisip sa sarili mo na sa dinami dami ng tao sa mundong ito, bkit ikaw pa ang nakakaranas ng mga ganyang bagay. Ang dami nating katanungan sa buhay. Bakit mahirap ako? Bakit may sakit ako, bakit ganito ang problema ko? Lahat ng lumalabas sa ating mga sarili ay puro katanungan.

Pastor Lud Golz wrote, “Sometimes God’s love almost seems like hatred because of the difficulties He allows to come our way. The final result, however, always confirms its true nature.”

Dito natin nakikita na may kadahilanan ang lahat ng bagay, na hindi lahat ng nangyayari sa iyo ngayon ay upang parusahan ka ng ating Panginoon, o tuluyang tinalikuran ka na ng ating Panginoon. Sinasabi mo sa sarili mo na Panginoon, mabuti nman po akong tao, at kailanma’y hindi ka gumawa ng masama sa kapwa mo subalit bakit ko nararanasan ang mga bagay na ito? Kagaya ng katanungan ni Juan sa ating kwento nagtatanong din tayo, Panginoon bakit mo nagawa sa akin ang mga bagay na ito.

Nauunahan tayo ng kawalang pag-asa, ng takot at pangamba at iyan ang naturalesa ng isang tao, lalo na kung wala kang matibay na pananampalataya sa ating Panginoong Hesus. Mahirap magsaya pag may problema ka, hindi ka makatulog at ikaw ay walang kapanatagan.  Ang hirap sa isang tao, sapagkat ang karaniwang problema at mga mabibigat na suliranin ay hindi lamang natatapos ng isang buong maghapon, matutulog ka at gigising ka na may problema ka pa din. Pagod na pagod ka na. Kaibigan…makinig kang mabuti, nakikita ng ating Panginoong Hesus ang iyong kalagayan, alam nya ang iyong pinagdadaanan, alam nya na ikaw ay nasasaktan. Alam nya ang iyong karamdaman, ang lahat lahat sa iyo. Bakit? Anak ka nya eh, mahal na mahal ka ng Panginoon. Gusto ng Panginoong Hesus sa mga oras na ito na lumapit ka sa kanya, wala kang ibang gagawin kundi ang kausapin sya at abutin mo ang kanyang mga kamay sa pamamagitan ng iyong puso.

Ang kailangan lamang nya sa iyo ay ang iyong buong pusong pagtitiwala. Ang lingkod ng Panginoon na si Job sa bible ay dumanas ng matinding mga pagsubok sa buhay, hindi lang kanyang mga kayaman, pati ang kanyang pamilya at kanyang sariling kalusugan ay dumanas ng dagok sa buhay. Subalit sa mga bagay na iyon ano ang sabi ni Job? Job 13:15” Hindi ako matatakot kahit ako man ay patayin. Job 1:21 “Hubad akong lumabas sa tiyan ng aking ina, hubad din akong babalik sa alabok, ang Diyos ang nagbibigay, siya rin ang kukuha.

Kadalasan, May mga nangyayari sa ating buhay na hindi natin maunawaan. Gayon man, sa halip na pagdudahan ang kabutihan ng ating Diyos dapat ang ating maging reaksyon ay ang pagtiwalaan sya. Kay Yahweh ka magtiwala ng buong puso at lubusan at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Siya ay sangguniin sa lahat mong mga balak, at kanyang itutumpak ang lahat mong mga lakad. (Kawikaan 3:5-6). Hindi natin kailangan gumawa ng sarili nating mga kaparaanan, kung sa tingin natin walang tulong na darating sa ating Ama na nasa langit, kadalasan ito pa ang mas lalo natin kinapapahamak. Panghawakan natin ang salita mga salita ng ating Panginoon. Pananampalataya at taos pusong panalangin ang iyong magiging spiritual smoke na papailanlang sa kataas-taasan kagaya ng istorya na ating napakinggan.

Trust in him at all times, O people; pour out your heart before him; God is a refuge for us. Psalm 62:8

For he will hide me in his shelter in the day of trouble; he will conceal me under the cover of his tent; he will lift me high upon a rock. Psalm 27:5

God is our refuge and strength, a very present help in trouble. Psalm 46:1.

This is the right time kaibigan para ibigay mo ang buong tiwala mo sa Panginoon na sa kabila ng lahat ng iyan mayroon naghihintay na pag-asa at kasagutan sa ating mga suliranin at pangangailangan. God want’s to wipe out your tears right now. He loved you and will always be.

CORE VALUE OF HUMANITY - Ms. World 2013 Winning Answer

Ms. World 2013 - Megan Young from the Philippines.


Katatapos lamang ng coronation ng Miss World 2013 na ginanap sa Indonesia na pinagwagian ng ating kababayan na si Ms. Megan Young na masasabi nating isang karangalan para sa ating bansang Pilipinas. Mga kaibigan, hindi po ako panatiko ng beauty pageant pang local man o pandaigdigan although we are acknowledging beauties and brains at nakakanood naman din tayo kahit paano paminsan minsan. Naisip ko bakit hindi ko subukan panoorin kahit paano ang natatanging gabi na pinagwagian ng ating kababayan. Sapagkat naisip ko, nakakapagod na ang mga napapanood natin sa telebisyon, sa internet na mga hindi magagandang pangyayari sa ating kapaligiran, particular na sa ating bansa. Sabi ko sa sarili ko it’s time na makabalita naman ng magandang pangyayari sa ating bansa, kumbaga makahinga man lang tayo sa issue ng labanan sa Zamboanga sa pagitan ng ating gobyerno at MNLF, at sa issue din naman ng pork barrel na hanggang ngayon ay dinidinig pa din sa senado. Hindi ba nakakagaan ng pakiramdam na sa kabila ng mga pangit na pangyayari ay meron din namang magandang balita, although sa ating mga kababayan sasabihin ng iba, Oo, nanalo nga tayo sa patimpalak ng Miss World 2013, subalit ano ang tunay na epekto sa atin ng karangalan na iyon? Lalo na sa mga ordinaryong mamamayan na ang iniisip ay ang makaraos sa araw araw na kahirapan at kaguluhan. Well, let’s face it, it will not directly benefit each and everyone of us but let’s face it as well na malaking bagay ang karangalan na ito sa imahe ng ating bansa at dito tayo nakakapagpahinga sa kapaguran sa kaliwat kanang issue ng ating lipunan. Sabi ng ating Bise Presidente Jejomar Binay “Amid the many issues our country is facing today, Miss Young's victory is a candle of hope that assures us we will pull through. Certainly, this is a victory not only for Ms. Young, but for the whole nation,” Binay added, noting how it will inspire Filipinos affected by recent crisis.

The Office of the Presidential Adviser on the Peace Process also lauded Young, who was among the celebrities recently named national ambassadors for peace.

Malacanang also congratulated Young, who is the first ever Filipina to bring home Miss World’s famed blue crown during the pageant’s finale in Bali,Indonesia.
 
“This is another Filipino who showed the rest of the world what we can do as Filipinos,” Communications Secretary Ramon Carandang.

Kahit ako mismo mga kaibigan sa sarili ko, nung malaman ko na nanalo ang ating kababayan, naisip ko talaga na, hay sa wakas, may mabuting balita nman.  Kaya kahit glimpse lang ng winning moment ng ating kababayan ay gusto kong malaman, what makes her a winner, aside from beauty is the intelligence of a person. The question and answer portion. Ang katanungan...
  
Why you should be Miss World?....

I treasure a core value of humanity, and that guides me to understanding people, why they act the way they do, how they live up their lives. And I will use this core values and my understanding not only how to think others but to show other people how can they understand others, to help others to get us one together we shall help society.

Ngayon po mga kaibigan, nais ko pong ibahagi sa inyo kung ano ang significance ng kanyang kasagutan sa ating mga buhay. Sa ating komunidad sa ating bansa, o maging sa buong mundo. Bigyan natin ng isa isang pakahulugan at paliwanag. Una, ano ang ibig sabihin ng core value of humanity?

Core Values are traits or qualities and in other meaning it is also called guiding principles which form a solid core of WHO YOU ARE, WHAT YOU BELIEVE and WANT TO BE GOING FORWARD. At sa Humanity naman, simpleng paliwanag – human being, human race. TAYO, tayong mga tao dito sa ibabaw ng mundo.

So kung ating pagsasamahin, ito ang iyong pamantayan at pagkatao, paniniwala, mga bagay na gusto mong mangyari o nais mong patunguhan para sa kapwa hindi para sa sarili mo. At dahil nagtataglay ka nito, naiintindihan mo ang kalagayan ng iba at ikaw ay may pagpapahalaga. Naalala ko tuloy nabanggit natin CORE VALUES, may malasakit ka sa iba, ibig sabihin hindi ka selfish or self centered. E ano naman ang tawag dun  sa mga taong makasarili, swapang at walang inintindi kundi ang kanilang mga sarili? Lalo na ung mga gumagawa ng katiwalian dyan gobyerno? Yung kanina CORE VALUES, siguro ang puede nating itawag sa kagaya nila ay CORRUPT VALUES! Hindi CORE VALUES kundi CORRUPT VALUES. SAbi nga ni Sen. Miriam Defensor Santiago, wala daw sariling building ang senado, pero may pondo nman, nagrerenta lang ang senado, bakit hindi nlang bumili ng sariling gusali, nakalimutan ko lang kung san lugar yung sinabi nya eh, pero ang natatandaan ko ay ung CROCODILE FARM. Dun daw dapat itayo ang Senado. Nakakalungkot po diba? Nasaan ang CORE VALUES ng mga taong ito? Na walang inisip kundi ang magpayaman ng kanilang mga sarili sa karumal-dumal na kaparaanan. Puede din nman nating tawagin silang CROCODILE VALUES.

Para maintindihan po natin ang kalagayan ng isang tao, dapat nagtataglay po tayo ng pagkatao na nakakaintindi o nakakakita sa kalagayan ng iba. Paniniwala mo na ang mga tao ay dapat na ituring mga tao hindi hayop. May adhikain ka na masagot kung ano man ang pangangailangan ng iba sa abot ng iyong makakaya, hindi sa abot ng iyong makukurakot. Sabi ni Megan, when she treasure core values of humanity, dito nya naiintindihan ang kalagayan ng mga tao, bakit ang mga taong ito ay ganon mag-isip at ganon kumilos. Sa isang pamayanan na puno ng kaguluhan at pagkakabaha-bahagi, ano sa tingin mo ang katangian o kinikilos ng mga tao dito? Pag usapan natin ung mga taong apektado ng ganitong sistema. Una, dahil sa kahirapan ang isang ordinaryong tao ay natututong magnakaw, pumatay at kung ano ano pang hindi magagandang bagay na puede nyang gawin para may makain o maka survive sa araw araw. Ang ating pong nabanggit ay ilan lamang sa mga dahilan. Iyan po ang katotohanan na nangyayari sa ating lipunan at hindi po lingid sa bawat isa sa atin yan. Nakikita mo kung paano sila namumuhay, at pagnagkagayon, nagkakaron ka ng simpatiya na masolusyunan ang problema ng iyong kapwa at hindi lang sa kanilang mga sarili kundi para din nman makatulong pa sa iba na may kagaya din nilang kalagayan o mga suliranin. Magkaron ng pagkakaisa ang bawat. To be as one, together we shall help society. This is an impartation act, meaning to say, hindi lang nagtatapos sa iyong sarili, kundi para sa iba at sa iba pa sa kabuuan.

Hindi na bago sa pandinig natin ang kasagutan ni Meagan sa Miss World, pero ang tanong naiintindihan po ba natin ang kahulugan ng sagot na ito? This is a selfless act. Sa sagot ni Meagan, mapapansin natin na She used the word “THEIR” once, “THEY” 3x, and the word “OTHERS” 4x Sa inyo ko po iiwan ang pakahulugan ng mga salita na ito batay sa inyong pagkakaintindi at ating tinalakay. Hindi natin po kelangan mag-aral pa ng humanities para mas maintindihan natin ang mga bagay na ito o nang human resource, kung saan pinag-aaralan ang paksa ng CORE VALUES at Humanity. The very exact things na punong puno ng pagtuturo about selflessness and how to think others is the BIBLE itself ang salita ng ating Panginoon mismo.

Philippians 2:4 “Let each of you look not only to his own interests, but also to the interests of others”.
I Peter 3:8 : “Finally, all of you, have unity of mind, sympathy, brotherly love, a tender heart, and a humble mind.
Galatians 5:14 “ For the whole law is fulfilled in one word: “You shall love your neighbor as yourself.

Kaya mo ba gumawa ng mabuti para sa iba? Para sa kapwa mo o kaibigan mo?  For us to be able to have this character, we need a big heart for others which means LOVE.  Unconditional LOVE.  Ang atin pong Panginoong Hesus ang isang pinaka the best na halimbawa ng selflessness at greatest LOVE.  This is more than just ah core values of humanity but this is the greatest gift for humanity. Na inisip ang para sa kapakanan nating lahat, ng kapatawaran ng ating mga kasalanan at kaligtasan nating lahat.  John 15:12-14 ““This is my commandment, that you love one another as I have loved you. Greater love has no one than this, that someone lay down his life for his friends. You are my friends if you do what I command you. John 3:16, we all know about this.  Kagaya ni Meagan Young, crowned as Miss World 2013, tayo din po ay tatanggap ng ganitong gantimpala sa ating amang nasa langit sa pagdating ng araw sa kanyang pagdating. 1 Peter 5:4 - And when the chief Shepherd shall appear, ye shall receive a crown of glory that fadeth not away. We are not receiving Miss World crown, but we are receiving the best crown of all, which is the crown of righteousness and salvation.